Chapter 13 ‘’Naubos mo na ba ang pagkain mo?’’ tanong ni Janzel sa akin nang pumasok siya. ‘’Oo, sabi ni Manang ikaw daw ang nagluto? Masarap ka pala magluto,’’ sagot ko sa kaniya na pilit na ngumiti. ‘’Hindi ako maging CEO ng sarili kong kompanya kung hindi ako marunong magluto,’’ matabang niyang tugon sa akin. ‘’Ano naman ang kinalaman pagluluto sa pagiging CEO mo?’’ nakakunot kong tanong sa kaniya. “Marunong na ako magluto simula nang mag-aral ako sa Maynila. Ayusin mo na ang sarili mo dahil pupunta tayo sa clinic ni Ate Maurine,’’ wika ni Janzel at kinuha sa lameseta ang susi ng kaniyang sasakyan. ‘’Sino si Ate Maurine?’’ kunot-noo kong tanong. Pinilit kong makatayo kahit na para akong lantang gulay na nawalan ng lakas. ‘’Kapatid ko si Ate Maurine kay Daddy sa una niyang asawa.