5

1720 Words
5 "Alarcon, Keiko Rhyiann?" tumingin si Lyeon sa vacant seat na iyon sa unahan na dapat ay pwesto ng dalaga pero wala iyon. What the hell? Second day of class absent kaagad? Napailing siya. Walang pag-asa sa buhay ang babaeng iyon. Palibhasa spoiled brat at isip bata. Ipinilig niya ang ulo to check her. She maybe at the door but none. Tumingin ulit siya sa mga estudyante niya. "All of you! Wag na kayong gumaya sa pabebe na iyon. Newbie, second day in my class absent kaagad!" galit na sabi niya sa mga ito na walang kaimik imik. "Exxage Mr. ACP!" sabi ng pamilyar na boses sa may pintuan. Napalingon siya sa pintuan at naroon na ito nakatayo na parang hingal na hingal na aso. "Absent kaagad, di ba pwede na late lang? Kasi po Mister—" paliwanag nito na halos kapusin ng hininga na ayaw niyang pakiggan. Itinaas niya ang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. "You're absent. Kahit pumasok ka pa, you're still absent. That's my rule and no one is an exemption." balewalang sabi niya rito. "That's so unfair Mr. ACP!" bulalas nito kaya bumalik dito ang mga mata niya. Ibang klase din ang personalidad ng babaeng ito. Talagang lalaban ng paliwanagan kapag may ipinupunto. Sabagay, it's needed in her chosen course, he concluded. Once na naging kolumnista na ito sa dyaryo o tv, di maiiwasan na magbigay ito ng sariling point of view at lilitaw doon ang pagiging maangas nito na ipupunto ang iniisip na tama. He's quite impressed. Di naman pala puro kaartehan at katarayan ang nalalaman ng kinakapatid niyang pabebe. Di siya umimik. "It's not my fault kung mabagal ang kuya ko-” panimula nito. Still di siya umimik at tinitingnan lang ang magandang mukha nito na parang di man lang ninenerbyos na magsalita at magpaliwanag. Talagang makapal ang mukha nito. Pwede ng mag presidente ng Pilipinas. Kununot ang noo niya. Si Macky? At bakit naging kasalanan ni Macky ang pagkalate ng babaeng ito na mas makulit pa sa lamok? "Late siya nagising kasi may kaharutan siya sa phone. Late na siya natulog. Late na siya nagising. And he didn't drive me in. Hanggang gate lang niya ako inihatid. And that's quite a long run Mr. ACP. A minute late shouldn't be considered as an absent. I have a reason and it's valid. Ang layo layo ng gate dito sa classroon." protesta nito. Napaisip siya. Totoong may kalayuan ang gate hanggang sa building na iyon na kung susumahin ay malamang na aabutin ng 10 minuto bago marating. Ang ibig bang sabihin tumakbo ito para makaabot lang? "I ran." humalukipkip ito na animoy nagtataray. Tiningnan niya ang paa nito. Naka stiletto low cut boots ito. Sa fashionista attire nito nakatakbo pa talaga sa lagay na iton? And to think na naka miniskirt sa suot na uniform? Di niya yata maimangine kung nadapa ito. Ano na lang hitsura ng makulit na ito? Para itong itinapal na hotcake sa kawali. "Di ka ba nadapa?" nagtawanan ang mga estudyante niya. They maybe got the wrong meaning of his question pero totoong worried siya kung nadapa man ito, to think her head might hit the ground again and cause some serious trouble. Tila nawala ang asar mode nito. "Kahit Mr. ACP sumakay ka pa po." he saw her bit her lip, hiding her giggles. Kitang kita ni Keiko kung paano nagtagis ang bagang ni Lyeon nang magtawanan ang mga kaklase niya dahil sa sinabi niyang sumakay pa ito. Two points Keiko. Zero ka man sa quiz, bawi ka naman sa kapilosopohan! "Take your seat! You're not funny!" angil nito sa kanya na kulang na lang dumampot ng eraser at ibato sa ulo niya habang nakatayo pa rin siya sa may pintuan. Maya maya ay napakurap siya. My gosh! Ang gwapo na naman niya sa damit niya. Kinagat niya ang labi. Kinikilig na naman siya. "Umupo ka na! Demmit!" pasigaw na utos nito sa kanya kaya bigla rin siyang natauhan at nagmamadaling humakbang papunta sa kanyang upuan. Kung sigawan sya ay parang nasa sa bahay lang. May mura pa? Well then it's natural. Dati nga sa pinapasukan niya sa U.S malala pa. Minumura ang estudyante ng f*ck you. At least ito si ACP, may K na mag mura kasi gwapo. Pero kung pangit ang prof at minura siya, uunahan na niyang batuhin ng eraser sa mata. "Sungit! Para tinitingnan lang ang kgwapuhan, kala mo naman mababawasan. Hmmmp!" bulong niya sabay irap. "I heard that." anito sa likuran niya kaya wala sa oras na napatalon siya. "May baon ka pang dahon sa buhok. Anak ka ng Governor baon mo dahon. Ano ka, Koala bear?" anito sabay tanggal sa tuyong dahon ng Narra tree sa buhok niya. Napakurap siya. Sweet ba ito? Siguro nahulog kanina ang dahon na iyon habang tumatakbo siya sa ilalim ng mga puno ng Narra habang papunta siya sa klase niya. Salamat sa dahon mo Narra tree. Anang piping isip niya. Parang di siya nakaimik. His voice wasn't as cold as ice. It's sweet at hindi galit. Tinalikuran na siya nito ay nakatanga pa rin siya sa kawalan. Ganoon pala siyang maglambing. I wanna know him more. "Take your seat! Five minutes na ang nawala sa klase ko dahil sa presence mo." pasigaw na sabi ulit nito. Para ba naman na ang ibig sabihin ay ninanakaw niya ang oras. Oo talagang ninanakaw niya para magtagal sila dahil gusto niyang habambuhay na lang maging eatudyate at ito ang hot prof niya. Pasimple niyang dinampot ang dahon na iyon ng Narra. May collection na naman siya. Sana next time damit na niya o kaya boxers. Napapaisip siya kung Bakit kaya kulung kulo ang dugo nito sa kanya. Wala naman siyang ginagawa, laging galit sa kanya. Ah baka nadidistract sya sa kagandahan ko. Anang pilyang isip niya. Bukas humanda ka. Magaling na ako sa Math. Papasikatan kita. Lakas ng loob niya kasi naniniwala siya sa pangako ng Papi niya na ikukuha siya ng magaling na tutor. Sana pala sinabi na rin niya na lalaki sana at pogi para naman madivert ang atensyon niya. Hook na hook na kasi siya rito sa kanyang professor. Although she's not the only one inside that room who drools every time he's there, alam niyang siya lang ang may ganoon kagrabeng paghanga sa lalaki. Sana pala dati pa siya pumayag na magpatutor sa Math ay di ngayon di sana siya napapahiya. Kasalanan din naman talaga niya. Sa sobrang ayaw niya sa subject ay nungka na tingnan man lang niya ang notes kasi kahit anong gawin talaga. Baliktad yata ang utak niya pagdating sa numero. May nasasagot naman siya kahit paano pero iyong madadali lang at nahihila naman ng iba niyang subjects ang low grade roon kaya nakapasa siya at nakaabot ng 4th year college. Noong first year kasi siya, naalala niya na puro exam niya line of seven, seventy five. Buti nga naduling siguro ang kanyang prof na si Mada’am Pato kaya ang naging marka niya sa class card is equivalent to 80. Diyos miyo! Nakakabit pa din naman siya sa line of eight at di niya alam kung paano nangyari iyon dahil kung hindi wala na siyang kinabukasan. Ngayon, idinadalangin niya na wala sanang recitation at wag siyang pa answerin nito sa pisara kung hindi mapapahiya talaga siya. Kung kahapon wapake sy, ngayon meron na meron na. Isa pa baka ma turn off si ACP sa kanya. She can't let it happen. Di pa man lang nga siya crush nito, magne negative na kaagad? No way! Gusto niya na macrushan man lang siya nito kahit sa isang subject lang— math. Lintik na buhay naman oh! Kung kailan kasi graduating na siya saka naman niya ito nakilala. Sana nakilala niya ito nung grade one pa lang siya ay di sana nag strive sya na gumaling at pulbusin ang lahat ng algebraic expressions. She's good in trigonometry but not in algebra. And any problem na may kahalong ganoon, nawawala wala siya. Nang matapos ang klase ay nakahinga siya nang maluwag. Di sya mapapahiya ngayong araw dito. Salamat sa Diyos. Hinabol tingin niya ito nang maglakad palabas sa pinto nang walang kalingun lingon. Nagmamadali siya tumayo at hinabol ang lalaki para silipin maski na sana likod man lang nito. Bwisit! Natatanga na siya sa lalaking arogante na ito. Naiinlove na yata siya. Binilisan niya ang kilos dahil baka mawala ito. Di siya makakatulog mamayang gabi pag di niya natitigan man lang kahit likod nito. Sana pala 8 hours ang subject na math. Di baleng lagi siyang zero basta makikita niya ito. Eksaktong nasa pinto na siya at nagmamadaling makalabas ay bigla naman itong bumalik, nagmamadali rin pumasok ulit. Inaay! Sumalpok ang ulo niya sa malasementong tigas ng dibdib nito. "Aray!" nasapo niya ang noo at muntik pa siyang tumilapon pabalik, mabuti nahawakan siya ni Lyeon sa dalawang braso. "Jesus Christ! Ang careless mo talaga. Saan ka ba kasi pupunta?" tila naiiritang tanong nito sa kanya. "S-sisilipin kita—ay si ano— pala. S-si—” nawala ang sistema niya habang sapo ang noo. Nawala siya dahil sa kamay nito na nakahawak sa braso niya at sa—bango. Ang bango mo...! nagpapawis yata siya ng pabango. Pati kilikili nito ay mabango. Pati iyon parang gusto niyang amuyin. Natingala niya ang binata nang di ito umimik. "Are you hurt?" seyosong tanong nito habang walang kangiti ngiti ang mga labi. "H-Hindi ho Mr. ACP! A-I am, I am okay." aniya na sa labi nito siya napatingin. Okay nga ba talaga? Halos ang t***k yata ng puso niya ay limang pintig sa isang pitik. Daig pa niya ang may sakit sa puso na nasa ICU. Dapat yata magpa heart transplant na siya, iyong plastic na puso para wala siyang feelings. Diyos ko! Walang sabi sabing binitiwan siya nito at nagmamadaling tinungo ang mesa, at dinampot ang cellphone na naiwan. Tapos ay pumihit ulit ito papalabas, ni hindi man lang siya tinapunan ng ngiti o sulyap man lang. Wala sa loob na napatalon talon siya na para bang siya lang ang tao roon. "Kinikilig si Keiko!" sigaw ng isa niyang kaklaseng lalaki. Para siyang bata na napangiti at kinagat ang labi, habang sobra ang blush ng pisngi na bumalik sa upuan niya. No need to deny it. Buking na buking na siya bakit pa naman siya tatanggi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD