Chapter 4
Habang nasa biyahe kami ni Janzel papunta sa aking apartment ay naalala ko ang sinabi sa akin ni Kristine na akitin ko si Janzel. Nag-research ako noon sa internet kung ano ang pagkain na puwede kong ibigay kay Janzel para uminit ang kaniyang katawan. May nakita akong shope sa online na nagbibinta no’n, kaya sinubukan kong bilhin dahil baka magamit ko iyon sa tamang pagkakataon. At heto na nga ang pagkakataon na iyon na hinihintay ko.
‘’Janzel, candy, oh! Para hindi ka antukin,’’ sabi ko sabay subo sa bunganga niya. Hindi naman siya tumanggi at tinanggap ng labi niya iyon.
‘’Anong candy, to? Masarap, ah!’’ nakangiti niyang sabi sa akin.
‘’Pampatanggal ng antok. Saka pampatanggal na rin ng kalasingan,’’ ngiti kong wika sa kaniya.
Tumango-tango lang siya. Nang malapit na kami sa apartment ko ay nararamdaman ko na parang hindi na siya mapakali.
Sinimulan kong akitin si Janzel at hindi naman ako nabigo. Huminto siya sa may kanto sa highway na papasok sa apartment at siniil niya na ako ng halik sa labi. Parehong nagliliyab ang aming katawan at hindi ko na inisip kong ano ang mangyayari sa akin sa amin sa hinaharap.
“Anong ginawa mo sa akin, ha?’’ tanong niya sa akin sa mapupungay niyang mata.
Hindi na ako nakasagot nang hinalikan niya angaking leeg. Nagpaubaya ako at hinayaan na ilabas ni Janzel ang init ng katawan na kaniyang nararamdaman dahil sa candy na pinakin ko sa kaniya.
Sa sasakyan pa lang ni Janzel ay isinuko ko na ang katawan ko kay Janzel ng buong-buo. Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko. Nang hindi pa kami nakuntinto ay ipinagpatuloy namin sa apartment ko ang mapusok na nararamdaman namin. Walang sawa niya akong inangkin ng gabing iyon.
Kinabukasan ay nagising ako na subrang sakit ng buo kong katawan. Ngunit may mga ngiti sa aking labi nang makita ko si Janzel sa aking tabi na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan ko ang guwapo niyang mukha at matangos niyang ilong.
Hinaplos ng hintuturo ko ang kaniyang manipis na labi at dinampian ng matamis na halik. Gumalaw siya at unti-unting dumilat. Bahagya pa kaming nagkatitgan bago siya natauhan na ako ang kasama niya.
‘’s**t! Cristy, anong ginagawa mo rito?’’ nagtataka niyang tanong sa akin.
“Janzel, hindi mo ba natandaan ang nangyari sa atin kagabi?’’ tanong ko sa kaniya habang hinahawakan ang kumot na bumabalot sa aking katawan.
Napasapo ang kaniyang palad sa kaniyang noo at umiling-iling.
‘’Hindi ito totoo. Sabihin mo na panaginip lang ito at walang nangyari sa atin. Hindi ito puwede, Cristy!’’ hindi makapaniwala niyang sabi sa akin.
“May nangyari sa atin, Janzel. Hindi ka nanaginip,’’ wika ko sa kaniya.
“s**t! Bakit mo hinayaan na may nangyari sa atin, ha? Paano si Jasmine? Anong ibinigay mo sa akin kagabi, ha? Bakit gano’n kainit ang nararamdaman ko sa aking buong pagkatao, ha!?’’ galit niyang tanong sa akin.
Ngunit sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay iba ang sinabi ko. ‘’Mahal kita, Janzel. Simula noong una kitang nakita sa paaralan ay hindi ka na nawala sa isip at puso ko,’’ garalgal kong pag-amin sa kaniya.
“Alam mong girlfriend ko si Jasmine, Cristy. Paano mo nagawa ito?’’ bigo niyang tanong sa akin. ‘’Hindi kita mapapanagutan sa nangyari sa atin at ayaw kong maulit na ito. Kung puwede ilihim mo ito kay Jasmine. Mahal ko si Jasmine, Cristy! Ayaw ko masira ang relasyon namin na matagal ko ng pinangarap!’’ aniya at bungon at mabilis na nagbihis.
“Janzel, ako na lang ang mahalin mo. Pangako magiging masaya ka sa piling ko,’’ desperada kong wika sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at umiling-iling. ‘’Hindi kita mahal, Cristy. Patawarin mo sana ako pero hindi kita mapapanagutan.’’
Naiyak na lamang ako nang lumabas na siya sa aking silid. “Mapapasaakin ka rin Janzel,’’sambit ko at pinunasan ang mga luha ko.
Tumayo ako at nagtungo sa banyo. Tiningnan ko ng maiigi ang aking buong katawan. Mahapdi pa ang pagitan ng akin at may mga bakat pang pula sa aking mga hita at mayroon din akong kiss mark sa balikat na malapit sa aking leeg.
Naligo ako dahil nalalagkitan ako at pagkatapos ay nagmukmok na ako sa aking silid. Hindi ako pumasok sa paaralan dahil parang pagod ako at masakit pa ang pagitan ng dalawa kong hita.
Pagsapit ng alas otso ng umaga ay tawag ni Jasmine ang nakita ko sa aking cellphone. Sinagot ko ito kaagad.
‘’Jasmine?’’
‘’Best, bakit hindi ka pumasok?’’ nag-alala niyang tanong sa akin.
‘’Masama kasi ang pakiramdam ko. May hang over pa yata ako,’’ sabi ko sa paos na boses sa kaniya.
‘’Akala ko napaano ka na. Hinatid ka ba ni Janzel hanggang sa apartment mo?’’ tanong niya sa akin.
Nagu-guilty ako sa aking nagawa sa kaibigan ko. Inakit ko ang boyfriend niya para lang maagaw ko ito sa kaniya. Ngunit parang mabibigo ako dahil ayaw sa akin ni Janzel at wala siyang balak na pananagutan ang nangyari sa aming dalawa.
‘’Oo, best. Umuwi rin siya kaagad,’’ pagsisinungaling ko kay Jasmine.
‘’Oh, sige. Magpahinga ka, ha? Bukas pumasok ka na,’’ bilin niya sa akin bago niya pinatay ang cellphone.
Malalim akong nagbuntonghiniga. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Jasmine at si Janzel. Alam kong mali ang ginawa ko, ngunit sa kagustuhan ko na mabaling ang pagtingin ni Janzel sa akin ay nagawa kong traidorin ang kaibigan ko.
Naiyak na lamang ako dahil iniisip ko na nag-iisa na naman ako. Ngunit patuloy ko lang pinapatatag ang sarili ko para ano man ang pagsubok na maranasan ko sa hinaharap ay kaya kong harapin.
Hanggang sumapit ang gabi ay tumawag sa akin si Tito Danny at Tita Jean.
‘’Cristy, malapit na ang graduation mo. Uuwi kami riyan ng Tito mo Danny,’’ masayang balita ni Tita Jean sa akin.
‘’Talaga, po? Salamat, Tita. Akala ko hindi kayo uuwi sa graduation ko.’’
‘’Maaari bang palagpasin namin ang araw na iyon? Mahalaga iyon sa buhay mo at kung buhay lang ang mga magulang mo, tiyak na matutuwa sila,’’ wika pa ni Tita sa akin. ‘’Oh, ito ang Tito mo kakausapin ka.’’
‘’Cristy, kumusta ka na? Wala ka pa rin bang boyfriend?’’ natatawang tanong sa akin ni Tito.
‘’Wala pa, Tito,’’ ngiti kong sagot sa kaniya.
‘’Hayaan mo. Maraming mga kano rito at mamili ka lang. Pag-uwi namin ni Tita mo sasama ka na sa amin at para dito ka na lang magtrabaho. O kung gusto mo ay magnegosyo ka na lang,’’ ani Tito Danny sa akin.
Hindi ko inaasahan ang maganda niyang balita sa akin. Total wala na rin akong mukha na humarap kay Janzel lalo na kay Jasmine ay mabuti pa ngang sumama na lang ako kay Tito sa Amerika. Baka sakaling makalimutan ko ang kagagahan kong ginawa sa buong buhay ko dahil lang sa isang lalaki.
Kinabukasan ay pumasok na ako sa university. Tahimik lang ako kapag nagyayaya sina Jasmine at Bioly na pumunta sa bar. Tinanggihan ko sila lalo na ng sabihin ni Jasmine na kasama niya si Janzel. Gusto ko ng iwasan na lang si Janzel.
Lumipas pa ang mga araw ay napapansin ni Bioly at Kristine ang ikinikilos ko.
‘’Cristy, may problema ka ba?’’ tanong ni Bioly sa akin.
“Oo, nga, Cristy. Napansin ko na parang ang lungkot mo palagi tapos hindi ka na sumasama sa amin,’’ sabi naman ni Kristine.
“Wala ito. Masama lang ang pakiramdam ko,’’ sabi ko at itinali ko ang aking buhok.
‘’Ano ‘yang sa leeg mo?’’ usisa ni Bioly sa akin at itinuro ang mapulang bagay na nasa leeg ko. Kaunti na nga lang ang pula nito pero napansin pa nila.
‘’Hoy! Sino ang tumira sa’yo?’’ tanong ni Kristine sa akin.
‘’Wala, ah!’’ agad kong sagot sa kaniya.
‘’Sabihin mo nga sa amin. Sino ang lumapa sa’yo, ha?’’ tanong naman ni Bioly sa akin.
“Wala nga! Ang kulit niyo,’’ wika ko sa kanila at iniiwasan ko ang mga mata nilang dalawa na mapanuri.
“Akala ko ba magkaibigan tayo? Dapat hindi ka naglilihim sa amin. Wala ka bang tiwala sa amin?’’ tanong ni Kristine sa akin.
Lalong akong nakaramdam ng guilty sa ginawa mo. Ilang sigundo akong tahimik at sila naman ay nag-aabang ng sasabihin ko.
‘’Ang sama kong kaibigan, alam niyo ba ‘yon?’’ wika ko sa kanila at pumatak na ang aking mga luha. Nasa isang corner kami ng canteen at kaunti lang ang tao.
‘’Bakit naman?’’ tanong ni Kristine.
“Sabihin mo sa amin. Kaibigan mo kami at maiintindihan ka namin. Ano ba ang nagawa mo at sinabi mo na masama kang kaibigan? May nagawa ka bang mali sa aming tatlo?’’ tanong ni Bioly sa akin.
“Ang sama-sama kong kaibigan kay Jasmine. May nangyari sa amin ni Janzel,’’ daretsahan kong wika sa kanila.
‘’What!’’ sabay nilang dalawa sa malakas na boses. Napatakip sila ng kanilang mga labi dahil sa lakas ng boses nia.
‘’Bakit? Ay, mali ang tanong ko. Paanong may nangyari sa inyo?’’ mahinang tanong ni Bioly sa akin na nanlalaki ang mga mata.
‘’Nagawa mo, girl?’’ tanong naman ni Kristine na hindi makapniwala. Si Kristine ang nakaalam na may gusto ako kay Janzel.
“Nag-inuman kami kina Jasmine kagabi. Tapos hinatid niya ako at ayon na,’’ sabi ko.
‘’Nag-inuman kayo kina, Jasmine. Tapos sa inyo kayo nagkainan at nagpulutan ni Janzel? Ayos ka rin talaga, noh? Gagong Janzel na ‘yan! Ano ‘yon tutuhugin kayong dalawa ni Jasmine?’’ galit na wika ni Biloy.
‘’Walang kasalanan si Janzel. Kundi kasalanan ko dahil pinakain ko siya ng candy na nagpapainit ng katawan. Tapos inakit ko siya,’’ pag-amin ko sa kanila.
‘’So, ano ang plano mo ngayon?’’ tanong sa akin ni Kristine.
‘’Sasama ako sa Amerika pagdating nila Tito. Doon ako magta-trabaho at kalimutan ang kagagahan ko rito,’’ sabi ko.
‘’Gano’n lang? Ganiyan mo lang isuko ang p********e mo tapos hahayan mo na hindi panindigan ng lalaking iyon ang nangyari sa inyo?’’ ani Bioly.
“Ayaw kong masaktan si Jasmine. Ayaw kong masira ang relasyon nila,’’ sagot ko kay Bioly.
“Sa palagay mo ba hindi masasaktan si Jasmine kapag sa iba niya pa malaman ang nangyari sa inyo ni Janzel? Ano na lang ang mararamdaman ni Jasmine kung paglilihiman natin siya? Mas masakit ‘yon para sa kaniya,’’ wika ni Kristine
Tama sila. Mas lalong masaktan si Jasmine kapag sa iba niya pa malaman.
‘’Pero paano kung masira sila ni Janzel kapag ipinagtapat ko ang nangyari,’’ tanong ko sa kanila.
‘’Eh, ano pa ba ang magagawa mo? Eh, doon na rin sila pupunta sa pagkasira. Saka alam ko na maiintindihan ka ni Jasmine,’’ ani Kristine.
‘’Kaya mo ‘ya, girl,’’ sabi naman ni Bioly.
Lumipas pa ang tatlong araw ay pinag-isipan kong mabuti ang payo nila Bioly at Kristine. At nagkasala na rin lang ako kay Jasmine ay tatanggapin ko ang galit na ibibigay niya sa akin.
Ilang araw na rin na pinagmamasdan ko si Janzel sa malayo kapag hinahatid niya si Jasmine. Iniiwasan ko rin na makita niya ako. Dahil wala na akong mukha na ihaharap sa kaniya.
Hanggang sumapit ang araw na handa ko ng sabihin ang totoo kay Jasmine. Walang gani na hindi ako umiiyak simula ng may nangyari sa amin ni Janzel. Tamang-tama naman na pumasok siya sa silid paaralan at wala pa ang profesor namin. Magkatabi ang upuan namin. Nakasimangot lang ako at nakatingin sa labas at kausap niya ang kaniyang Mommy.
Pagkatapos nilang mag-usap ng Mommy niya ay tumuon ang atensyon nito sa akin.
“May problema ka ba, Besty?’’ malambing niyang tanong sa akin.
“Wala ito, Besty. Ahmm.. Puwede ba kitang makausap ng sarilinan mamaya?’’ tanong ko sa kaniya.
‘’Saan tayo mag-uusap?’’ tanong niya.
‘’Kahit saan basta may gusto lang akong sabihin sa’yo, Besty. Sana maiintindihan mo ako,’’ wika ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako dahil pumasok na ang profesor namin. At ngayon ay inihanda ko na ang sarili ko kung ano ang isusumbat ni Jasmine sa akin.