Chapter 17 KINAUMAGAHAN ay wala na si Janzel sa aming silid. Umalis na ito at hindi man lang niya ako ginising. Ginawa ko na lamang ang morning routine ko at pumasok sa jewelry shop na pinagta-trabahuhan ko. Agad naman akong dinaldal ng kaibigan ko sa katabing store na si Riza habang naglilinis ako ng pintuan na salamin sa Jewelry Store. ‘’Oy! Nariyan pala si Mr. Montemayor? Maaga kayo nagsara kahapon, ah!’’ ‘’Oo, dahil may pinuntahan kami,’’ simple kong sagot sa kaniya. ‘’Nag-date kayo?’’ usisa niya sa akin. ‘’Ewan ko sa’yo! Magbantay ka na lang nga riyan!’’ masungit kong saway sa kaniya. “Ito naman ang sungit. Pero sino ‘yong kasama ng asawa mo kahapon? ‘Yong dalawang babae? Isang matanda at isa na kasing edad natin, Mama niya ba at kapatid iyon?’’ patuloy pang tanong ni Riza