After that incident, yung kunwaring boyfriend ni Gina si Hale at girlfriend ko naman si Snow ay naging mas malapit na kaming dalawa ni Gina. Though hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Naayos mo na ba ang bag mo, have you packed all your stuff?” tanong ko kay Gina ng puntahan ko sya sa kwarto nya.
Since sembreak naman ngayon, and malapit na ang anniversary ni Kuya at Ate Billy they decided na mag out-of-town for a couple of days. Syempre pa all expense paid ni Kuya, he even asked us to invite our friends. Gina and I decided to ask Lalaine and Jules to come with us, si Ate Billy at Kuya naman si Ate Empress at Kuya Oliver ang isinama.
Galing pala ng CR si Gina kaya pala hindi ko sya nakita nung pumasok ako sa kwarto nya. “Yup, kakatapos ko lang mag-ayos ng bag ko Gio. Yung sa’yo ba, naayos mo na?” sagot naman nya sa akin habang itinatabi yung mga bag na dadalhin nya mamayang gabi pag-alis namin.
“Baka naman ang dami mo na namang dadalin na hindi naman kailangan.” Ewan ko ba sa isang ‘to, kahit hindi naman useful dinadala pa rin nya. “Baka nagdala ka pa ng hair blower?”
Sa sinabi ko na yon, bigla na lang tumulis yung nguso nya na parang ang sarap lang halikan. “Nagdala nga ako. Eh kasi baka mama---“ hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya kasi hindi ko talaga napigilan ang sarili ko na halikan sya.
“I understand, baka kasi mamaya walang blower sa hotel na tutuluyan natin, eh ‘di ilang araw ka din na bad hair day. At kapag nangyari yon papangit ka, at kapag pumangit ka maiisip mo na baka hindi kita magustuhan.” Ang utak talaga ng mga babae masyadong advance. “Kahit naman hindi maganda ang buhok mo, hindi pa rin naman kita pagpapalit kay Snow kahit pa mas maputi sya sa’yo.”
Hinampas naman ako ni Gina dahil sa sinabi ko na mas maputi si Snow compare sa kanya, pero totoo naman iyon kasi nga American sya. To be honest, hindi ko talaga gusto ang mga ganong kulay, mas prefer ko pa rin ang asian color.
“Ang sama mo talaga, lumabas ka na nga ng kwarto ko. Marami pa akong gagawin!” at tinalikuran na nya ako.
Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod. “Eto naman oh, binibiro ka lang naman.” Naglalambing kong sabi.
“Tse! Maghanap ka ng kausap mo.” at pumunta sa kabilang sulok ng kwarto nya.
Hindi ko naman matitiis na nagtatampo sa akin si Gina, kaka-ayos lang namin tapos tampuhan na naman kami. “Sorry na Regina, joke lang naman yun.” Sabi ko sa kanya sabay yakap ulit mula sa likod nya.
“Kuya Gio, laro tayo ng Temple Run asaka ng Fruit Ninja.”
Ano ba naman si Ran, napaka wrong timing din kung minsan. “Hindi ako pwede Ran, busy si Kuya Gio. Si Ate Monsi na lang ang ayain mo maglaro.” Pero parang ako lang si Ran kung minsan.
“Pero Kuya Gio, Ate Monsi is busy packing her things. Looks like you’re done packing too, so play with me na. Ate Billy is also busy packing her and Kuya’s stuff.” At isang beses pa ay humindi ako sa kanya. “Ate Gina, tayo na lang ang maglaro, ayaw akong kalaro ni Kuya Gio oh.”
“Hindi pwede si Ate Gina, hindi pa sya tapos mag-ayos ng gamit nya.” Magsasalita sana si Gina pero tinakpan ko na yung bibig nya, aba ayoko naman na umalis kami papunta sa Ilocos na hindi kami ok, pano kami mo-moment doon? “Hintayin mo na lang na matapos si Ate Monsi mo sa ginagawa nya. Sige na Ran, may pag-uusapan pa kami ng Ate Gina mo.”
