CHAPTER 27 Natuwa ako at kahit paano ay naalala rin pala ako ni Janzel na supresahin. Hindi ko inaasahan na may ganito silang pakulo. ‘’Congratulation sa’yo, Cristy! Ang pogi ng anak ninyo ni Janzel,’’ ngiting bati ni Ian sa akin at nakipagkamay ito. Matamis na ngiti lang ang isinukli ko sa kaniya bago ko tinanggap ang kanyang kamay. Sumunod na bumati sa akin ay ang dalawa nilang kasamahan na lalaki at ang dalawang babae. Nakipag-congratulate din ang mga ito at nakipagkamay. Ang baby namin ni Janzel ay hawak-hawak ni Tito Danny. Sumunod ay lumapit sa akin si Sofia. ‘’Congratulations! Ito ang gift ko para sa’yo at sa baby mo,’’ nakangiti niyang bati sa akin. Matabang akong ngumiti sa kaniya dahil ang totoo ay ayaw ko na makita siya. Baka kung ano na namang katarantaduhan ang gagawin