Bawat araw sinusundan,
Di ka naman tumitingin,
Anong aking dapat gawin—?
Mabilis na naglalakad si Lyeon patungo sa parking area ng ESU. Katatanggap lang niya ng text galing sa kanyang girlfriend. Nagpapasundo ito dahil lilipad na naman kinagabihan papuntang Davao.
Kapag hindi niya iyon sinundo baka pagsisihan niya at matagal na naman silang hindi magkikita. Two days naman daw ang sabi niyon sa kanya pero ano bang malay niya kung mag extend na naman si Louise.
Buti na lang motor ang dala niya kaya mabilis siyang makakarating sa apartment ngirlfriend niya. He cut his class. Di niya pinasukan ang huling klase niya ngayong hapon dahil baka di niya maabutan si Louise.
Out of Kieko's curiosity ay sinundan niya si Lyeon na nagmamadaling makarating ng parking area. Sa bilis ng lakad nito ay halos mapatakbo na siya.
Saan kaya ang punta ng lalaking yun?
Patago tago siya sa mga nakahilerang puno ng narra habang pasilip silip sa lalaking kulang na lang ay liparin ang daan papuntang parking area.
"Hoy Kieko Rhyiann! San ka pupunta?" sigaw ni Vanna na nagpalingon sa kanya.
Senenyasan niya ito na huwag maingay. Para siyang kuting na huhuli ng bubwit. Mala spy ngayon ang dating niya. Angent x44 Rhyiann Alarcon.
Mabilis siyang tumago sa napakatandang puno ng narra na malapit sa parking area, na sa tanda ay baka mas matanda pa kay Jose Rizal. Sa laki ng katawan ng puno na parang kahit dalawang tao ay di ito mayayakap ng buo.
Umusli ang mga mata niya ng bahagya nang makita si Lyeon na nagsusuot ng itim na helmet.
Diyos ko pooo! Ang gwapo niya talaga! Wala sa loob na nayakap niya ang puno ng narra. Imagining it was him. Buti na lang ay hindi niya hinalikan kung hindi mental hospital na talaga ang bagsak niya.
Pagkatapos maikabit ang helmet ay nagmamadali iyong sumakay sa itim na motor na sa kinis ay halatang napakamamahalin. Nakikita niya yun sa photo ng kuya niya at dream bike iyon ni Macky na sa pagkakaalam niya ay $68,000 o kung sa peso ay halos 3 milyon ang halaga. Baka abot talampakan na ang bayag ng kuya niya sa kakatrabaho, hindi pa niyon mabili ang dream bike na iyon.
Kilig na naman siya sa kagwapuhan ni Lyeon na parang mas lalo pang nag mukhang arogante sa angas ng motorsiklong sinasakyan. Bagay na bagay iyon kagwapuhan ng professor niya.
Ilang minuto lang ay nakita niya na halos paliparin niyon papalabas ng campus ang sasakyan. Ganoon iyon kabilis na animoy kasali sa karera. Kisapmatang nawala sa paningin niya si Lyeon.
Wow! Ang angas nya talaga. Dream guy ko na sya. Sya na ngayon si Mr. Arrogant Dream Professor o ADP.
Napakamot siya sa braso. Bakit l parang kinakatihan siya? Tiningnan niya ang braso niya na parang kinagat yata ng lintik na hantik!
At kung umusli ang mata niya sa kagwapuhan ni Lyeon, sa nakikita niya ngayon sa braso niya ay totally gusto niyang matanggalan ng mata.
Inaaaaayyyy!
Napatalon siya nang talon habang tumitili at wala siyang pakialam kung maistorbo niya ang lahat ng klase sa buong ESU.
Basta titili siya tapos!
"Mamiiii! Mamiii!" di niya malaman ang gagawin. Natataranta siya at parang sirena ng bumbero ang bunganga niya sa lakas ng sigaw niya.
Pinag-ipunan na siya ng mga estudyante roon na walang pasok at namamahinga kung saan saang sulok.
"Inaaay! Papiiiii! Mami! Mamiiiii! May higad! May higaaaad! Taggalin niyo pleeaaaaaaaaase!" tili niya habang walang tigil sa kakatalon na pati mga babae ay napatakbo papalayo nang iwasiwas niya ang braso, sa pag-aakalang matatanggal ang higad pero hindi!
"Inaaaay! Inaaay! Gumagapang sya!" maluha luhang tili niya hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa kanya na may hawak na papel.
“Stay still.”
Pagpag dito, pagpag doon habang patalon talon pa rin si Keiko na animo'y isa siyang spring. Maluha luha na siya habang kamot nang kamot.
"Let me see if you still have one." anang lalaking nagtanggal ng itchy bitchy tinny whinny red polka dot higad na iyon at sinuri ang kabuuan niya.
"Sa buhok mo!" bulalas nito.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Ngayon naman ay nag head bang siya at halos maputol ang leeg niya sa kaaalog ng ulo niya, habang sige na naman ang talon at tili.
"Mamiii! Tanggalin mo mamiiii!" daig pa niya ang isang rock star sa galing niyang mag head bang. Kulang na lang gitara, Pepe Smith na ang labas niya.
"I was just kidding." anang lalaki na tawa nang tawa.
Walanghiya!
Ikiniskis niya ang mga brasong nangangati sa damit ng lalaki. At kahit di niya kilala ay wala siyang pakialam basta makaganti siya sa pang gu-good time nito sa kanya.
"Bwisit ka!" hinambalos niya ito ng kanyang bag kaya sinalag naman nito nang mabilis.
Bigla na lang siyang natigilan nang makita na iba ang postura ng lalaki. Hindi ito mukhang estudyante. Mukha rin itong professor at gwapo ito.
Nakangiti ito sa kanya.
"I'm Axel. Math professor, adviser Bs Biology Block B. It’s such a pleasure to meet the governor’s daughter." nakalahad ang palad nito sa kanya.
Math prof? Pwede ko siyang maging tutor.
Pero bago niya isipin iyon ay kailangan na niyang solusyunan ang nangangating braso at leeg.
"I'm sorry prof I have to go. It's so itchy. Bye, and it's Keiko Rhyiann. Thanks." ginantihan niya ito ng ngiti at mabilis siyang umalis habang kmabilnang kamot.
"Yan! Sunud ka kasi nang sunod! Nahigad ka na ngayon." sabi sa kanya ni Vanna habang patuloy siya sa pagkamot at namamantal na ang mga braso niya.
"Ang gwapo niya kasi. Di ko mapigil ang sarili ko na hindi sya habulin. Feeling ko magkaka insomnia ako kapag di ko siya natitigan." amin niya sa kaibigan at paulit ulit nang kamutin ang leeg.
"Don't scratch it! It will get worse." anito sa kanya na parang sa tabas ng pagmumukha ay ito pa ang pinangangatihan.
"Ang kati kasi." sabi naman niya na parang di na magkandaugaga sa pagkamot.
Pakiramdam tuloy niya may mga nakakabit pa rin sa katawan niyang mga higad.
Nangilabot siya. Ang laki pa naman ng walanghiya higad at balbon! Malamang ipinaglihi sa balot ng nanay no'ng higad!
"Binawian mo ako, hon ah!" sabi ni Louise kay Lyeon habang nagsusuot siya ng pantalon at ito ay nakahilata pa rin sa kama.
"Of course. You'll be gone for two days. So what can I do? Alangan naman tiisin ko." prangkang tugon niya.
"Yeah right." tumatawang sabi nito. "Two days lang ‘yon, hon. Sana di na maextend." anito na pinagmamasdan siya.
Sana nga, anang isip niya. Dahil para na siyang tanga na hintay nang hintay kung kailan ito babalik o babalik pa ba.
Feeling niya tuloy wala siyang girlfriend and sometimes all that he wanna do is to flirt with other women para naman maenjoy niya ang buhay binata, kasi si Louise pakiramdam niya ay masaya pa rin naman kahit magkahiwalay sila nang matagal. Parang hindi siya importante sa babae at minsan gusto niyang isipin that she's one of those women na ang habol lang ay makipag s*x.
But he cant just flirt with others. He can't do it. Kung wala ang girlfriend niya, ang libangan niya ay kotse at motor sa Tuason, kung saan nangangarera siya. He's an expert race and motorcycle driver. Ang mood niya kapag galit, naiinis o basta bad mood siya at kahit masaya, doon siya naglalagi at halos paliparin lahat ng sasakyan sa bilis ng takbo niya.
Sabi nga ng mga kaibigan niya ay suicidal daw siya pero hindi naman. Nag-eenjoy kasi siya sa pangangarera at malamang kung hindi lang siya isang Elizares na maraming obligasyon sa negosyo ng pamilya, sikat siya ngayon sa racing, dahil sa palaro laro nga lang na karerahan ay wala pang nakatalo sa kanya. May mga naghamon sa kanya pero walang panama ni isa man sa galing niya.
Maybe it's a gift, na sayang patago lang niyang nagagamit bilang libangan kaysa naman babae ang libangan niya, sasakyan na lang mas matatanggal pa ang stress niya.
"Get dressed, hon. May dadaanan pa ako pagkahatid ko sayo." aniya sa babaeng nakahilata pa rin at enjoy na enjoy sa pagtitig sa kanya habang nagdadamit siya.
"Saan?" tanong nito.
"Sa kakilala lang." naupo siya sa gilid ng kama. "Come on get up. Don't ask for more, baka malate ka sa flight. Byaheng langit na naman ang masakyan mo." and his lips were curved in a naughty smile.
Natawa lang sa kanya si Louise bago tumayo.