Mabuti naman at lumabas na si Ran ng kwarto ni Gina. “Bakit naman hindi mo sinamahan na maglaro si Ran?” parang galit na tanong ni Gina sa akin.
“Kasi ayaw mo akong pansinin, ayaw mo akong kausapin.”
Tiningnan naman ako ng masama ni Gina. “So kasalanan ko pa pala ngayon, ganon? Hoy Gregorio baka talagang samain ka na sa akin ha. Lumabas ka sa kwarto ko.”
“Sorry na kasi Regina, di na kita ulit bibiruin about kay Snow.” At hinila ko sya palapit sa akin para yakapin sya. “Sorry na uy. Gina, sorry na!” at hinalikan ko sya sa pisngi.
“Oo na, sige na makipaglaro ka na kay Ran, kawawa naman yung bata walang makalaro.” Ouch, parang ayaw akong kasama ni Gina. “Oh, anong klaseng tingin na naman yan Gio? Bakit parang iiyak ka?”
“Kasi parang ayaw mo akong kasama, kasi parang galit ka pa rin sa akin. Kita mo nga, pinagtatabuyan mo ako papunta kay Ran. Ayaw mo ba akong kasama?”
“Hindi naman, kasi kawawa naman si Ran.” At nagpatumba ako sa kama nya habang yakap-yakap ko sya. “Ano ka ba Gio!” Ito ang best feeling. “Bitawan mo nga ako, tatayo ako!”
“Ayoko nga, ang ganda-ganda ng pwesto natin oh. Na-miss kita.” Ikaw na madaming sweet bones sa katawan Gio, ikaw na talaga! “Ganito lang muna tayo, twenty minutes lang.”
++++++++++++++++++++++++++++
(Monina POV)
“Ate Monsi, let’s play Temple Run and Fruit Ninja.” Biglang sabi ni Ran ng pumasok sya sa kwarto ko bitbit ang iPad nya. “Ate Monsi!”
Naman oh, wrong timing naman si Ran. Hindi pa nga ako tapos mag-ayos ng mga gamit na dadalin ko mamayang gabi. “I can’t play with you Ran, busy pa si Ate Monsi. Inaayos ko pa ang mga dadalin ko mamaya, ask Kuya Gio or Ate Gina to play with you.” Sagot ko kay Ran na sinulyapan ko lang.
Umakyat sya sa kama ko at sinimulang maglaro saka nagsalita. “Eeehhh, busy din daw si Kuya Gio, and sabi rin ni Kuya Gio busy si Ate Gina that’s why they can’t play with me.” Sagot naman ni Ran sa akin.
“Ano bang ginagawa ni Kuya Gio?” tanong ko naman kay Ran.
“They are busy hugging each other eh.” Walanjong dalawa na yon. Akala ko hindi silang dalawa at may jowa ng silang iba? “Nandun nga sila sa kwarto ni Ate Gina right now. Niiistorbo ni Kuya Gio si Ate Gina sa pag-aayos ng gamit nya.” Dagdag pa ni Ran.
Bakit kailangan pa nilang ipakita yung mga ganon kay Ran, hindi pa naman sila mag-asawa? Isumbong ko kaya silang dalawa kay Mommy at Daddy!
“Sandali lang Ran, dito ka lang ha! Pupuntahan ko lang sandali sina Kuya Gio!” sesermonan ko ang dalawa na iyon, tama ba naman na mag-PDA sa harap ni Ran? “You wait for me here, ok?” at lumabas na ako ng kwarto ko papunta sa kwarto ni Ate Gina.
“Oh Monsi, saan ka sasabak ng gyera?” tanong sa akin ni Ate Billy ng makasalubong ako. “Tara nga dito!” at hinila nya ako papasok ulit sa kwarto ko.
“Ate Billy look, I got a new top score on Fruit Ninja!” pagmamalaki ni Ran kay Ate Billy ng pumasok kami sa kwarto ko.
“Wow naman, ang galling talaga ni Ran. Laro ka pa ulit.” Sabi nya kay Ran, pagkatapos ay ako naman ang hinarap nya. “So Monina, tell me bakit ganyan ang itsura mo na para kang may susugurin na kaaway?”
Napayuko naman ako at saka nagsalita “Eh kasi si Kuya Gio at Ate Gina, pinapakita pa nila kay Ran yung paglalampungan nila” naiiyak kong sabi kay Ate Billy. “Eh diba hindi naman tama yun Ate, ang bata pa kaya ni Ran para sa mga ganon.” Naiyak na talaga ako, ewan ko kung bakit. “Saka ang labo kasi nila, nung isang araw lang sabi nila may iba na silang boyfriend at girlfriend tapos ngayon makikita sila ni Ran na nagyayakapan sa kwarto ni Ate Gina.”
Niyakap naman ako ni Ate Billy at saka sya nagsalita, ay naunahan pala syang magsalita ni Ran. “Ate Monsi, why are you crying? Pina-iyak mo ba sya Ate Billy?” kita nyo nga, napaka-inosente pa ni Ran tapos pakikitaan nila ng ganon.
“May problem kasi yung friend ni Ate Monsi and she’s affected. Puntahan mo muna baby si Kuya Nathan sa room namin, lalaro daw kayo ng Temple Run.” Excited naman na bumaba si Ran sa kama ko at tumakbo papunta sa kwarto nila Kuya Nathan. Ako naman ang hinarap ni Ate Billy pagkalabas ni Ran. “Ako na lang ang makikipag-usap sa kanila Monsi, ok ba ‘yon?”
Tumango lang ako bilang sagot at saka yumakap sa kanya. Kasi hindi kasi talaga maganda ang naging dating noon sa akin. Ok lang naman sana na maglampungan silang dalawa, basta siguraduhin lang nila na hindi namin makikita ni Ran.
“Sige na Monina, tahan ka na at si Ate Billy na ang bahalang pagsabihan si Kuya Gio at Ate Gina, ok?” at pinahiran na ni Ate ang luha ko. “Tuloy mo na yang pag-aayos mo ng gamit.” At lumabas na sya ng kwarto ko.
Sobrang swerte talaga namin, lalo na ni Kuya kasi napaka-bait ni Ate Billy. She treats us like her real family, para ngang mas kapatid pa namin sya kesa kay Kuya Nathan before. Super thankful din kami sa kanya kasi sya yung dahilan para mapalapit ulit sa amin si Kuya Nathan na naligaw ng landas.
++++++++++++++++++++++++
(Billy POV)
Paker talaga ‘tong dalawang love birds na ‘to, wala ng piniling lugar. Jusko, tama ba namang ipakita pati kay Ran ang PDA nila? Tatamaan talaga sa akin ang dalawa na ‘to. Kawawang Monsi, naiyak na lang sa sobrang bwisit siguro sa dalawa. Kasi nga naman, umuwi dito nung minsan yung dalawa at nagtuturuan na meron ng ibang jowa ang isa’t-isa tapos makikita mo na ganon ang drama nila.
Napansin ko naman na bukas nga yung pinto ng kwarto ni Gina, at pagtapat ko doon, nakita ko ang dalawa na magkayakap habang nakahiga. Mukang masyado naman yata silang nasarapan sa pagyayakapan at mukang tulog ang dalawa.
“Ahem… Aheeeemmm…” alangya, dedma lang? “Aheeeeem!!! Excuse me lang oh, istorbohin ko lang kayo sandali”
Bigla namang napatayo sa pagkakahiga yung dalawa, at naghiwalay mula sa pagkakayakap nila sa isa’t-isa. “Bakit Ate Billy?” tanong sa akin ni Gio na nagkukusot pa ng mata.
“Pasok ka Ate Billy.” Ang sabi naman sa akin ni Gina ng makatayo ito mula sa pagkakahiga nya. “May kailangan ka ba?”
Pumasok naman ako at isinara ang pinto ng kwarto. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko, kung hindi man tama ang gagawin ko, iisipin ko na lang na ginagawa ko lang ‘to para kay Ran.
“Ate Billy!” untag naman sa akin ni Gio ng matulala ako ng hindi ko namamalayan. “May problema ba?”
Problema bang maituturing yung mga nakita ni Ran at yung naging reaksyon ni Monina? “Ano kasi eh, ahmmm… gusto ko sana kayong maka-usap ng maayos.” Pasimula ko, kasi hindi ko alam kung pano ito sisimulan eh.
“Ano iyon Ate Billy, parang masyadong seryoso ang sasabihin mo?”
“May sinabi kasi sa akin si Monina kanina, and I think kailangan nyong malaman.” Tumigil ako saglit. “Nakita daw kayong dalawa ni Ran na nagyayakapan, and Ran told that to Monsi. Dapat nga si Monina ang pupunta dito at magsasabi sa inyo.”
Nagkatinginan naman yung dalawa, pero walang nagsalita ni isa sa kanila. “Habang sinasabi sa akin ni Monina ang lahat umiiyak sya, and I can’t figure out why, pero sa tingin ko dahil sa confusion plus that she’s concern kay Ran.” Yumuko naman si Gina after kong sabihin iyon, at si Gio na lang ang naka-tingin sa akin.
“Hindi naman sa pinagbabawalan ko kayong dalawa na ipakita yung pagmamahal nyo sa isa’t-isa, but please consider Monina and Ran, they are too young for that kind of thing. May kasama kasi tayong bata sa bahay, and I don’t think na maganda yun sa tingin nila.”
“Sorry Ate Billy” biglang sabi ni Gina.
“Hindi kasi maintindihan ni Monina ang tungkol sa inyong dalawa. Kasi nga diba, nung isang araw umuwi kayo dito at nagsabi na may boyfriend ka ng iba,” tiningnan ko si Gina “at may girlfriend ka na rin na iba” at si Gio naman ang tiningnan ko “syempre iisipin nung isa na hindi kayo, na walang namamagitan sa inyo. Tapos bigla-bigla malalaman nya na naglalambingan kayo, syempre magugulo ang isip nun.”
“Sorry, hindi ko agad naisip yun.” Bigla ring sabi ni Gio.
“Alam naman nating lahat dito sa bahay na matalino kayo, kaya naman naisip agad ni Monina yung kapatid nya, si Ran. For sure naman mahal nyo rin naman si Ran, and we all want the best for him.” Dagdag ko pa. “Maaasahan ko ba na hindi na ulit ito mangyayari?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Tumango naman yung dalawa bilang sagot sa tanong ko. “So anong balak nyong gawin ngayon?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Maybe we should go talk to Monsi and say sorry and explain kung saan sya naguguluhan.” Sagot naman sa akin ni Gio.
Tumayo na ako at lumapit sa pinto para lumabas. “Paker kasi kayong dalawa, mag-aminan na kayong dalawa kung mahal nyo talaga ang isa’t-isa hindi yung para kayong timang na minsan sweet, minsan naman dedmahan ang drama.” At tuluyan na akong lumabas ng kwarto ni Gina.
Bakit ba kasi may mga tao na mahal naman nila yung isang tao pero bakit hindi nila masabi-sabi sa kanya at sa buong mundo na mahal nya ito? Hindi ko kasi talaga sila ma-gets eh, kinakahiya ba nila na mahala nila ang mahal nila? At lesheness, basta ako mahal na mahal ko ang asawa ko, at alam ko na mahal na mahal din nya ako at hindi nya ako ipagpapalit. Dahil sa oras na gawin nya yon, magsisisi sya ng sobra-sobra dahil wala na syang makikita pa na katulad ko.
“Ran, tapos na kayo maglaro ni Kuya Nathan mo?” hindi ko kasi alam kung naglalaro pa ba sila o nagku-kwentuhan na lang. “Let’s pack your things na.” at binuhat ko na si Ran.
“Sweetheart tulungan na kita sa pag-aayos ng gamit ni Ran.” Prisinta naman ni Nathan.
“Wag na Kuya Nathan, Ate Billy and I can manage.”
“Eh di papanoorin ko na lang kayo, mamaya kung ano na naman sabihin mo sa sweetheart ko.” parang timang talaga ‘tong si Nathan, pati si Ran pinagseselosan. “Sama ako sa kwarto mo Ran.”