Chapter 16 Palaisipan ang sinabing iyon sa akin ni Sir James. Kung ano man ang plano niya sana ay makakabuti nga iyon sa akin at hindi lang sa kaniya. Dumating kami sa restaurant na sinabi ni Janzel at mukhang mamahalin ang pagkain roon dahil sa itsura pa lang ng instraktura ay makikita mo na mamahalin ito. ‘’Humawak ka sa braso ko at huwag mo muna isipin ang ibang tao,’’ alok ni Sir James sa akin ng kaniyang braso. Humawak na lamang ako sa braso niya para hindi rin ako matapilok dahil sa taas ng takong ng sandal ko. Malayo pa lamang kami ni Sir James ay natanaw na namin ang kinaroroonan ni Sofia at Janzel. Nakaupo sila sa isang vip table na tanaw ang karagatan. Maganda ang puwesto nilang iyon. Nang malapit na kami sa kanila ni Sir James ay nakita na nila kami. Masakit ang mga tin