Chapter 26 Patuloy lang sa pag-uusap si Janzel at si Ate Maurine tungkol kay Jasmine. Hindi na nga naisip ng asawa ko ang dahilan kung bakit siya tumawag kay Ate Maurine. Tumayo na lamang ako at lumabas ng aking silid. Umaagos lang ang aking luha dahil sa sobrang sakit ng aking dibdib, dagdagan pa ng puso ko na parang nadudurog. Marahil ay hanggang ngayon nagseselos pa rin ako sa kaibigan ko kapag inaalala siya ng asawa ko. Naupo ako sa sofa habang pinapadede ang baby namin ni Janzel. Pigil ang pag-iyak ko at tiniis na lamang ang sakit. Maya-maya ay nakatulog na ang baby, kaya tumigil na siya sa pagdede sa akin. Inayos ko ang aking dibdib at hinayaan ko lang muna na hilihin si baby. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti. Kahawig talaga siya ni Janzel. Ilang sandali ang lumipas ay lumabas s