Episode 12

2015 Words

Chapter 12 Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik ang pulis at ibinigay sa akin ang cellphone ko. Mabuti na lang at may number ang Daddy ni Janzel sa akin. Ilang ring lang pa bago sinagot ng Daddy ni Janzel ang tawag ko. Halatang galing ito sa tulog dahil sa paos nitong boses. Naisturbo ko pa yata siya sa kaniyang tulog. Pasado alas-dos na ng madaling araw. ‘’Hello, sino ito?’’ tanong ni Daddy sa paos na boses. ‘’D-Dad, si Cristy po ito,’’ mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya. ‘’Oh, Cristy! Napaano ka? Hindi ka pa ba nakauwi?’’ nag-alala niyang tanong sa akin. ‘’H-hindi pa po, Dad. Nandito po ako sa present, nakulong. Pwede bang puntahan ninyo ako rito?’’ mangiyak-ngiyak kong sagot sa kaniya. ‘’Sus maryosep kang bata ka! Anong ginawa mo sa kulungan ng ganitong oras? Nakapatay ka ba?’’

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD