7 Walang tigil sa kakapahid ng kung anu ano ang Mami ni Keiko sa balat niya dahil sa pangangati. Pantal-pantalan ang braso at leeg niya may mangilan ngilan sa mukha dahil sa higad na sa puno ng Narra tree. Pero nahigad na siya at lahat ay di pa rin mawaglit sa utak niya ang karisma ni Lyeon habang sakay ng super angas na motorsiklong iyon. "Mangangati pa ito anak kahit wala na. Basta wag mong kakamutin para hindi masugat." paalala sa kanya ng ina niya habang kinukuskos ng bulak ang braso niya at leeg. Ang Mami niya na sobrang bait din at hands on sa pag-aalalaga sa kanila. Isa itong nurse dati sa Canada pero nang mapangasawa ng Papi niya ay tinalikuran ang propesyon para sa kanilang limang magkakapatid. "Sobrang kati Mami. Gusto kong kamutin ng papel de liha. Di ko malaman kung anong