Epispode 14

2113 Words

Chapter 14 Umuwi ako ng alas-otso ng gabi at naabutan ko si Janzel sa aming silid na nagta-type sa kaniyang laptop at may mga papeles sa tabi niya. “Good evening,’’ ngiti kong bati sa kaniya ngunit tulad nang nauna ay para lang akong hangin na hindi niya napapansin. Ibinaba ko na lang sa kama ang aking bag at nagtungo sa cabinet na pinaglagyan ng mga damit ko. Kumuha ako ng pambahay at nagtungo sa banyo. Nang makabihis na ako ay lumabas na ako ng banyo at pinuntahan siya sa sofa at tinanong. ‘’Kumain ka na ba?’’ Ngunit seryoso lang ang mukha niya at patuloy sa pagta-type. Tatalikod na lang sana ako nang magsalita siya. ‘’Kumain na kami sa labas nila Mommy at Daddy. Kumain ka na lang doon sa kusina,’’ utos niyang wika sa akin. Tumango na lamang ako at lumabas sa aming silid. Pagdat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD