3

1323 Words
3 "Say no to bullying. Fight for your right even if—a plug-ugly professor is the bully." sumulyap kay Lyeon ang dalaga na nagsasalita sa podium. Pinatatamaan yata siya ng magaling niyang estudyante na pagkakaalam niya sabi ni Macky ay napaka bopols sa Math? He'll find it out. At pangit raw siya? Kanina pa niya gustong matawa dahil ang haba haba na ng sinasabi nito at mukha na itong ang ninong Ryanair niya. Minana na pala nito ang pagiging politician sa ama. Ang ninong niya na hindi mapagkakamalang napakabait na tao at matulungin sa kapwa, dahil sa hitsura na parang tigre na hindi mapangiti at mapapaamo pero palabiro kapag nakapalagayang loob. Ang sabi lang niya ay ipakilala ni Keiko ang sarili pero heto at daig pa ang nagko commencement speech na parang summa c*m laude o di kaya ay nangangampanya para sa eleksyon. Bully daw siya. Pinigil niya ang tawa. "Peace. Thank you." anito na pinalakpakan naman ng mga kaklase. Nagmartsa ulit ito pababa ng podium at tinitingnan siya sa nakataas noong paraan. "Satisfied Mr. ACP?" she asked him in her funniest way na akala mo kung sinong nagmamalaki sa kanya. Kaya pala nabubully at laging nasasabunutan, ang angas ng dating na kala mo palaging lalaban. Still the same old Keiko Rhyiann he met when he's seventeen. Anong ACP? "No." tugon niya at tinalikuran ito para siya naman ang mag-discuss ng lesson. "At hindi ACP ang pangalan ko. I'm Carlos Lyeonardo de Linarez Elizares, your math professor and your adviser." Hindi na talaga siya nito nakikilala. Ibig sabihin talagang sira na rin ang memorya nito dahil sa pagkabagok ng ulo sa sahig. OMG! Ito si Lyeon na kaibigan ng kuya niya? At Inaaaay! Math professor daw? Gustong tumirik ng mga mata ni Keiko pagkarinig ng sinabi nito. "Bakit? Bakit Math prof pa?" parang maiiyak na pabulong at hinagpis niya. "Are you saying something Ms. Alarcon?" mula sa likod ay narinig niyang tanong nito. "None Mr. ACP. I said I'm going to find my butt a seat." sagot niyang walang kalingon lingon. Bakit parang bigla siyang ninerbyos nang malaman na hot—she means math professor pala ito? Ina ng awa! Diyos ko Lord, bopols ako sa math. Lalo na sa Algebra. Kakain na lang ako ng bubog at magtatumbling sa baga, wag lang akong mag solve ng equation. Oh Lord have mercy on me, please. Alam niyang mapapahiya siya na sobra at mapapahiya siya sa kanyang arrogant crush professor or ACP, na kahit ang sungit sungit ay bawing bawi naman sa kgwapuhan at kamachohan. Napakagat labi siya. "Mr. Balagtas—” napatigil siya at awtomatikong pumihit nang magsalita ito at tinawag ang isang estudyante. "Yes prof?" ana man ng isang lalaki na nakaupo sa unahan. Balagtas? Naalala niya ang manliligaw niyang si Timothy na parang palaging sasali sa Balagtasan. "You take the seat. Give your seat to Ms. Pabebe." anito na ikinatawa ng mga kaklse niya. Bwsit! Pabebe talaga? "Baka mahulog pa ‘yan, kasalanan ko pa." dugtong pa nito na nakapako ang mga mata sa kanya. There's her stupid heart again, pounding so fast, two at a time. Nakakainlove nga ang titig masyado namang pahiya! Ms. Pabebe? "Yes prof." anang lalaking kaklase niya at saka mabilis na umalis sa kinauupuan. Inis na humalukipkip siya nang maupo sa unahang upuan na inalisan ni Balagtas. Gusto na nga sana niya sa taas para kapag may recitation at di niya alam ay makakapagtago siya sa likod ng mesa, pero ngayon paano pa? wala na. Sira na ang plano niya. Sinira ng ACP niya. "Okay! Back to our lesson, so much for a distraction." ika ulit nito at wala siyang nagawa kundi mapatingin na lang habang nagdi discuss na ito. Pumangalumbaba siya habang titig na titig sa pagsasalita nito. Bawat buka ng bibig titig na titig sya at parang gusto niyang ngumanga. Grabe ang tama niya sa lalaking ito. Di pa siya nagka crush ng ganoon sa tanan ng buhay niya. Parang masisiraan siya ng bait. Nababaliw na siya. At kahit ilang milyon pa siyang mapahiya basta’t nariyan ito, di bale. Basta ito ang professor niya ay parang nasa langit na siya. "Gwapo niya noh?" anang katabi ni Keiko, sabay siko sa siko niya kaya bahagyang natanggal ang palad niya sa pagkakasalo sa baba niya. Tiningnan niya ang babae. Nakangisi ito sa kanya. "Ang sungit." pabulong na sabi niya sa katabi. "pero crush ko siya." tapos humagikhik pa siya nang mahina. "Oo nga. Pero mabait naman ‘yan. Basta dapat magaling ka sa subject niya." pabulong din na sabi nito sa kanya. Hindi ako magaling. Paano na? Ibig sabihin isang buong taon ang isusungit nito sa kanya dahil bobo siya sa math? Ano bang buhay ito? "Hindi ako magaling. Bobo ako sa math lalo sa Algebra. Palagi akong lowest." amin niya habang bumubulong pa rin. "Ms.Pababe!" napaupo siya nang tuwid nang marinig niya ang sigaw ng Prof. Nakatutok sa kanya ang galit na mga mata ng lalaki. Napalunok siya. Trouble! "kung ayaw mong matuto lumabas ka, hindi iyong nang-iistorbo ka ng kaklase mo!" galit pa rin ang tono pati ang mukha. "No doubt your course is Journalism. Masyado kang madaldal." Ngumiti siya nang buong lambing kahit sinungitan siya nito. "Sorry ACP. Just asking where's the powder room." Walang nagbago sa reaksyon ng mukha nito. Masungit pa rin na gwapo."Hindi ito ang panahon para magpulbo!" anito na ikinatawa ulit ng mga kaklase niya. "Stop mirthing! It's not funny!" bulyaw nito sa lahat na ikinalaki ng mga mata niya. Oh Lord. He's so sungit talaga. Tapos ay ipinukol ulit siya ng masamang tingin kaya umilag siya kunwari na ikinakunot pa lalo ng noo nito. "Umilag lang po. Baka mamatay ako sa sungit ng tingin niyo." aniya sabay yuko ng paningin at kunwari may binubusiklat sa bag pero ang totoo wala naman dahil wala siyang dala. Maski ballpen wala. Puro katarayan lang ang meron siya. Kanina pa naman naka on ang kanyang pad at doon siya nagte take ng notes. "Get your papers and solve this. After 3 minutes pass it." sabi na naman nito. Wala siyang ballpen at papel. "Prof, pwede po sa note pad na lang?" Lumingon ito sa kanya. "Ikaw ba talaga Miss pabebe walang gagawin kundi sirain ang pagtuturo ko?" "Prof, wala po akong ballpen at papel." bulalas niya. As if she doesn't care and she doesn't mind. "At anong laman ng bag mong malaki pa sayo? Tao?!" lumayas ito sa may pisara at matatalim pa rin ang mga mata na parang blade ng kutsilyo na nakatunghay sa kanya, habang papalapit. Walang paalam na pumunit ito ng papel sa isang kaklase niya at hinugot ang ballpen sa bulsa ng long sleeve na suot nito, at pabagsak na inilapag sa mesa niya sabay tukod ng dalawang braso. Nakatingala siya at nakaawang ang bibig niya. Para siyang tanga. "Bukas kapag wala kang dalang ballpen at papel, wag ka ng pumasok sa klase ko. Understand? You're disturbing me young girl. Do you know that? You're so stubborn." mabilis itong tumalikod. "Close your mouth!" pabulyaw na utos nito sa kanya na kaagad naman niyang ginawa. "Dapat kasi humingi ka na lang sakin." sabi ng katabi niya. "Sorry. Nahiya naman kasi ako." bulong din niya. Sus ginoo! Anak siya ng gobernador wala siyang ballpen at papel. "Solve! Now! Stop murmuring!" sigaw ulit nito na nagpatigil sa pagbubulungan nilang dalawa. Matapos niyang makapagsolve ng problems sa papel na di niya alam kung tama ay bumuga siya ng hangin. Hoo! Diyos ko! Parang di sya makahinga sa kasungitan ni Mr. Elizares ah! Pero bakit kilig na kilig pa rin siya at wala sa loob na nayakap ang ballpen nito, habang parang bulating pinisikan ng asin tapos ay hinalikan pa? Wala sa loob na napatigil siya nang makita na nakatingin pala ito sa kanya habang nakaupo sa mesa, sa may pisara. Napalunok siya sa mala bolang apoy na titig nito sa mukha niya. How hot is math? My god, Lumalagablab!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD