Episode 3

2327 Words
Simula noon ay palagi na ako natutulog sa condo ni Jasmine at lalo kami naging malapit sa isa't isa. Hanggang lumipas pa ang mga araw, linggo, buwang, at taon ay matagumpay ko pa rin naipapasa ang mga exams ko at na maintain ko naman ng maayos ang mga grades ko.0 Hanggang dumating ang araw na nasa 4th year college na kami nina Jasmine, Kristin, at Bioly. Naging matatag ang aming pagkakaibigang apat. Ngunit isang araw ay nakita ko na hinatid ni Janzel si Jasmine. Nagulat ako dahil dalawang taon na ang nakalipas na wala na akong balita kay Janzel. At heto ay sa isang iglap ay nakita ko siyang hinatid sa school ang kaibigan ko na si Jasmine. Nang makapasok na si Jasmine sa gate ng university ay agad siyang dumaretso sa pwesto namin. ''Oy, sino 'yong naghatid sa'yo?'' tanong ni Kristine kay Jasmine na malawak ang pagkangiti. ''Si Janzel, kami na. Sinagot ko na siya,'' masayang ani Jasmine. Nalungkot ako sa ibinalita niya. Tahimik lang akong nakikinig sa mga usapan nila. Hanggang dumating na ang oras ng klase namin. Kinahapunan naman ay sinundo rin siya ni Janzel sa paaralan. Nauna nang umalis si Jasmine kasama ang boyfriend niya. Nagpaalam na rin ako kina Kristine at Beoly na umuwi. Hindi ko talaga maiintindihan kong bakit ako nasasaktan ng husto kapag magkasama si Jasmine at Janzel. ''Mauna na ako sa inyo umuwi. Maglalaba pa kasi ako,'' paalam ko sa kanila. ''Sige, girl. Uuwi na rin ako,'' paalam din ni Beoly. Tumalikod na ako at nagpara ng taxi at nagpahatid sa apartment ko. Naligo ako baka sakaling mawala itong sakit na nararamdaman sa aking puso. Ngunit kahit ano ang gawin ko ay hindi pa rin ito mawala-wala. Tinamaan talaga ako ng husto noong una kong nakita si Janzel. Lumipas pa ang mga araw ay madalas na magkasama sina Janzel at Jasmine. Minsan ay pumupunta ito sa kaniyang condominium at sa tuwing magkasama sila ay nadudurog naman ang puso ko. Dapat maging masaya ako para sa kanilang dalawa. Ngunit hindi gano'n ang nangyari dahil hindi ako masaya, gusto kong mabaling ang paningin ni Janzel sa akin. Isang araw sa paaralan ay nakita ni Kristine na lagi akong nakasimangot. Laging malalim ang iniisip ko wala pa si Bioly noon at Jasmine. Ngunit inagahan ko talaga pumasok para paghatid ni Janzel kay Jasmine ay makikita ko siya. ''Psstt... Napapansin ko ang lalim ng iniisip mo palagi. May problema ka ba?'' tanong sa akin ni Kristine. Tumingin ako sa kaniya at umiling-iling. ''Wala, naiisip ko lang na malapit na ang graduation natin at baka matagal tayong apat na hindi na magkita. Pupunta kasi ako sa Amerika pagkatapos ng graduation natin,'' wika ko kay Kristine. ''Ako nga baka magpapatayo na lang ako ng sarili kong negosyo tulad ng boutique. Pero may mesahe app naman, kaya puwede tayong mag-video call doon,'' ani Kristine. "Sabagay, mabilis lang din ang panahon ngayon. Isipin mo parang kailan lang high school pa lang tayo. Pero ngayon ga-graduate na tayo ng college,'' nakangiti kong sabi sa kaniya. ''True, baka kamo kapag nagkita ulit tayo may mga sarili na rin tayong pamilya. O baka may mga apo na tayo,'' natawa na sabi ni Kristine. Natatawa na lang din ako sa sinasabi niya. "Mabuti pa si Jasmine may boyfriend samantalang tayo nganga,'' wika ko. ''Nako, tiyak na hindi magtatagal ang dalawang 'yan. Si Jasmine, pa. Eh, makapagpalit 'yan ng boyfriend parang panty niya lang,'' hagikhik na sabi ni Kristine sa akin. "Eh, ikaw? Hindi ka