Chapter 16 - A STRANGER

2897 Words
Sa huli ay sumama ako sakanila pabalik, ngunit naninirahan na ako sa eskwelahan na dati kong tinitirahan noong nagpapanggap ako bilang Michael. Isang linggo na ang lumipas simula nooong bumalik kami dito. Hanggang ngayon ay naghahabol pa rin kaming lahat sa mga gawain sa school. Sa isang linggo ko naman na nandito ay hindi ko pa nagawang tignan sila mama. Sila Kyla at Lauren ang gumagawa nito araw araw para saakin dahil gusto daw bumawi ni Lauren sa paraang ito. Si Ken naman ay palaging nakabantay sakanila dahil gusto niya rin daw bumawi sa pamamagitang iyon. I'm grateful for what they're doing. But I still can't find the word forgiven in my system right now. It's still too painful. Si Scram naman ay palagi lang nasa tabi-tabi. He sometimes-- no, most of the times, scold me if I were do or does things bad. I somehow like it because it reminds me of my mom and older sister when they are scolding me. Alam kong binbantayan niya ako, ngunit hindi siya nagpapakita sakanila Pat. "Ano, may naisip ka na bang isusuot mo?" Tanong naman saakin ni Pat. College night kasi ngayon. Pero wala naman akong balak magpunta dahil ang daming ala-alang gusto kong kalimutan ang bumabalik. "Ayokong sumama." Aniko. Bigla naman siyang napatingin saakin na parang hindi makita ang salitang mga iyon sakaniyang bokabularyo. "Bakit? Sama ka na." "Fresh pa kasi yung mga sama ng loob ko." Mapag birong tono kong sabi. "Walang mangyayari kung paulit ulit mo lang tinatakbuhan ang mga ito, Katharine." Aniya. "So, saan mo balak mag stay niyan?" Tanong niya saakin. "Here. I'll just stay here. Matutulog na lang ako." "Seryoso ka? Sa ganiyang ingay pa lang eh nakakabingi na. Paano pa kaya mamayang gabi? Makakatulog ka kaya dito sa lagay na yan?" Oo nga naman. Ang ingay ng tugtog sa labas. Nandito kasi kami sa tinitirahan ko. "Hindi ko alam." Sambit ko atsaka bumuntong hininga. "I don't really feel like doing anything aside from studying because it's a must. I just want to sleep and sleep and sleep." "Ganiyan talaga. Pero hindi naman pwedeng diretso ng ganito. Walang mangyayari kung ganiyan. Wag mong hayaang makain ka ng kalungkutan." "Sama ka na lang kasi. Para mawala yang negative energies sayo." "Teka. Bakit ka nga pala nagpipilit na sumama ako? Diba may sarili kayong college night sa school niyo?" Tanong ko. Pareho sila ng school ni Wil, pero bakit nandito siya't nanggugulo saakin? "Duh? Syempre dito ako aattend. Ayoko doon." "Sama ka na kasi. Para kompleto tayo." Wika niya atsaka ako nginitian. "Magpupunta rin sila Sam dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Of course. Hindi niya maiwanan si coach Ches, as usual. And besides, nandito si Ken, yung boyfriend niya." Tugon niya. Natawa naman kami pareho dahil sa sinabi niya. Pagkadating ng gabi ay nag ayos na kaming dalawa upang umattend sa labas. Naisip ko naman yung sinabi niya kaya pinilit ko na lang ang aking sarili na gumalaw upang hindi ako malunod sa kalungkutan. "Ayan. We're both gorgeous." Sambit niya. "Mas maganda ako. Bahala ka jan." Sabi ko naman. Pagkadating namin sa venue ay naabutan namin sila Ken, Sam at John na naguusap kaya kami dito lumapit. Hindi naman maalis ang tingin ko kay John. He looks so damn clean. "You look handsome tonight." Sambit ko. "Well.... I'm always handsome." Mayabang niyang sagot kaya ako napairap ngunit napatawa rin ng bahagya. "You two look great." Wika naman saamin ni Ken at napatingin ulit sa paligid. "Hmmm. Someone's searching for Kyla." Pagbiro ni Pat kaya ako napatawa. "Nililigawan mo na siya?" Tanong ko na hindi niya yata inasahan kaya hindi siya agad nakasagot. "Our baby boy? Well, he's not." Pagsingit ni Sam habang nakapatong ang braso sa balikat ni Ken. Sinamaan naman siya nito ng tingin. "Ligawan mo na kasi. Kami bahala sa mga gusto niya." Ani namin ni Pat. "Maasahan mo kami pagdating sa mga gusto niya." Aniko. "Ayan oh. Pwede ka ng gumalaw. Galawin mo na yung baso, Ken. Pinapatagal mo pa. Mamaya maunahan ka pa ng iba." Wika naman ni Sam. "Wag kang magalala. Ikaw lang naman ang gusto non. Kilala ko yun." Sabi ko. Hindi naman niya mapigilan ang pagngiti kaya namin siya inasar. "Kyla. Nandito na rin pala kayo." Pagtawag ni Pat sakanila. Hinanap ko naman si Wil dahil hindi nila siya kasama. "Ganda mo ngayon." Wika ko sakanila Kyla. "Nasaan na pala si Wil?" Tanong ko naman. "He's on his way. May ginawa pa raw kasi siya." Sagot naman ni Sam habang nakatingin sakaniyang cellphone. Nang nagumpisa ng tumugtog ng mabagal ay saktong dumating na rin si Wil. Tinulak naman na namin sila Ken at Kyla upang sumayaw sa gitna. Napatingin naman ako sakanila Pat ngunit sa palagay ko'y hindi pa sila komportableng mag usap. May isang lalaki naman na lumapit kay Pat upang isayaw siya, sumama naman na siya dito. Lumapit rin si Ron atsaka tinatanong kung pwede bang isayaw si Lauren kaya ko ito hindi inasahan. "What the f-- what are you doing here?" Tanong ni Sam kay Ron. "Ahh.. well... I..." wika ni Lauren at napatingin kay Wil na tinitignan ang paligid na animo'y nagbabantay kung sakaling may dumating na kalaban. "Well.... sige." Parang pilit na sagot niya atsaka sumama kay Ron. Umalis na rin si John at magsasayaw daw siya ng mga babae doon kaya ang naiwan ay kaming tatlo nila Wil at Sam. "Ikaw? Hindi ka ba sasayaw doon?" Tanong ni Sam saakin habang umiinom ng juice. "Eh." Tamad kong sagot atsaka rin uminom. "Okay. Let's make a deal. I'm gonna dance with you but stop calling me gay." Pagharap niya saakin kaya napataas ang aking kilay. "No. Because you will call me lesbian forever." "Okay. I won't gonna call you that either. Just stop calling me gay. Deal?" "Alright." Pagirap ko. Inabot niya naman ang kaniyang kamay saakin kaya ako nagtatakang tumingin sakaniya. "What? This is part of the deal. Don't assume. You're not my type." "Besides, I don't like ladies." Sabi niya ng kami ay nag umpisa ng sumayaw. "Whatever." Tamad kong sagot. "But I'm glad you're starting to be fine. We all are worried about you. Especially Wil." "Kilala mo naman siya hindi ba? He's always worrying about his friends." "Oh. Oo nga pala. Sir Rein offered us, Wil and me, to do missions in return of giving us money." "Sabi niya rin ay maari kaming magsama sainyo. Mas marami mas maganda dahil kakaunti na raw sila." "So, I was just thinking if you want to be part of it. Para matulungan mo ang mama at kapatid mo. Pwede mo silang bigyan ng mga natanggap mo sa pagpunta natin sa misyon." "That's interesting. That's quite a witty one." Sabi ko naman. "Meron pang isang linggo para makapag desisyon ka. Sa susunod na linggo kasi ay magpupunta sila mister Valentine dito para sunduin kami." "Alright. Got it. Pagiisipan ko muna." Aniko. "Oo nga pala. What do you mean when you said about my transformation?" Pagiiba ko. Naalala ko kasi yung sinabi niya noong tinanong ko sila kung ano yung ibig sabihin ng mga tingin nila saakin. Napatingin naman siya saakin. "Well-- ahh...." wika niya atsaka nagpakawala ng malalim na paghinga. "When you came back from tito Hiro's castle, you tried to kill Mr. and Mrs. Welker. And your eyes...." ".... it's the same eyes the prince and that man named Nikko." Sambit niya. "And you just covered with fire.... and then transformed into a demon-like lady." "A-anong ibig sabihin non?" Utal kong tanong. "You have two horns, long blond hair, white skin-- I mean, actually white-skin, you know? But not the kind of white like paper or a foreigner's skin. It's like a supernatural-white-skin. You get what I mean?" "Uh-huh...?" "And you have a six huge-long-fluffy tails. It's like it is 20 meters long, that you use as a defense and to throttle someone." "Throttle?!" Gulat kong tanong at mas natakot. "I throttled someone?" "We-- y-yes. The leader of the Hikari." "And you have the strongest punch that could break a 200 million tons of boulder in a single blow!" He said and emphasized '200 million tons of boulder'. Ngunit hindi naman ganito kasama ang mga sinabi saakin ni Scram noong tinanong ko siya tungkol sa sumunod na nangyari pagkatapos akong kainin ng apoy? Whatever I've done, it's not my problem right now. Ang iniisip ko ay yung mga sinabi ng leader ng Hikari na si Michi. We really have a different philosophy. But the same idea - for peace. So right now, my main question to myself is should I stay or seek my freedom to get out from this conflicts. But I know to myself that I will never gonna get away from the conflict because I share a great connection to the prince. I "became" a Takashi. If I were to get away from the other world and just live here like a normal human, they will chase me down to the depths of the earth. Baka marami pang taong madamay dito. At baka madamay pa sila mama. Hindi ako papayag. Pagkabalik namin sa lamesa ni Sam ay nagpaalam ako na pupunta ng banyo. Habang naglalakad ay may naramdaman akong nakatingin saakin. Agad naman akong kinabahan at naging alerto. "Katharine." "Ahhh!" Sigaw ko atsaka humarap sa nagsalita at susuntukin ko na sana nang matapilok ako. Mabuti na lamang at agad na may humawak saakin at hindi ako napahiga. Nanlaki naman ang aking mga mata at naginit ang aking mukha nang makita ko siya. "H-hiro?" Mabilis akong tumayo atsaka bahagyang dumistansya sakaniya dahil sa hiya. "A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko at umiwas ng tingin. "I'm the Director of this school. At dahil sa okasyon ngayon ay kailangan ko kayong bantayan lahat." Tugon niya. "Ahh.. ganon ba? Sige po. Mauna na po ako." Aniko atsaka na bumalik at hindi na dumiretso sa banyo. Shit. Yung puso ko. "You look beautiful." He said. Napatakip naman na ako ng aking mukha at tumakbo dahil sa kilig. Narinig ko rin ang bahagya niyang pagtawa ngunit hindi ko na siya nilingon dahil masyado na akong kinikilig. ... Kinaumagahan, pagkalabas ko ng eskwelahan ay may nabunggo ako dahil hindi ko siya napansin. Napaupo kami pareho. "Aww. Ano ba?!--" natigil ako nang makita ko ang lalaking parang nakita ko na dati. Deja vu. Parang nangyari na ito dati. "Ayos ka lang?" Tanong ko sakaniya atsaka siya hinila patayo. Bigla kong naibuka ng bahagya ang aking bibig nang maalala ko yung nangyari dati. Siya yung lalaking may blonde na buhok. Agad naman akong napaatras nang makita ko ang prinsipe at ni mister Nikko sakaniya. This guy resembles them, especially the prince. Who is this boy? "Sino ka?" Tanong ko sakaniya ngunit hindi siya sumagot dahil nakatitig pa rin siya saakin. "Anong pangalan mo?" Tanong ko ulit. "C-caleb Oliver Augustine." Sambit niya. Ang haba naman. "O-okay... Caleb. Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" "Ahhmm... well.... I just... uhm--" "What?" Irita kong tanong. "I'm a foreigner." "Okay? So? Why are you following me?" "Are you stalking me? Espiya ka? Anong kailangan mo saakin? Don't tell me you're a spy of one of those organizations or the Cher?" "What?! H-hindi po. Hindi po." Mabilis niyang sagot. "Anong kailangan mo saakin?" Tanong ko at ipinag krus ang aking braso. "Ahmm....." "Nandito po ako para magdiskubre ng mga bagay-bagay." "Eh bakit nandito ka saakin?" Taas kilay kong tanong kaya siya napaatras at mabilis na umiwas ng tingin. He's cute. Parang gusto kong pisilin yung pisngi niya. Nawala naman agad ang iniisip kong ito nang maalala ko si Klair. Sumunod naman na si ate at yung pangyayaring gusto ko na munang kalimutan. "Nasaan ba ang mga magulang mo?" "Well... hindi po nila alam na nandito ako." "Hmmm. Pasaway na bata." Sambit ko kaya siya ngumisi. "Hindi ako basta-basta nagtitiwala sa mga estranghero dahil sa rason ko. Kaya ikaw, kung kailangan mo ng tulong, sa iba na lang." "Hindi naman po ako masama." "Defensive." Mabilis kong sabi kaya siya ngumuso atsaka umiwas ng tingin. "Ilang taon ka na ba?" Tanong ko. Magkatangkad lang kami pero parang mas bata siya saakin dahil sa kilos niya. Pansin ko ring bumata siya... o dahil lang sa medyo nakikilala ko siya kaya nagbabago ang itsura niya saakin? Hindi. Estranghero pa rin siya. "13 po." "Thirte-- thirteen?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Eh para lang kitang kaklase ha. Ang tangkad mo para sa isang 13 years old." "Kung sabagay, lalaki ka." Sabi ko naman agad. Habang naglalakad kami'y napatingin ako sa malaking bahay saaking gilid. Nasa kabilang parte ito ng kalsada. Nabigla ako nang makita ko si John na lumabas. Bahay nila ito? "Kilala niyo po sila?" Tanong saakin ni Caleb. Makulit kasi siya kaya ko na siya pinasama saakin. Pero nagiingat pa rin ako dahil baka espiya siya. Hindi na lang muna ako pupunta o magsasabi ng may koneksyon sakanila mama para sigurado. "Ahh.. siya? Oo. Kaibigan ko." Aniko. Hanggang ngayon ay nakokyuryos pa rin ako sa kaniya. Wala kasi kaming alam tungkol sa pamilya niya. Nasaan na ba sila? Kasama niya kaya sila? "Saan po ba kayo pupunta?" Tanong niya habang naglalakad na kami. "Mag go-grocery." Tugon ko. Ilang minuto lang ay nakarating na kami dito at nagumpisa na akong kumuha ng mga kakailanganin ko. "Okay. Out of curiousity. By any chance, are you related to Takashis?" Tanong ko habang ako ay kumukuha ng mga pagkain sa aisle ngunit hindi siya agad sumagot. "Takashis?" Tanong niya naman kaya ako bahagyang napatawa. "Nevermind." Aniko. "Here. You like this flavor, right?" Pagabot niya saakin ng ice cream kaya ako nabigla. Naningkit naman ang aking mga mata sakaniya. "How did you know?" "Ahh, ahh! Hula lang po." Pagatras niya habang nakataas ang mga kamay. Ang cute niya talaga sa tuwing gumaganito siya. Pinigilan ko naman ang pagngiti at ang aking sarili na kurutin ang kaniyang pisngi. Estranghero siya, Katharine. Wag kang