Chapter 15 Matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ng aking boss na si James Montemayor. Hindi ko inaasahan ang maaga niyang pagparito. ‘’Good afternoon, Sir,’’ bati ko sa kaniya. Tumango lang siya bilang tugon at pumasok siya sa puwesto ko at tiningnan ang record book ng mga items na naibenta ko na. ‘’Patingin nga nito,’’ turo na naman ni Sofia na kanina pa hindi alam kung ano ang gusting bilhin. O sinasadya niya talaga na inisin ako. Inilabas ko ang infinity bracelet sa lalagyan nito at ipinakita sa kaniya. Bahagya niya lang iyon sinuri at ibinalik sa akin. ‘’Hindi ko siya gusto, kaya itong isa na lang,’’ mataray niyang utos sa akin. Napansin ko ang pagtawa ni Sir James na mapang-uyam kay Sofia. Kinuha ko ang tinuro ni Sofia at ipinakita sa kaniya ngunit tinanggihan niya na naman iy