ba magbo-boyfriend? May gusto manligaw sa'yo kaso mukhang masungit ka raw.'' ''Kung hindi ang crush ko ang manligaw sa akin, huwag na lang,'' sabi ko kay Kristine na wala sa sarili. ''May crush ka? Sino?'' naiintriga niyang tanong sa akin. Simula kasi nang high school kami ay wala akong nae-kuwento tungkol sa crush na 'yan. ''Basta, huwag ka na magtanong,'' sabi ko kay Kristine. ''Ang daya mo naman! Parang hindi mo ako friend. Sige na sabihin mo na sa akin kung sino ang crush mo. Ngayon ko lang kasi nalaman na nagka-crush ka rin pala. Sabihin mo na sa akin kung sino,'' pangungulit niya sa akin. Alam kong hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko sasabihin kung sino. ''Basta secreto lang natin, ha?'' wika ko sa kaniya. Tumaas siya ng kaniyang kanang kamay at nangako na hindi niya ipagsasabi. "Promise, kahit kina Bioly at Jasmine hindi ko sasabihin.'' ''Si Janzel ang gusto ko, Kristine,'' pag-amin ko sa kaniya. Napatakip siya ng mga labi sa sinabi ko at halos lumuwa ang kaniyang mga mata. ''Matagal ko na siyang gusto simula noong second year college tayo. Kaso, si Jasmine ang gusto niya at nagulat na lang ako nitong malapit na tayong magtapos sa kolehiyo ay sila na ni Jasmine. Akala ko, okay lang sa akin. Pero, Kristine, nasasaktan ako kapag magkasama sila at kapag sweet sila sa isa't isa.'' Tuluyan ko ng inamin kay Kristine ang nararamdaman ko para kay Janzel. Malalim siyang nagbuntonghininga at tinapik niya ako sa balikat. ''Huwag kang malungkot. Kung mahal mo, e 'di agawin mo. Total madali lang naman makamove on si Jasmine niyan.'' Hindi ko inaakala na sasabihin iyon ni ''Paano ko gagawin iyon?'' malungkot na tanong ko kay Kristine. ''Akitin mo, landiin mo. Sus, lagi naman kayo magkasama ni Jasmine sa condo niya, 'di ba? Kapag kaasama niya si Janzel, bakit hindi mo sila lasingin tapos akitin mo si Janzel,'' suhesyon pa ni Kristine sa akin. Napaisip ako sa sinabi niya kung dapat ko bang gawin iyon? Habang lumilipas ang araw linggo at buwan ay lalong naging malalim ang pag-ibig na nararamdaman ko kay Janzel. Ngunit inaalala ko rin naman si Jasmine, kaya palagi akong tahimik kapag nag-uusap kaming apat na magkaibigan. Kinabukasan naman ay nasalubong ko si Bioly at kristine sa labas ng paarala. ''Tara, Kris. Magkape muna tayo sa coffee shop na malapit lang dito sa school natin. Mamaya pa naman ang pagsasanay natin para sa graduation day natin eh,'' wika ni Bioly sa akin. ''Sige,'' tugon ko. Nang nasa coffee shop na kami ay mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakita namin si Janzel at Jasmine na pumasok sa coffee shop. Nakita agad kami ni Jasmine at kumaway ito sa amin at lumapit. "Oy, Girl! Kasama mo si Mr. Janzel Delgado Mondragon?'' kilig na tanong ni Bioly kay Jasmine. Hindi sumagot si Jasmine at nakatuon ang atensyon nito sa akin. Siniko niya ako nang maupo siya sa tabi ko. "Hey, ano ang nagyari sa'yo? Parang inagawan ka ng candy riyan,'' wika ni Jasmine sa akin. "Wala, girl. Naiinggit lang ako sa'yo dahil halos lahat ng lalaki ay sa'yo naktingin. Paano naman ang beauty namin?'' nakasimangot kong sabi kay Jasmine. ''Hi, Girls,'' bati sa amin ni Janzel na may bitbit ng tray. ''Guys, siya pala si Janzel,'' pakilala ni Jasmine sa amin. "We already know him,'' sagot ko na nakasimangot at lumagok na lang ako ng kape. ''Magkakilala na kayo?'' tanong ni Jasmine sa amin. ''Yes, nakilala ko sila two years ago sa university na pinapasukan niyo,'' wika ni Janzel. Nakunot ang noo ko kung paano niya kami nakilala? Eh noong nanliligaw siya kay Jasmine ay palagi lang si Jasmine ang tinitingnan niya. ''Sino ba naman ang hindi makilala sa isang sikat na basketball player sa paaralan?'' sagot ni Beoly kay Jasmine. ''Well, maganda kasi si Jasmine. Hindi katulad ng iba riyan na laging nakasimangot,'' wika ni Janzel na nakatingin sa akin. Haler, ako ba ang tinutukoy niya? Inirapan ko lang si Janzel habang nakangiti itong nakatingin sa akin. Pagkatapos namin magkape ay pumasok na kami sa school. Habang nasa loob kami ng silid ay nakita ko na magkausap sa text si Jasmine at Janzel. Iniisip ko na sana ako na lang ang gusto ni Janzel at hindi si Jasmine. Siniko ko si Jasmine at nagsalita ako, ''Ikaw, ha? May babe ka na naman. Ikaw talaga makapagpalit ka ng boyfriend ang bilis.'' ''Ikaw kasi bakit ayaw mo mag-boyfriend?'' tanong niya sa akin. ''Ayaw ko mag-boyfriend. Gusto ko kasi kapag nagboyfriend ako siya na ang habang buhay kong makakasama,'' taas kilay kong sagot sa kaniya. ''Ewan ko sa'yo. Ano bang prince charming ang gusto mo?'' tanong niya sa akin. ''Well, matagal ko na siyang nakikita at nakilala. Hinihintay ko na lang na mapansin niya,'' sabi ko kay Jasmine. ''Eh, bakit hindi ka gumawa ng paraan para mapansin niya?'' ''Girl, may iba siyang gusto at hindi ako,'' sabi ko kay Jasmine. ''E 'di agawin mo! Gumawa ka ng paraan para magustuhan ka niya,'' ngiting sabi sa akin ni Jasmine. ''Talaga? Puwede ko pa ba siya maagaw?'' tanong ko sa kaniya. Ngunit ang hindi niya alam si Janzel ang tinutukoy ko ang boyfriend niya. ''Kung mahal mo siya, ipaglaban mo. Paano mo malaman na magtatagumpay ka na mabaling ang pagtingin niya kung hindi mo subukan na agawin siya sa iba,'' seryosong wika ni Jasmine at kumindat pa ito sa akin. Biglang nabuhayan ako ng loob na mapasaakin ang atensyon ni Janzel. ''Halimbawa kapag nagkagusto ako sa boyfriend mo magpaparaya ka ba para sa akin?'' wala sa sarili kong tanong sa kaibigan ko. Bigla siyang napatingin sa akin at binabasa ang reaksyon ko kung seryoso ba ako sa sinabi ko o hindi. "Joke lang! Hahaha..'' sabay tawa ko bago pa siya magsalita. ''Baliw ka talaga! Pero kung sakaling magkagusto ka sa boyfriend ko. Girl, ngayon pa lang itigil mo na ang pagpapantasya mo sa kaniya. Dahil hindi ko siya ibibigay sa'yo,'' aniya. Dinaan ko na lang sa tawa ang sinabi ko sa kaniya. Hanggang lumipas ang buong araw at niyaya ako ni Jasmine na doon sa condo niya matulog at paglutuan sila ng sinigang na paborito ni Janzel. Syempre, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumayag ako na doon matulog dahil naroon si Janzel. Pagkakataon ko na magpapansin sa kaniya. Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at palagi na kami ni Janzel sa condo ni unit ni Jasmine. Sa sofa si Janzel natutulog at ako naman ay magkatabi kami ni Jasmine sa kaniyang silid. Hanggang isang araw ay niyaya ulit kami ni Jasmine sa kaniyang condo at nagluto ako ng adobong baboy at sinigang na isda. Gustong-gusto kasi ni Jasmine ang luto ko lalo na ni Janzel. ''Best, ikaw na muna rito, ha? Inaantok kasi ako, iidlip lang muna ako. Paparating na si Janzel gisingin mo na lang ako kapag kakain na. Ikaw na muna ang bahala humarap kay Janzel, ha?'' wika ni Jasmine sa akin. ''Sige, best. Matulog ka na, ako na ang bahala rito,'' wika ko sa kaniya. Tumalikod na siya at nagtungo sa kaniyang silid. Makalipas pa ang ilang minuto ay nagulat na lang ako nang biglang may humalik sa aking pisngi. Paglingon ko ay pareho pa kaming nagulat. ''Janzel?'' ''Cristy?'' gulat niya rin banggit sa pangalan ko. ''Pa-pasensya na akala ko kasi si Jasmine,'' hingi niya ng paumanghin sa akin. Napagkamalan niya akong si Jasmine dahil suot ko ang damit ni Jasmine. Pinahiram niya kasi ako ng damit dahil wala akong damit na baon. ''Okay, lang hindi mo naman sinasadya,'' sabi ko ngunit parang kuryenta ang halik na iyon sa akin na nag-iwan ng kakaibang kiliti sa kaibuturan ng aking puso. May dala siyang bulaklak para sa kaibigan ko. ''Si Jasmine, nasaan?'' tanong niya sa akin at umatras. ''Natutulog pagod kasi 'yon sa pag-review kagabi,'' sagot ko sa kaniya. ''Gigisingin ko ba?'' ''Huwag na. Hayaan natin siyang makapagpahinga,'' wika niya sa akin. ''Sige, maupo ka muna sa sala. Manuod ka na lang ng tv doon,'' sabi ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko kapag malapit siya sa akin. Inilapag niya ang bulaklak na dala niya para kay Jasmine sa upuan at tumingin sa niluluto ko. ''Boring sa sala. Kaya, panuorin na lang kita magluto,'' ngiti niyang wika sa akin. ''Sige, ikaw ang bahala,'' tugon ko na lamang sa kaniya. Pinipilit kong hindi maapektuhan ang niluluto ko sa presensya niya. Hanggang sa kumulo na ang sinigang na niluto ko at pinatikman ko ito sa kaniya pati na ang adobo. ''Hmm.. Ang sarap mo talaga magluto. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakatikim ng masarap na timpla ng sinigang at adobo. Sa bahay kasi kung hindi matabang ang niluluto ni Manang malapit naman sa dagat,'' papuri niyang wika sa akin. ''Madali lang naman ang magluto at kinahiligan ko na ito,'' wika ko sa kaniya. ''Ang suwerte ng mapangasawa mo dahil magaling ka magluto. Kung si Jasmine katulad mo magaling magluto siguro kapag ikinasal kami hindi na siguro ako magtyaga na kumain sa labas. Kaso hindi hilig ni Jasmine ang pagluluto. Kaya obligado ako mag-hire nito ng tagaluto namin,'' natatawa niyang wika sa akin. Kinilig ako sa papuri niya sa akin. Gusto ko sabihin na ako na lang ang pakasalan niya, kaso hanggang sa isip ko lang iyon. Ginising ko si Jasmine para sabay-sabay na kaming kumain na tatlo. Pagkatapos namin kumain ay nag-inoman naman kami. Hindi ako masyadong uminom at si Jasmine ay mukhang lasing na. Si Janzel naman hindi naman siya gaanong lasing. "Best, uuwi na ako,'' paalam ko kay Jasmine. ''Dito ka na lang kasi matulog,'' pigil niya sa akin. ''Wala akong damit. Saka bukas maaga pa tayo papasok sa school,'' tanggi ko sa kaniya. ''Oh, sige. Magpahatid ka na lang kay Janzel,'' aniya at lumingon sa kaniyang nobyo. "Babe, idaan mo na lang si Cristy sa apartment niya.'' ''Okay, Babe. Uuwi na rin ako dahil maaga rin ang pasok ko bukas,'' ani Janzel. Umalis na kami sa condo ni Jasmine at doon ay maisasagawa ko na ang aking plano kay Janzel. Masama man ang gagawin ko ngunit ang puso ko pa rin ang sinunod ko at ang kagustuhan kong mapasa-akin ang lalaking mahal ko. Walang ibang nasa isip ko ngayon kundi ang magtagumpay na lahat ng bagay na gustuhin ko ay makakamit ko. Ang makapagtapos sa pag-aaral at iyon ay malapit ko ng makamit. Ang magkaroon ng magandang career at higit sa lahat ay makasama ang lalaking hinahangad ko simula pa lang noong una ko siyang makita at bumuo ng masayang pamilya kasama si Janzel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD