4

2287 Words
4 Patakbong sinalubong ni Keiko ang Papi niya sabay yakap dito nang mahigpit. Thanks god nandyan na ito. Baka masolusyunan na ang problema niya. Kailangan niyang magpa impress ng husto sa crush niyang arrogant professor. Dapat puro compliments lang ang sabihin niyon at wala ng pambawing negative sa personality niya. Baka sakaling magka crush din iyon sa kanya at ligawan siya. Diyos ko! Tatalon siya hanggang langit kapag niligawan siya niyon! Truly there's a miracle! "Papi, I need 1 million tutors for math!" bulalas niya kaagad sa ama na hindi pa man lang nakakaupo ay may nagrerequest na kaagad siya. Minsan lang kasi itong sumusulpot sa bahay nila dahil sobrang busy. Tapos gusto pag mag senador. Baka bigla bigla eh mawalan siya ng Papi dahil baka totally di na ito umuwi sa kanila sa sobrang hirap ng schedule. Natigilan ito. Biglang tumawa ang kuya Macky niya na kabuntot pala nito kaya mabilis din ang mga matang inirapan niya ang nakatatandang kapatid. Ang bwisit na kuya niya. Di sinabi sa kanya na si Lyeon palang kaibigan nito ang kanyang arrogant crush. Sabagay. Di naman pala nito alam na yun nga ang nabangga niya sa convenience store. "Kanina pa yan parang baliw hon, dahil sa math subject na yan. Ewan ko kung anong pumasok sa kukote nyan at bigla yan nagkainteres sa subject na yan." sabi naman ng Mami niya na naghahanda ng mesa. Napatulala rin siya nang maalala ang rason kung bakit kailangan niya ng isang milyong tutor sa mathematics. "Miss Pabebe." tawag sa kanya ni Lyeon nang papalabas na sila matapos ang last subject ng hapon na iyon. Isang beses lang ito sa isang araw na makakasama nila dahil pagkatapos ng math lilipat na ito ng ibang classroom. Pero sadya yatang inagahan nito ang pagbalik bago mag-alas 4:00 ng hapon bago pa man lang sila makauwi. At heto tinawag siya. Ano bang kailangan ni crush sa kanya? "I'll wait for you outside, Keiko." anang kaklase niya na kapalagayan na niya ng loob. Her seatmate, Vanna. Tumango siya sa bagong kaibigan tapos pumihit at naglakad pabalik sa mesa kung saan nakaupo si Lyeon habang may hawak hawak na mga papel. Kinakabahan siya at the same time kinikilig na naman. "yes Mr. ACP?" buong buo ang ngiti niya sa lalaki. At least magandahan man lang ito sa ngiti niya na pang model ng toothpaste. Success! Napatitig si Lyeon sa kanya yun pala ay magsusungit lang. "Talagang nakakangiti ka pa ng ganyan kaganda sa mali mali mong sagot sa quiz ko kanina?" malumanay naman ang pagkakasabi nito pero naman bawing bawi ang compliment sa negative word na mali-mali. Ibig sabihin wala siyang tama? Meron ba? Hindi siya nagpahalata na affected sya. "Ilan po Mr. ACP ako?" kampante pang tanong niya. "Zero." tahasang sagot nito na sinundan ng iling. Binalewala niya ito. "Okay lang ‘yon, ACP. Wala lang po akong practice. First day of school as a transferee. I was surprised. Babawi ako some other time Mr. ACP." ngumiti pa siya sa lalaki na parang hindi naman gaanong galit ang mukha. "Kanina ka pa ACP ng ACP. What the hell is that acronym for?" kunot noong tanong nito sa kanya. Huh? Nagnumura din pala sya? Pero bakit lalo yata siyang nagka crush dito dahil sa pagbigkas ng mura. Nandito na talaga ang lahat ng hinihiling niyang katangian sa lalaki. Kalahati itong santo at mukhang dumadaan sa paspasan. Sana ligawan siya nito. "That's a big secret Prof. And it's my freedom to keep that. No to bullying." paalala niya rito. Nakatitig ito sa mukha niya. "Paanong di ka mabu bully. Ang angas angas mo. Daig mo pa ang abogado sa dami ng rason mo. Now get out. Make sure next time makakuha ka man lang maski one. I'm so disappointed inyou—" anito na ibinalik na ang mga mata sa papel. Tumalikod na siya at lihim na umirap pero di man lang sumama ang loob niya. It's not a big deal for her. "Maganda ka pa naman—ang hina mo lang." anito na ikinatalon ng puso niya. Wala siyang pakialam sa negative word na mahina. Maganda siya! Nagagandahan ito sa kanya! Nilingon niya ito at nakatingin na naman ito sa kanya. My God! Nagagandahan siya sakin! "Alam ko po Mr. ACP na maganda ako." sabay hagikhik niya na parang ikinatirik ng mga mata nito sa imagination niya. "Alam mo rin ba na mahina ka?" prangkang tanong pa rin nito. "Hmnnn... Still analyzing prof." tapos nginitian niya ito at balewalang naglakad papalabas. Para siyang lumilipad sa alapaap. Kahit mahina siya ay ano naman pakialam niya? Basta maganda siya. Pero ang katotohanan. Di talaga siya mahina. The last time na nakipag-away siya ay dahil siya ang highest score sa predefense nila. Iyon lang, sa Math super talaga at kahit nagpa tutor na siya ay wala naman talagang idinulot na pagkakaiba. Bopols pa rin siya. Ang examples nakukuha niya pero kapag binaliktad na ang equation at iniba na ang numero, wala na! Bugok na siya. Paano ay inis na inis siya dahil ngayon lang siya nakakita na pati letra ipina plus, minus, divide at multiply na, nalulugaw na ng husto ang utak niya, na ang kinalalabasan ay champorado at pwede ng ihain sa mesa. "Hoy! Tinatanong ka ni Papa!" untag sa kanya ng kuya niya. Inirapan niya ito. "will you please leave. Usapan namin ito ni Papi. Dun ka!" ipinagtulakan niya ang kuya Macky niya. "Alam ko na ‘yan. Crush mo kasi si Lyeon." sabay tawa nito. "Langya ka kuya! Kala mo talaga!" hiyang hiya siya sa Mami at Papi niya. Paano ba naman kasi ay wala pa man lang siyang naka crushan talaga kung hindi Hollywood actors ang pantasya niya. Ngayon lang talaga siyang nagkainteres sa isangpangkaraniwang lalaki, at nagkataon na si Lyeon pa na kaibigan nito. Na kahit kaibigan nito alam naman niya na hindi siya nito tutulungan para magpaimpress sa masungit na iyon. "Bakit naman isang milyon bunso?" tanong ng Papi niya na nagpatigil sa kanya sa pambubugbog sa kuya niya. Binalikan niya ang ama. "Kasi Papi pag isa di ako natututo kaya dapat marami sila. Please Papi, I need to pass. Ang sungit kasi niya sabi niya maganda raw ako kaso ang hina ko." parang maiiyak na sabi niya. Wala siyang ibang narinig kundi tumatawang boses ng kuya niya. "Inaanak ko si Lyeon, Keiko. At hindi siya masungit." anang Papi niya at medyo nagulat pa siya. Inaanak nito ang masungit niyang crush? Humalukipkip siya. "Sa inyo hindi pero sa akin, oo." "Eh kasi ang kulit mo. Ang arte mo pa." sabat na naman ng kuya niya habang nakaupo sa harap ng mesa. Tawa ito nang tawa. "You're so annoying! I hate you so much! Kala mo kapag ako gumaling sa math—" natigilan siya. May pag-asa pa nga ba siyang gumaling? Kahit siya parang duda rin. Inakbayan siya ng kanyang ama. "We'll talk about that later, sweetheart. Kumain ka muna at baka sakaling gumaling ka sa math." napapangiting sabi ng kanyang Papi kaya wala siyang nagawa kung hindi maupo na rin habang nakanguso. "Sinong iniisip mo honey?" ang malambing na boses ni Loiuse kay Lyeon habang nasa loob sila ng kotse nito. Nagpasundo kasi ito sa kanya dahil nasiraan kaya siya ang napilitang magpahatid sa driver para kunin niya ang kotse nito, at ayusin na rin at the same time. Pero pagkatapos. Ano bang inuwian nila? Here. A place na medyo tago at walang tao. Nagsusuot ng damit ang babae pagkatapos makipagtalik sa kanya sa loob ng sasakyan nito. Ilang beses na rin nilang ginawa iyon sa loob ng sasakyan. At di niya alam kung bakit trip na trip iyon ng girlfriend niya kaysa sa nakahiga sa kama. At talagang nakakabawi naman sa mga araw na hindi sila nagkakasama. Masyado itong magaling. Halos dalawang linggo rin silang hindi nagkita dahil sa sobrang busy nito. Kung siya ang masusunod, gusto na niya itong pakasalan para matigil na ito sa kakatrabaho at siya na lang ang bubuhay sa pamilya nito, pero ma pride ang girlfriend niya at tipong di niya basta mapapa oo sa lahat ng gusto niya. Noong una aminado siyang hanga siya sa katangian nito na napaka independent pero nang lumalaon parang naiinis na rin siya dahil pakiramdam niya mas importante pa rito ang trabaho kaysa sa kanya at feeling niya wala siyang silbi bilang boyfriend nito, because Louise is overpowering with self confidence. Masyadong malakas ang tiwala nito sa sarili at kung minsan na nagsasabi siya ng opinyon sa babae ay parang hindi iyon importante para rito, dahil masyadong kampante sa kakayanan bilang isang estate broker. Louise is such a very strong career woman. Walang hindi napapa hindi kapag nag-alok ito ng isang deal. Siguro dahil sa karisma at mapang-akit. Magaling ang bibig nito sa paraan ng pananalita at napakatalino. Iyon lang, mahirap ito kaya kayod Marino. Napakaliit naman ng nakokomisyon. At ano raw? Sinong iniisip niya? Iyong makulit niyang estudyante na kahit di niya gustong isipin ay di matanggal sa utak niya ang kakulitan, at sobrang lambing kahit sa paraan ng pagngiti na kahit di man din niya gustuhin ay napapangiti na lang siya ng lihim. At ang kasungitan niyang pinapakita ay paraan para ma distract iyon dahil kitang kita na may crush pa rin iyon sa kanya. Maybe she had an amnesia pero malamang di nakalimot ang puso ng bata na kahit nakalimot man ang isip, bakit hanggang ngayon ay crush pa rin siya kahit di siya makapa nito sa sariling memorya? At paraan na rin para ma turn off na iyon sa kanya, pero di niya mapigilan ang sariling bibig na hindi masabi ang mga magagandang katangian ni Keiko kaya kung anu anong lumalabas sa bibig niya, na kaagad niyang binabawi ng negatibong komento. Ayaw niyang mapalapit pa iyon sa kanya dahil sa guilt na meron sya nang araw na hindi niya iyon naisalba at muntik pang mamatay. Ayaw niya na maulit iyon at wala na naman siyang magawa sa pangalawang pagkakataon so it's better to stay away from her. And the fact na kilala na niya iyon dati pa, parang lalong mas di iyon matanggal sa utak niya. It's been such a long time but it feels like it only happened yesterday. He's not into her but he cares for her a lot, bilang isang kinakapatid at bilang isang tao na nilalamon ng konsensya. Sumulyap siya kay Loiuse. "Nothing—just this naughty newbie student in my class." tanging tugon niya. Why is he so affected? "Pinaiinit ba ang ulo mo? Kala ko ba pinalamig ko na? Why still so affected?" anito na dumukwang ulit palapit sa kanya at nilaro laro ang gulu gulo niyang buhok. Selosa ito kaya hindi niya pwedeng sabihin na babaeng studyante ang naiisip niya ngayon. Louise had a fight twice with his two female students, na napagkamalan nito na inaagaw siya but in the end nagkaintindihan din naman sila. "Hindi naman. May iniisip din kasi akong iba—about race." pagdadahilan niya at tiningnan din ang babae na parang kumikislap na naman ang mga mata sa pagkakatitig sa mukha niya. Alam niya ang ibig sabihin no'n. She wants more. He held her face and kissed her savagely, at ganoon din ang naging tugon nito sa halik niya. Di mapakali si Keiko sa kama. Paikot ikot siya habang hawak ang ballpen ni Lyeon at makailang ulit ng amuyin, halikan at yakapin na daig pa ang isang teddy bear. "I'm gonna keep you forever! I love you!" Natutop niya ang bibig. I love you? Agad? Natigilan siya. Tama ba ang salitang binitawan niya? It's just a crush and nothing more. Hindi iyon love. At wala pa siyang balak mainlove. Kailangan na muna niyang makatapos at makapag trabaho. Mapipigil mo ba? Tanong ng isip niya. "Kung di ko kaya at mainlove talaga ako, why not? Love is more important than anything in this world!" sigaw niya na parang nalipasan na naman ng pagkagutom at itinaas ang dalawang kamay na animo na naman ay may yayakapin sa hangin. "Sweetheart—" Pumormal siya nang marinig ang Papi niya sa may pinto. "Come in Papi." Hinintay niyang iluwal niyon ang kanyang ama. Ngumiti ito sa kanya nang makapasok. "About that tutor anak, are you serious?" naupo ito sa hello kitty couch niya. It's her collection anyways, hello kitty items. "Yes Papi, but I've changed my mind. Parang ‘yong inaanak niyo po ang gusto kong tutor." aniya sa ama na kaagad na hindi nakaimik. Kung milyon na tutor ang kailangan niya ay milyon din na pagtataka ang gumuhit sa mukha ng ama niya. "Why-why is he anak? He's a busy man. Iba na lang. Alam ko naman na gusto mong magpa impress." Bigla siyang nag blush sa sinabi nito. "Okay lang ‘yon anak. You're old enough to have a boyfriend. And if it would be Lyeon, mas kampante ako. Pero ang maging tutor siya, I doubt anak. Iba na lang. Bawi ka na lang sa pagpa impress mo ha." tumayo ito at ginulo ang buhok niya. "Sure Papi?" parang di siya makapaniwala na okay lang pala rito na may crush na siya at magkaka boyfriend na. Kilig na naman siya. "Sure na sure anak. Bukas ipahahanap kita ng tutor. Matulog ka na para di ka mangalumata. Baka pumangit ka di ka mapansin ni Lyeon." nagpipigil ngiting sabi nito sa kanya bago siya hinalikan sa ulo at naglakad papalabas ng kwarto. "Anak, nandito si Timothy!" narinig niyang sigaw ng Mami niya. Inaaay! Si Timothy baduy! Si Francisco Balagtas, lalaban na naman ng tulaan! "Anak si, Timothy raw." anang Papi niya. Mabilis niyang hinila ang comforter at nagtalukbong. "Papi, sabihin mo tulog na ako." Kung si Lyeon iyon mabilis pa siya sa train na tatakbo kaso hindi kaya matutulog na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD