Chapter 11 Lumipas pa ang mga araw ay natanggap ako sa trabaho sa jewelry store sa loob ng maliit na mall dito sa Pangasinan. Ako ang tagabukas at tagasara ng jewelry store na iyon dahil ako naman ang tagabantay at tagabinta. Maaga akong nagising dahil ito ang unang araw ko sa trabaho. Nagluto ako ng almusalin ni Daddy Nestor at Mommy ni Janzel. Nasa Maynila ngayon si Janzel at nag-iwan na lang ako ng text message sa kaniya na simula na ako sa trabaho ko. ‘’Oh, Iha. Nakabihis ka may pupuntahan ka ba?’’ tanong sa akin ni Daddy nang maabutan niya ako sa kusina. “May trabaho na po ako, Dad. Doon po sa mall sa jewelry store,’’ nakangiti kong sagot sa kaniya. ‘’Hindi mo naman kailangan magtrabaho, iha, eh. Baka mamaya makakasama iyan sa magiging apo ko,’’ nag-aalalang sabi ni Daddy Nestor