Episode 5

2234 Words
Chapter 5 Nagtungo kami ni Jasmine sa isang Park na malapit sa university na kung saan kami nag-aaral. Nakaupo kami sa isang bench na naroon. Habang nakaupo kami ay hinawakan ko ang kaniyang mga kamay. ‘’Girl, ano ba ang problema mo? Alam kong umiiyak ka dahil namamaga ang mga mata mo,’’ nag-alala niyang tanong sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulhol sa kaniyang balikat. Hnayaan niya lang ako na umiyak at hinimas-himas niya ang aking likuran. ‘’Jasmine, I’m sorry,’’ garalgal kong wika sa kaniya. Kumalas siya sa akin sa pagkayakap at hinawakan niya ako sa magkabila kong braso. “Teka, teka, Cristy. Bakit ka nagso-sorry sa akin?’’ kunot-noo niyang tanong sa akin. Lalo akong humikbi dahil nagu-guilty ako sa aking nagawa sa kaniya. “Malaki ang kasalanan ko sa’yo, Jasmine.’’ ‘’Ano ang kasalanan mo sa akin, Cristy? Sabihin mo sa akin,’’ nag-alala niya pa rin na tanong sa akin. Ngunit bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. ‘’Basta ipangako mo sa akin na hindi ka magagalit sa akin na kahit ano ang mangyari ay hindi mo ako itatakwil. Ipingako mo na kahit ano man ang pagsubok na dumating sa buhay natin ay hindi masisira ang pagkakaibigan natin,’’ pakiusap ko sa kaniya sa garalgal kong boses. Malalim siyang nagbuntong hininga bago siya sumagot sa akin at itinaas niya ang kaniyang kanang kamay bilang pangangako. ‘’Okay, hindi ako magagalit sa’yo, promise,’’ Ngunit kahit nangako siya ay inihanda ko na ang aking sarili sa galit niya sa akin. ‘’Jasmine, may nangyari sa amin ni Janzel. Mahal ko ang nobyo mo,’’ pag-amin ko sa kaniya. Napaawang ang kaniyang labi sa sinabi ko na parang nagugulohan siya. “M-may nangyari sa inyo ni Janzel? P-paano at saan?’’ tanong niya sa akin na parang halos hindi makapniwala. Sinabi ko kay Jasmine ang lahat kung saan nagsimula ang pagkagusto ko kay Janzel. ‘’Matagal ko ng gusto si Janzel, Jasmine. Pero noong una hindi ko naman pinapansin ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil ikaw ang gusto niya at nililigawan niya,’’ wika ko sa kaniya at nakikinig lang siya sa sinasabi ko. ‘’Noong nalaman ko na hindi mo siya sinagot noon ay tuwang-tuwa ako. A-akala ko, a-akala ko nakalimutan ko na siya noong hindi ko na siya nakikita sa school. Ngunit noong nakita ko kayong dalawa at sinabi mo na kayo na subrang nasaktan ako. Pakiramdam ko hinihiwa ang puso ko. Nagseselos ako sa’yo na hindi dapat dahil wala naman akong karapatan. Sa tuwing niyaya mo ako sa condo mo at paglutuan kayo ni Janzel ay masaya na ako na natitikman niya ang luto ko. Masaya ako kapag pinupuri niya na masarap ako magluto. Gusto ko iwasan ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya, ngunit lalo lang lumalalim ang nararamdaman kong pagmamahal kay Janzel,’’ iyak kong pag-amin kay Jasmine. Lalo akong nakonsensiya nang makita ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha. ‘’Bakit si Janzel pa, Cristy?’’ panunumbat niyang tanong sa akin. Mahina ngunit madiin. ‘’Kung kailan na natutunan ko na siyang mahalin saka mo pa ginawa iyon? Kung kailan na natagpuan ko na ang lalaking hinahanap ko. Bakit ngayon pa, Cristy? Ang lalong masakit ay may nangyari na sa inyo at ngayon mo lang sinabi na mahal mo siya! Bakit!?’’ hinagpis niyang tanong sa akin. “I’m sorry, hindi ko sinasadya na magkagusto sa kaniya, Jasmine. Patawarin mo sana ako,’’ hagulhol kong paghingi sa kaniya ng paumanhin. ‘’Alam mo naman na si Janzel lang ang tumagal na boyfriend ko. At nagsisimula pa lang kami na kilalanin ang isa’t isa. Bakit ngayon mo lang sinabi, ha?’’ iyak niya rin tanong sa akin. Wala na akong maisagot pa sa kaniya kundi ang humingi ng kapatawaran sa ginawa kong pang-aakit sa nobyo niya. “I’m sorry, Jasmine. I’m sorry,’’ iyon lang ang nasabi ko. Tumayo na ako at tumakbo papalayo sa kaniya. Subrang sakit na makita ko siyang umiiyak. Ang sama-sama kong kaibigan kay Jasmine. Sa lahat ng kabutihan niya na ginawa sa akin ay ito pa ang naisukli ko sa kaniya. Umuwi ako sa aking apartment at nagmukmok na lang sa aking silid. LUMIPAS pa ang mga araw ay iniiwasan ko na si Jasmine. Hindi ko binibigyan ng pagkakataon at panahon na magkausap pa kami dahil wala na rin akong mukha na iharap pa sa kaniya. Hanggang lumipas pa ang dalawang buwan ay tiniis ko na hindi makausap si Jasmine at hindi ko hinahayaan na mag-cross ang landas namin. Hanggang sa dumating na sina Tito Danny at Tita Jean galing sa Amerika para dumalo sa graduation ko. ‘’Iha, bukas na ang graduation mo, bakit matamlay ka?’’ puna sa akin ni Tita Jean. ‘’Wala, Tita. Nalulungkot lang ako dahil maghiwahiwalay na kami ng mga kaibigan ko,’’ sagot ko kay Tita Jean. Dahilan ko na lang iyon para hindi na siya magtanong pa. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay laging masama ang pakiramdam ko at lagi ako inaantok. ‘’Magkikita rin naman kayo kapag nagbakasyon ka rito sa Pilipinas. Pagkatapos ng graduation mo bukas ay pupunta tayo sa Pangasinan,’’ nakangiting wika sa akin ni Tita Jean. ‘’Ito ang pasalubong name ng Tito mo sa’yo,’’ aniya sabay abot sa akin ng pasalubong nila ni Tito sa akin. “Thank you, Tita. Ano pala ang gagawin natin sa Pangasinan?’’ tanong ko sa kaniya. ‘’Bibisita ang Tito mo roon sa mga kaibigan niya. At may gusto ng bilhin ang Tito mo na lupa roon. Saka dadalawin niya rin ang matalik niyang kaibigan. Tutulungan niya sa pangangampanya ang kaibigan niyang iyon dahil magtatakbo bilang mayor sa sunod na halalan. Alam mo naman ang Tito mo maraming kilala roon dahil matagal siya nagtrabaho sa Pangasinan,’’ pahayag ni Tita Jean sa akin. Nasa labas si Tito Danny at may kausap ito sa cellphone niya. Kami naman ni Tita ay nasa sala ng apartment na inuupahan ko. ‘’Marami pa lang kakilala si Tito sa Pangasinan, Tita?’’ tanong ko. “Oo, dahil doon naman iyan lumaki at nag-aral. Habang ang ama mo naman ay dito sa Maynila nagta-trabaho,’’ saad ni Tita sa akin. ‘’Kumusta na pala si Sybe?’’ tanong ko sa kaniya. ‘’Ayon at sa wakas ay napag-isipan niya rin na mag-aral ng Architecture. Eh, kung nag-aral siya kaagad noon, e ‘di sana ga-graduate na rin sana siya ngayon,’’ ani Tita sa akin. Sayang nga ang araw kung nagpatuloy sana sa pag-aaral si Sybe ay sabay sana kami ga-graduate. Kaso hindi pa naman huli ang lahat sa kaniya. SUMAPIT ang kinabukasan at pinarangalan na kami ng certificate bilang pagtatapos namin sa koliheyo ng kurso na kinuha namin. Nakita ko si Jasmine kasama ang mga magulang niya. Ngunit hindi ko man lang siya magawang lapitan at yakapin at batiin dahil nahihiya akong humarap sa kaniya. Si Kristine at Bioly lang ang binati ko dahil wala na akong mukha na iharap kay Jasmine. ”Congratulation sa ating apat dahil nakapagtapos na tayo ng kurso natin,’’wika ni Bioly sa amin ni Kristine ngunit nasa malayo naman si Jasmine. ‘’Kayong dalawa ni Jasmine, hindi ba kayo magbati b ago tayo maghiwahiwalay?’’ tanong ni Kristine sa akin. ‘’Oo nga. Hindi tayo kompleto kapag hindi kayo nagbabati ni Jasmine,’’ nakanguso naman na sabi ni Bioly sa akin. Tipid lang akong ngumiti sa kanila at nagpaalam na umalis. “Congratulations sa inyong dalawa. Masama ang pakiramdam ko, kaya hindi ako makatatagal,’’ wika ko at humalik ako sa kanilang dalawa. Niyaya ko na sina Tito at Tita na umuwi dahil ang sama ng pakiramdamdam ko. ‘’Cristy, dadaan muna tayo sa restaurant at e-celebrate ang graduation day mo,’’ wika ni Tito sa akin. ‘’Sige, Tito,’’ matamlay kong sagot sa kaniya. ‘’Napapansin ko na parang namumutla ka, Cristy. Masama ba ang pakiramdam mo?’’ nag-alala na tanong sa akin ni Tita Jean. ‘’Wala po kasi ako masyadong tulog noong mga nakaraang araw dahil sa final exam namin, Tita. Medyo nahihilo lang ako sa ngayon dahil wala rin akong masyadong tulog kagabi,’’ sagot ko kay Tita Jean. ‘’Mabuti pa magpa-check up ka na lang mamaya para makasigurado tayo na wala kang sakit at mabigyan ka rin ng tamang gamot,’’ tugon naman ni Tito Danny sa akin. Tumango na lang ako dahil ilang araw na akong nahihilo at laging sumasakit ang ulo ko. Nagtungo kami sa mamahaling restaurant at kumain doon. Niregaluhan pa ako ni Tita ng mamahaling bag na Lv. Subrang ganda, kaya tuwang-tuwa ako. Si Tito naman ay niregaluhan ako ng mamahaling relo. Napayakap na lang ako sa kanila ng mahigpit dahil ang bait nila sa akin. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya na si Tito na magtungo kami sa Pangasinan. ‘’Daddy, akala ko ba magpapa-check up muna si Cristy. Baka mamaya lalong makasama sa kaniya ang pagbiyahe ng malayo,’’ wika ni Tita Jean kay Tito. ‘’Nawala na ‘yong hilo ko, Tita. Baka gutom lang iyon kanina. Kaya, okay lang sa akin na magbiyahe tayo sa Pangasinan,’’ wika ko kay Tita. ‘’Oh, tara na at para maaga tayo makarating doon,’’ wika ni Tito sa amin ni Tita. Nagbiyahe na kami at tumuloy kami sa isang resort. Gabi na ng makarating kami roon. Naroon ang kaibigan ni Tito na magtatakbo ng Mayor sa kanilang lugar. ‘’Pare, ito na ba ang anak mo? Napakagandang bata,’’ ngiting tanong ng Ginoo kay Tito Danny. ‘’Anak iyan ng kapatid ni Danny, Nestor. Ang anak namin naroon sa Amerika nag-aaral,’’ sabat ni Tita sa usapan ng dalawa. Nakaupo kami sa isang cottage habang sila ay nagkakape. Ang ganda pagmasdan ng dagat na kulay asul. At maganda pakinggan ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. ‘’Cristy, siya ang kaibigan ko simula noong high school kami. Siya si Tito mo Nestor,’’ pakilala sa akin ni Tito Danny sa kaniyang matalik na kaibigan. ‘’Magandang gabi po,’’ bati ko kay Tito Nestor. Magandang gabi rin sa’yo, Iha. May boyfriend ka na ba, Iha?’’ tanong niya sa akin na nakangiti. Si Tita Jean na ang sumagot sa tanong na iyon ni Tito Nestor. ‘’Nako, hindi nagbo-boyfriend ang pamangkin namin. Kaga-graduate niya lang sa koliheyo at dadalhin na nga namin siya sa Amerika at hanapan siya roon ng puting nobyo.’’ ‘’Bakit naman puti kung mayroon naman na kayumanggi rito sa atin? Ipakilala kaya kita iha sa anak ko. Malay ninyo at magustuhan ninyo ang isa’t isa,’’ ngiting wika ni Tito Nestor sa akin. Ngiti lang ang isinukli ko sa sinabi niya. ‘’Kumusta na pala ang anak mo?’’ tanong ni Tito Danny sa kaniya. ‘’Ayon at siya na ang humahawak ng construction firm namin sa Maynila. May branch na rin kami rito sa Pangasinan. Kaya, minsa busy rin ang batang iyon,’’ sagot ni Tito Nestor kay Tito Danny. Ang dami pa nilang pinag-usapan tungkol sa pulitika. Kami naman ni Tita ay naglakad-lakd sa buhanginan. Maliwanang naman ang buwan, kaya iyon ang nagsilbing liwanag sa amin. Sinasamantala ko na makalanghap ng sariwang hangin na galing sa dagat dahil sa susunod na araw ay pupunta na kami sa Amerika. IIwanan ko na ang sarili kong bansa at magbagong buhay na lang ako roon. At gusto ko lahat ng mga masamang alaala ay iwanan ko na rin dito. Pati ang pag-ibig ko kay Janzel ay kakalimutan ko na at magsimula muli sa panibagong buhay sa Amerika. Gusto ko itaas muli ang sarili ko mula sa nakakahiyang ginawa ko sa paglalandi ko kay Janzel at pagsuko ko ng buo kong katawan sa kaniya. MABILIS lumipas ang mga araw at narito na kami ngayon sa Manila International airport. Handa ko ng iwan ang pilipinas. Nasa waiting area pa lang kami noon nila Tito Danny at Tita Jean nang makaramdam ako ng pagkahilo. Ang tingin ko sa mga tao ay doble na. Napahawak ako sa aking ulo hanggang sa tuluyan ng dumilim ang paligid ko. Natumba ako at naramdaman ko na lang ang pagsalo ni Tito Danny sa likod ko. Hanggang sa tuluyan ng mawala ang aking ulirat. Nagising na lamang ako sa isang silid na puro puti ang pintura. Nakita ko si Tito Danny sa aking tagiliran na nakatunghay sa akin. ‘’Nasaan ako, Tito?’’ mahina kong tanong sa kaniya. “Nandito ka sa Doctor Hospital. Mabuti at gising ka na,’’ seryoso niyang wika sa akin. Naalala ko na nawalan ako ng malay sa airport. ‘’Nasaan na si Tita? Malate na tayo sa flight natin Tito, tara na,’’ yaya ko sa kaniya at agad na bumangon. ‘’Hindi na tayo matutuloy sa Amerika. Ang Tita mo na lang ang tumuloy,’’seryosong wika ni Tito sa akin. Nanghihinayang ako sa aking narinig. Gusto ko pa naman makapagtrabaho sa Amerika. ‘’Puwede naman tayong sumunod kay Tita, Tito, ‘di ba?’’ frustrated kong tanong sa kaniya. Sa halip na sagutin niya ako ay tumingin siya sa akin ng seryoso. ‘’Sino ang boyfriend mo, Cristy?’’ Kinabahan ako sa tanong na iyon ni Tito sa akin dahil napakaseryoso niya. Hindi man lang kumukurap ang mga mata niya. “Wala, Tito. W-wala akong boyfriend,’’ utal-utal kong sagot sa kaniya. ‘’Kung wala kang boyfriend, sino ang ama ng dinadala mo?’’ Nagulat ako sa tanong niyang iyon sa akin. ‘’A-anong ibig niyong sabihin, Tito?’’ kabado kong tanong sa kaniya. ‘’Buntis ka at magta-tatlong buwan na! Sino ang ama ng batang nasa sinapupunan mo?’’ mariin na tanong ni Tito sa akin. Napaawang na lamang ang labi ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kung sabihin kay Tito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD