Chapter 18 - IS HE THE ONE?

3076 Words
Pagkapaalam namin sa mga hinatid namin ay agad na din kaming umalis ni Sam. Ngunit sa paglalakad namin pabalik ay nakasalubong namin sila Wil at Pat kasama si.... Haring Hiro. Agad akong yumuko dahil hindi ko mapigilang hindi kiligin, at alam kong mamumula ako kung makita ko siya ng mas matagal. "Hhmmm. I see... you liked this boy, aren't you?" Medyo mapang asar na tonong tanong ni Scram sa likuran ko. "Wag kang maingay." Madiin ngunit mahina kong sabi. He suddenly hit the back of my head and started to scold me. "Where's your manners? Don't talk to adult like that." "Opo. Sorry na po. Pwede pong wag na kayong maingay? Maririnig nila kayo." Mabilis at bulong kong sabi. "Tito. Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Sam. "Nabalitaan namin na nagkalat ang mga Cher dito dahil sakanila Tracy at Ken. And I'd like to make sure you both are safe." "Ayos naman po kami, tito. May mga nakalaban din po kami kanina. Pero ayos lang naman po." "Alright. Tell me the details later. Right now, I'd like you to accompany Wil and Patricia. Si Wil na ang magpapaliwanag sainyo ng gagawin niyo." Sabi nila na nagpalaki ng bahagya saaking mga mata. Then that means I'll be alone? Or if not, I'll be alone with him? Oh my God. Kaya ko ba? Parang sasabog na ang puso ko. s**t! "Sige po, tito. Pero paano po si Katharine?" Tanong ni Sam. Bigla naman akong napatingin sa aking gilid upang mailayo ang pagkapula ng aking mukha. Shit talaga. Oh my God! Nararamdaman kong sobrang init na ng leeg at pisngi ko. Gusto ko na lang iligo itong init na nararamdaman ko. s**t. "Ihahatid ko na siya." Anila na parang nagpabingi saakin. "This boy's trying to do something suspicious." Sabi ni Scram. Hindi ko na narinig ang sumunod nilang usapan dahil para na talaga akong nabingi. Ang naririnig ko na lang ay ang sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso. "It's hot, isn't it?" Pagtanong ko nang mapansing kaming dalawa na lang pala ang nandito sa gitna ng kakahuyan. Agad naman akong naglakad upang unahan siya ngunit nararamdaman ko pa rin ang pagtitig niya saakin. I'm gonna die. Ahhh!! Bigla kong hinawakan ang aking buong mukha ngunit naglagay ng butas para makita ko ang aking dinadadaanan. "Hmmm... you're really into him, aren't you?" Pagtatanong ni Scram na animo'y nandidiri. "Ang bata bata mo pa ay gumaganiyan ka na. Mag aral ka muna. Finish your study first." He said. "Where are you going?" Tanong niya kaya ako bigla napahinto. Para ring nakalimutan ng puso kong tumibok ng ilang segundo dahil sa boses niya. "Well-- home-- I mean... Ken and Lauren's castl-- I mean y-y-your c-castle." Utal kong wika pagharap ko sakaniya. "Mm-hmm.... we-we-well?..." mapang asar na pag gaya ni Scram saakin. Oh god! I should die. I need to die. I must die right now, right here. Gosh! Please eat me earth. Napatawa naman siya ng bahagya kaya ako napayuko at nagdasal na sana'y makain na ako ng lupa. Mabuti na lang at medyo natatakpan ng maikli kong buhok yung mukha ko. "This is the way." Pagturo niya sakaniyang likuran. Oo nga pala. Bakit ako bumabalik? "Do you want to explore the northern part of this realm?" Pagbasag nila sa katahimikan habang kami ay naglalakad. Ayoko dahil parang sasabog na itong puso ko. Pero gusto ko rin dahil gusto ko siyang makasama. "Tell him no. You should be practicing how to fight or go to missions for the money." Wika ni Scram ngunit hindi ko siya pinapansin. I feel safe around him. Parang walang sinoman o anoman ang makakapanakit saakin kung kasama ko siya, and I don't know why I feel that way. "It is a date. I'm asking you on a date by that." He said. Mabilis naman akong napatingin sakaniya na biglang-bigla. Hindi ko nasasabayan ang pagka-pranka niya. Bigla rin lumabas si Scram atsaka nagpunta sa tuktok ng aking ulo at pinagsabihan ng kung ano-ano si Haring Hiro. "Date? You flirt! Don't you know her age? She just turned 18. By next year she will just be a 19-year-old girl." "How old are you? You think I'll allow her to date you? No. You think she can get into romantic relationship? No. She's still a kid. She needs to study first." Sambit niya atsaka tinuturo-turo pa ang hari na para kong nanay. "And don't you think--" Mabilis ko siyang kinuha saaking ulo atsaka tinakpan ang kaniyang bibig. "Let go of me. Let go of--" "Please. Stop." Pagpigil ko atsaka pilit na tinatakpan ang kaniyang bibig. "Who is this?" Tanong ng hari. "This?! You call me "this"? How dare you!" Nanggigigil na tanong ni Scram na animoy nag hahamon na ng laban. "You can't date someone like this guy. He's a lot older than you. You can't date unless you graduate." Aniya saakin. "I'm sorry for this, Scram." Sambit ko atsaka siya tinapon ng napakalayo. "Ahhhh!" Wika nila hanggang sa maglaho na ang kanilang boses saaking pandinig. "It's so hot, right? It feels like we're covered by fire." Sabi ko atsaka pinaypayan ang aking sarili gamit ang aking kamay. "Who's-- who's him?" Tanong niya kaya ako napapikit ng mariin. "He's,-- he's,-- he's... Scram. My guardian." Nakayuko kong sabi dahil sa kahihiyan. "Guardian?" "Yes. He is my guardian." Aniko. Inaantay niya pa yata ang paliwanag ko ngunit hindi na ako nagsalita. "So, do you want to go?" Tanong niya. Bigla tuloy ulit akong kinilig. "Mm-hmm." Pagtango ko at hindi na mapigilang hindi mapangiti. "Alright. But first, we should get some coats because it's freezing there." Nakangiti niya ring sabi. Pagkatapos naming kumuha ng coats sa isang bahay ng lalaking pinuntahan namin ay dumiretso na kami sa kahariang Wintrayada. Sa pagkakaalala ko'y nasabi na ito ni Jasper saakin dati kaya kahit papaano ay medyo may ideya na ako dito. "So... we're o-officially d-dating?" Tanong ko. "Yes, we are officially dating, Katharine." He replied. "Then that means.... pwede na tayong maghawak kamay?" Tanong ko ulit. Tumigil naman siya atsaka ako tinignan. Kinuha niya ang aking kamay atsaka ito hinawakan at ipinasok sa bulsa ng kaniyang coat. "Pwedeng-pwede na." "Let's go?" Tanong niya saakin kaya ako tumango. 'Dating' pa lang pero magkahawak na ang kamay namin. Ahh!! Kung pwede lang sumigaw ngayon ay ginawa ko na. Grabe na ang pagwawala ng puso ko. Grabe na rin ang paginit ng aking leeg at mukha. Parang hindi ko alintana ang lamig ng hangin. "Ahm... about-- about-- about the k-kiss...." sambit ko nang makarating kami sa harap ng parang forest na kulay puti. Ang mga puno ay nabalot sa nyebe. Ang lupa naman ay may sobrang kapal na snow. Parang hanggang binti ko na yata ito. "Oh. I'm sorry I did that." "I did that in order to shift your attention from the pain of my bite." "Ayos lang naman. Nailigtas mo naman tayong lahat." "You're the one who saved us." He said. Naglakad pa kami at napapansin kong mas kumakapal na ang mga nyebeng nadadaanan namin dahil mas tumataas ng tumataas ang mga ito kaya't medyo natatagalan akong maglakad. "Do you want if I carry you? Para mas makarating tayo doon ng mabilis at hindi ka na mahirapan at masyadong lamigin." "W-well-- sige." Tugon ko. Pagkabuhat niya saakin ay nagkaroon ng kidlat atsaka kami nito natamaan. Pagkakita ko na lang ay nasa parang mataas kaming lugar at kitang kita ko ang ibaba na nababalot sa nyebe. Napatingin naman ako sa medyo taas namin at nakita ang kaunting sinag ng araw doon. Bigla naman akong parang may naalala. Bakit parang nangyari na ito? Itong pagbuhat niya saakin at pagtama saamin ng kidlat. Bakit parang nangyari na ito dati? Pagkababa niya saakin ay napatingin ako sa langit at sinubukang sumalo ng mga nyebeng nalalaglag. "It's so beautiful." Wika ko. I remember when I was young, I dreamed of seeing snow and dancing or laughing under it. I remember I dreamed of being there in a place that snows together with my family, but I never thought I will be but with this man. Noong nalaman ko yung tungkol sa ibang pamilya ni daddy, sinabi ko sa sarili kong hindi na ako papasok sa ano mang klaseng romantikong relasyon. But right now, this man changed my mind without even knowing it. Is he the one? Am I able to be worthy for him? I mean, he is a King, and I'm just a little girl that somewhat became part of their enemy which is the prince. I can't see myself worthy to be with him. Napatingin naman ako sakaniya na nakatingin sa paligid. If you are really the one, I will prove my worth to be your partner. I will catch up on you. I promise that. "Should we go to human world? The time there is slower than here." Aniko. Noong nagkakaroon kasi kami ng pagkakataong makilala ang isa't isa ay napuputol din ito agad dahil sa responsibilidad niya at saakin na rin. And I guess in human world, we could have enough time to be together, especially we're officially dating now. Ahhh! I still can't believe this is actually happening right now. "Sounds good idea. Sa tingin ko ay mas magkakaroon tayo ng mahabang oras doon kaysa dito" Sambit niya. "Let's go?" Pagtanong niya nang makaharap siya saakin. "N-now? As in, now?" "Yeah." He said without hesitation. "O-okay." Binuhat niya ako ulit atsaka kami nakain ng kaniyang kidlat. Nandito naman na kami ngayon sa harap ng talon. "I think you should close your eyes." He said. Ipinikit ko naman ang aking mga mata ngunit itinago ang aking mukha sakaniyang dibdib. Napatawa naman siya dito ng bahagya. Is this really dating? I think this isn't. Naramdaman ko ang pagtalon niya. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman kong para kaming nalalaglag. Shit. Pagmulat ng mga mata ko ay hindi nga ako nagkakamali. Nalalaglag nga kami. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sakaniya dahil sa takot. I want to fly, but I don't want to fall. "You're trembling." Napamulat naman ako at nakitang nakalapag na kami ng maayos sa lupa. Napansin ko naman ang paligid at nakitang nandito na kami sa mundo ng mga tao.... ngunit hindi ko alam kung saang lugar ito. Gabi na rin. Agad naman akong bumaba dahil sa hiya. "You okay?" "Ahm... yes." Tugon ko. "Where do you want to go?" He asked. I honestly don't know where. There's no place in my mind right now. And I honestly didn't think about dating or some sort of things like this. But I am quite hungry. "Should we go eating?" Tanong niya kaya ako nabigla. "I know you love to eat." He said while smiling. Argh. His smile and laugh makes me fall harder. Damn. Get a grip, girl! You two are just dating. Or is it? "Saan naman tayo kakain?" Tanong ko. "I think I may know a place." Pagkarating namin sa harap ng napakalaking bahay ay kumatok siya sa malaking gate. Lumabas din naman ang isang guard atsaka siya nagpakilala. Ilang minuto pa ay lumbas si.... miss Sandra? Well... sabagay. Sila Lauren at Ken nga ay kilala sila. "Oh! Hiro! You're here? What comes-- oh... you're with Katharine?" "You know her?" "Yes. Of course!" They replied. They then gave him a meaningful look and a slight smile on their lips. "Halika. Pumasok kayo." Pagaya nila saamin sa loob. Gosh! I didn't expect this coming. What do I do? Masyado akong nahihiya. I really didn't see this coming. Pagpasok namin ay masyado akong namamangha sa paligid. It's so luxurious. Napakayaman naman nila. Pero bakit parang mag isa lang nila dito? "I will be cooking for you." He said when we got to their kitchen. He can cook?! Oh my God! Hallelujah! "This is our first date. So I'd like to make this night special." Sabi niya. "D-date?!" Hindi makapaniwalang tanong ni miss Sandra. Oh, my gosh! I can't believe he just said that in front of miss Sandra. Did he intend to tell this to everyone? Bigla naman akong napahawak saaking mukha nang uminit nanaman ito. Nagumpisa naman ng magtanong si miss Sandra. "Yes. We're officially dating. And it's not like I am the only one who is dating right now." Aniya na nagpabigla kay miss Sandra. "Y-y-y-y-y-you know?" Utal na tanong nila. "Yes. You and Zack? Yes. I know you two are dating." "H-h-h-how did you know?" "It's not about how did I know. It's about who." "Did he-- did he told you?" "Mm-hmm." "That darn jerk! I told him to not tell anyone about our relationship." "Don't worry. I didn't told anyone. And besides, he told me to tell you "I am"." Sabi nila kaya hindi agad nakapag salita si miss Sandra. Si mister Zack? Magkasintahan na sila? I thought there's something between them and mister Valentine? "Alright. Just please don't tell anyone about us, okay?" "Yeah." Pagtango niya habang naghahanap ng mga iluluto niya sa ref. Napatingin naman saakin si miss Sandra. "Please don't tell this to anyone also, okay?" "O-opo." Tugon ko. "Ikaw. Nagsabi ka lang sana saakin na pupunta ka dito. Hindi porket ikaw ang may ari ng bahay at lupang ito ay hindi ka na magpapaalam sa naninirahan dito." He owns this?! Wow! I didn't see that coming. Kaya pala wala siyang pagdadalawang isip na magpunta dito dahil sakaniya ito. Wow. Just wow. "Sige. Maiwan ko na kayo." "Katharine, make yourself at home. This will be your home soon." Anila atsaka ako kinindatan bago umalis. Namula nanaman ako dahil dito. "You can sit there and watch TV while I cook." "No." Mabilis kong sagot. "Panoorin kita." Nakangiti kong sabi atsaka lumapit at naupo sa may lamesa sa gitna ng kusina. Lumipas ang ilang minuto ay tumitikim-tikim na ako ng niluluto niya dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ang sarap kasi. Hindi ko alam na magaling pala siyang mag luto. "Paano ka natutong magluto?" Tanong ko habang kumakain. "I used to cook foods for me and my brother since we were a kid. And I think that's how I learned how to cook." Nang natapos siya'y sinabi ko na dito na lang kami kumain. Hindi naman na kami nag ayos at naglagay ng kung ano-ano sa lamesa dahil sinabi niyang baka hindi na ako komportable, at totoo nga ito, kaya ganito na lang ang ginawa namin. I really love it when he thinks of my feelings. The fact that are age gap is quite large, I kinda find it overwhelming sometimes. But because he always consider my feelings, I became comfortable. Bigla ko naman nakita saaking isipan ang imahe namin bilang mag-asawa ngunit agad kong iwinaksi dahil masyado pa akong bata para dito. But I really think he is the one I will going to marry soon. "You really love to eat, ha?" "No. I just love your cook. Hindi ko inaasahan na magaling kang mag luto." "Yeah. I didn't cook since my brother and I made our last meal together. We have a misunderstandings back then." "Oh?" Nabigla kong sabi. "Pero bakit ka nagluluto ngayon para saakin?" Tanong ko. "I told you. I want to make this evening special since this is our first date." "Anong nagtulak sayo at bakit sa tagal nating magkakilala ay ngayon mo lang ako inaya sa date?" Pagiiba ko. Hindi naman siya agad nakasagot. "I honestly don't know what to do, but I know that I want you in my life. But someone adviced me to take it slow. And I did. Afterall, this between us is not the same as everyone else." "But I thank you for adjusting." "Thank you rin." Aniko at napayuko dahil kinikilig nanaman ako. Napatawa naman siya ng bahagya dito. "You're so obvious." He said. "Ang straightforward mo kasi." Sabi ko naman. Pagkatapos namin ay naisipan naming gumawa ng isang bagay na pareho kaming hindi alam, at ito ay ice skating. . Pagkatapos naming magkasaya ay nagpaalam na kami kay miss Sandra upang bumalik na sa mundo nila. Pagkabalik namin ay nandito kami sa harapan ng talon. I didn't know that this waterfall is a portal to human world. Nakakita naman kami ng itim na ibon papunta saamin. Pagkapunta niya sa braso ng Hari ay tinanong siya kung anong ginagawa niya dito. "What?" Parang medyo hindi niya inaasahan na tanong. "Can you talk to the bird? H-how?" Tanong ko. "Raven is my brother's bird. That's why I am able to understand what it's saying." He explained. "Anong sabi niya?" Tanong ko naman. "Other realms are now in a great suffering because of Takashi Dio. And soon, they'll probably attack us, this realm. And I don't want that to happen." "I don't want to get where I need to take back the throne from my brother. It will hurt him greatly and might see himself worthless again." "W-what do you mean? Ibig sabihin ay ikaw talaga ang dapat nakaupo sa pwesto ng kapatid mo at hindi siya?" Tinignan niya ako atsaka rin nag iwas bago sumagot. "It was for him." "Ever since we were a kid, he wants to be acknowledged and be known. He's so happy saying that. And when the time our ancestors talked to me in my dream about being their successor, I refused because I think my brother is more worthy to be the king of this world than me." "Paano mo nasabi?" Tanong ko. "Because I never dreamed of being a king. While he.... it's his biggest dream." "Anong gagawin mo?" "I'll try to stop this or end the war in my own way. But now, I'll go see the prince first." "Bakit?" "I have some business to do with him." "Teka. Paano ka nakasisiguro na hindi ka niya sasaktan?" Pagpigil ko sakaniya. "Because I have something he wish to get." "Will you allow me to carry you again? Para makabalik na tayo sa kastilyo ng mabilis." "O-okay." Tugon ko. Pagkarating namin sa kastilyo ay pumasok kami sa loob at nakasalubong sina mister Gerald at mister Valentine. Kitang kita ko ang pagkabigla at parang hindi inaasahan sa mukha ni mister Valentine. Pero wala man lang nabago sa mukha ni mister Gerald. Agad naman akong umiwas ng tingin dahil sa hiya. "Look out for them for me, Ge. I need to see someone." Sambit niya kaya sila tumango. Pagkarating ko sa kwarto ay diretso pa rin ako sa pagdadalawang isip kung pupunta rin ba ako sa prinsipe. Gusto ko kasing makasiguro na hindi niya sasaktan ang hari at para na rin makita ang kaniyang kalagayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD