Chapter 28 Walang patid ang mga luhang dumaloy sa aking mga mata habang naghuhugas ng plato sa kusina. Pakiramdam ko kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako magugustuhan ni Janzel. Pakiramdam ko si Jasmine pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso. Sobrang guilty ko dahil pareho kaming nasasaktan na tatlo dahil pagkakamaling ginawa ko noon. Minsan naitatanong ko sa aking sarili kung ano kaya ang buhay naming tatlo ngayon nina Janzel at Jasmine kung hindi ko inakit nang gabing iyon si Janzel at kung hindi nagbunga ang nangyari sa amin ni Janzel? Masaya kaya sila ni Jasmine na nagsasama? Pagkatapos kong maghugas ay pinunasan ko ang plato at inilagay sa lalagyanan nito. Hanggang sa naisip ko na mag-bake ng chocolate cake, kaya kumuha ako ng upuan at dinala sa gilid ng lababo. Umakyat ako sa up