malalaglag basta-basta sa mga ganito. "Mo-- you drink alcohol at this age?" Hindi makapaniwalang tanong niya nang kumukuha ako ng mga alak. "Y-yeah." Tugon ko. "Legal age naman na ako." Sambit ko. "But don't ever try this. You're still a kid." "I know this is bad but I need it to cleanse my soul." "I won't. Mom's gonna scold me if ever I plan to take a sip." Aniya kaya ako bahagyang natawa. . Lumipas ang hapon at pabalik na ako ng eskwelahan. Sinabi ko naman na sakaniya na hindi na niya ako pwedeng sundan pa kaya naman umalis na siya. Ngunit kahit na hindi ko pa siya tuluyang kilala ay nagaalala ako sakaniya. Lalo na't alam kong mapanganib sa labas. Bata pa siya, at alam kong hindi niya kaya ang makipag laban sa labas kung sakaling may mga masasamang tao ang umatake sakaniya. "Hays. Damn!" Mura ko atsaka lumabas upang habulin siya. "What the fu-- what are you still doing here? Akala ko ba'y umalis ka na?" Tanong ko nang makita ko siya sa labas ng gate. Nandito kasi siya at nakaupo na animo'y namamalimos. "Wala po kasi akong matutuluyan. Natatakot din po ako. Mag gagabi na po kasi." "Halika ka na nga." Irita kong sabi ngunit masaya ako't nandito siya. Now I'm relieved. "Diyan ka na lang matulog sa lapag. Mag latag ka na lang nitong mga kumot dito." Aniko atsaka ibinigay sakaniya yung mga kumot at unan na kalalabas ko lang. "You live alone?" Tanong niya habang tinitignan ang paligid. "Yes." Tipid kong sagot. "I chose to." Sambit ko rin matapos ang ilang segundo. "Bakit po?" "To protect someone I love." Aniko. Napatayo ako agad nang marinig ko na yung niluluto ko. "So... tell me about yourself. Your family or such." Sabi ko habang naglalagay ng pagkain sa plato namin. "Kapalit ng pagpapatira ko sayo dito." Wika ko pagabot ko sakaniya ng kaniyang makakain. Hindi naman siya agad sumagot at tinikman ang niluto kong ulam. "Wow. Taste like home." Mahina niyang sabi ngunit narinig ko pa rin ito. "I'm sorry, what?" "Ah, wala po." "Okay then. Tell me about yourself or your family." "Meron po akong kapatid. She is 6 years old." Pagumpisa niya matapos siyang sumubo. "My father is a Lawyer. He worked really hard to provide the best of the best for us, for his family. And my mom...." sinadya niya itong itigil atsaka sinalubong ang aking mga mata. "Your mom?" I asked. ".... she's the best mom, ever. Though she mostly scold me and my dad." Natatawa niyang sabi. Bigla ko naman naalala si mama. Ganiyan na ganiyan din siya saamin nila ate at daddy noon, ngunit nakikita kong pasimple silang nakangiti pag nakatalikod na sila saamin. "Moms." Sambit ko. "Okay? And?" "What's her work?" Tanong ko ulit. "She owns a restaurant." "Oww!.... I see." "So, anong ginagawa mo dito? Anong gusto mong idiskubre? Maganda naman yata ang samahan niyo ng pamilya mo, may magaganda pa silang trabaho, pero bakit nandito ka? Hindi ba sila magaalala sayo ng sobra?" "There's one thing I want to see... with my own eyes." "Okay.... I see..." "Pero kung malaman nila na nandito ka saakin, labas na ako jan ha. Ayoko ng maipit sa mga ganiyan-ganiyan." "Hindi naman po nila ito malalaman." He assures and give me a reassuring smile. "Kayo po ba? Bakit mag isa niyo lang po? Ano pong ibig niyong sabihin na protektahan?" Tanong niya naman. "I can't tell you now." "Okay po. Naiintindihan ko po." Sambit niya atsaka ako nginitian ng maliit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD