Chapter 13 - THE POWER OF THE EYE

2145 Words
Bumalik ako sakanila Kyla at hindi naman ako pinigilan ng prinsipe. Pagkarating ko ay naabutan ko si miss Kate na nakikipag laban kay mister Nikko. Wait, what? She has the same eyes as the prince. "I expected you for betraying me. Not bad, though, Kate." Wika ni mister Nikko. Nagbato siya ng isang punyal papunta kay miss Kate. Mabilis naman kumuha ng isang patay na kalaban si miss Kate atsaka ito ginamit pang takip sakaniya. Nabigla na lang ako nang makita kong dalawang punyal ang tumama sa katawan. How did this happen? Diba't isang punyal lang ang binato niya kanina? Nagbato ulit si mister Nikko ng tatlong punyal kaya tinignan ko ulit itong maigi. Pagtama ulit nito sa katawang ginamit ni miss Kate ay naging anim ito. Dumodoble ba ang mga ito? Ito ba ang abilidad niya? "Katharine." Sabi ni Wil sa gilid ko kaya ako nagulat at muntik mapasigaw. "I'm sorry." Aniya. "I think his powers are linked to the shadows." He said. "What do you mean?" Kunot noo kong tanong. "Look there." Tukoy niya nang magbato nanaman si mister Nikko ng dalawang punyal. Nakaiwas si miss Kate dito kaya ito tumama sa lupa at naging apat. "The two are the real daggers. The other two is the shadow of the real daggers." "So, you mean, the other two is not real?" Tanong ko "No. It is all real. What I mean is it became doubled because of the shadow." Paglinaw niya. Dito ko naman naintindihan ang ibig niyang sabihin. So that's it. His ability is linked with shadows. But... what did he mean when.... oh my gosh. So miss Kate is also a double agent like me? Bigla naman akong nakaramdam ng pagkalungkot. How about me? Who will I be siding? "Wil." Rinig naming tawag ni Pat. May hawak siyang mga maliliit na bote at mga tela na alam kong pang gamot niya. "Kilala o may alam ka sa mga organisasyong nandito, diba?" Tanong ni Wil saakin habang ginagamot siya ni Pat. "Oo. Ang tatlong ito ay ang Hikari, Akari, at Pariahs." "Ang mga Hikari ay yung mga may Diamond Shaped sa mga damit, tama ba?" "Oo" tugon ko. "That's their trade mark." I said. "Ang mga Akari ay naka cloak na kulay red plum." Aniya kaya ako tumango. "Ang mga Pariahs ay silver." "Yeah." Pagtango ko ulit. "Seems like the Akari and Pariahs are not all here. Iilan lang silang nakikita ko, kumpara sa Hikari at sa mga Cher." "Ilan ba ang miyembrong nasa Hikari?" Tanong niya. "Sa pagkakaalala ko'y 13." Sambit ko. Tinignan niya naman ang mga kalaban na parang pinagaaralan ang mga ito. Napatingin ako sakaniya at hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha sakaniya. Napayuko ako atsaka napangiti. "Wait. I can't see their leader." "Where's their leader?" Tanong niya sa hangin. "You said they're 13, right? But why am I seeing just 12?" "No. They're just the diversion." Halos bulong na sagot ni Pat. Bigla ko naman naiangat ang aking ulo nang marinig ito. "Shit." Malutong kung mura at halos maluha habang nakatingin sakanila. "My family." Sambit ko. Tumayo siya agad atsaka parang may hinahanap. Nang mapatingin siya kay mister Valentine ay mabilis siya doon tumakbo at parang may sinabi siya. Napatingin din ang mga magulang nila Lauren sakaniya atsaka saakin napatingin. Kitang kita ko sa mga mata nila ang paghingi ng tawad. Napapikit ako at napaluha. Tumayo ako atsaka tumakbo kasama si Pat papunta sakanila ngunit sinalubong na nila kami — sila mister Valentine, Wil, atsaka si mister Gerald. "Let's go." Anila at kaming lima'y pumasok sa kanilang lagusan. . Pagkarating namin sa may eskwelahan ay gabi na. Sinabi nila saakin na hindi nila alam ang bahay namin kaya hindi nila kami madadala doon. Nagmadali na akong tumakbo samantalang sila ay nakasunod saakin. Please. Make us in time. Please, please. Make us in time. "Please" paulit ulit kong sabi habang lumuluha. Pinilit kong pigilan ang aking pagiyak upang makita ko ng malinaw ang dinadaanan namin. Mas binilisan ko ng makita ko na ang aming bahay. Narinig ko ang boses nila mama, ate, at ng bunso kong kapatid kaya mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad saakin ang isang lalaki na sa palagay ko'y leader ng Hikari na nakatusok ang espada sa dibdib ni ate. Sila mama at ang kapatid ko naman ay iyak ng iyak. "Katharine." Sabi ni mama saakin. "St. Jude, patron saint of hopeless causes, please give me the power to kill this bastard." Mabilis at madiin kong sambit atsaka sumugod sakaniya. "Yahhh!" "Katharine!" Rinig ko pang tawag saakin nila mama habang umiiyak ngunit hindi ko na sila pinansin. Narinig ko rin ang pagpigil sakanila nila Wil. Sabay kaming napahiga sa sahig at sabay din kaming tumayo agad. Hinawakan niya ang aking leeg atsaka ako sinaksak gamit ang kaniyang espada. Ginamit niya rin ako pang basag ng pader namin kaya ngayon ay nasa labas na kami. "Yahhh!" Malakas kong sabi atsaka siya sinipa kaya niya ako nabitawan. Napahawak naman ako sa aking tiyan at kitang tumutulo ang aking dugo. Kasabay ng paginit ng mga mata ko habang nakapikit ang pagtulo ng aking mga luha. Ang mga ala-ala din ni ate saaking isipan ay lumabas. "Yahh!!" Malakas kong wika at ibinukas ang aking mga mata. Bigla siyang umapoy at ako naman ay tumakbo papunta sakaniya. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng aking katawan at mata, at ang umaapaw kong lakas ay nararamdaman ko rin. Isinarado ko ang aking kamao at narinig ko pa ang pagtunog ng aking mga buto bago ko ito itama sa lalaki. Tumilapon siya at tumama sa isang bahay ngunit mabilis akong nakapunta sakaniya atsaka siya pinatayo at binugbog ulit. Hirap siyang tumayo at nang susugod na ako sakaniya'y bigla siyang lumutang kaya ako napatingin saaking itaas. You f*****g bastard! "I see. You have the same eyes as the Takashi." "In that case, you need to die." Sambit niya. "Katharine!" Rinig kong sabi nila Wil ngunit hindi ko sila pinapansin. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay at ibinukas ang mga palad na nakatutok sa ibaba. You f*****g bastard! I'm gonna kill you! Naghanap ako ng maari kong gamitin at nang makita ko ang isang kotseng nasa gilid ng kalsada ay hinila ko ito atsaka itinapon sakaniya. "Yaahh!" Tumakbo ako sa may nakita kong mataas na puno na malapit sakaniya atsaka ito mabilis na inakyat. Naiwasan niya ang paparating na kotseng binato ko sakaniya ngunit hindi niya ako napansin na tumalon papunta sakaniya. Inipon ko ang lakas ko saaking kamao atsaka ito itinama sakaniya dahilan ng pagtilapon niya. Nakaramdam ako ng hapdi saaking mga mata at init kaya ako dito napahawak. Narinig ko ulit ang pagtawag nila saakin ngunit hindi ko nanaman sila pinansin. Tumakbo ako papunta sakaniya ngunit hindi pa ako nakakarating ay may biglang pumulupot na mga ugat ng puno saaking mga paa papunta saaking katawan at kamay. Hirap siyang tumayo atsaka ngumiti saakin. Inilabas niya ang espadang nasakaniyang tagiliran atsaka itinaas upang itama saakin. Nang itatama na niya sana ay umubo siya atsaka naglabas ng dugo. "Kuso." Madiin niyang sabi. "That Nikko." Nakaramdam ako ng sobrang panghihina kaya nang mawala bigla ang mga ugat na nakapulupot saakin ay napaluhod ako.... kasabay ng lalaki na umuubo pa rin ng dugo. Pag angat ng aking mukha ay nakita ko ang isang miyembro ng Hikari na papunta sa lalaking kaharap ko. "Michi-san!" "Enough." Narinig ko ring paglapit nila mister Gerald saakin. Mabilis na umatake yung lalaking kasama ng leader ng Hikari ngunit agad na nasangga nila mister Gerald at mister Valentine ang pagtira sana saakin. Nagpalitan sila ng mga pag atake at kahit na dalawa na sila ni mister Gerald at mister Valentine ay nakakasabay pa rin yung lalaki sa galaw nila. "Shin. Let's go for now." Tawag sakaniya kaya siya nagtapon ng dalawang punyal sakanila mister Gerald atsaka nagpunta sa leader nila. Tulad ko'y tinulungan siyang makatayo ng kaniyang kasama atsaka kami naghiwalay. "I want to see my family." Aniko sakanila. Hindi na kami pumasok sa loob at hindi na ako nagpakita sakanila mama. Nandito lang kami sa labas at tinitignan sila. Nakita ko naman ang katawan ni ate sa sahig habang sila mama ay iyak ng iyak sakaniya. Napatakip ako ng aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. If being away from them can keep them away from danger, I'll do it. Ako lang naman ang naglalapit sakanila sa kapahamakan. Sa palagay ko'y ang alam ni mama ay patay na rin ako. Mas maigi na ito upang hindi na nila ako hanapin. Tinignan ko ang aking bunsong kapatid at mas napaluha sa kalagayan niya. Ang mga luha niya'y tuloy-tuloy sa pag agos ngunit nakatulala lamang siya — nakatitig lamang sa pader naming nawasak. Please Klair, be strong. Be strong, baby. Wag mong pababayaan si mama. Napatingin naman ako ulit sa wasak naming pader. Mister Gerald said that I have such an enormous power inside me that I can use to protect myself and my loved ones. But such enormous powers are nothing when the event has taken place before I arrive. Bago pa kami makarinig ng sasakyan ay pumasok na kami sa lagusan ni mister Valentine. Wala na akong lakas kaya't buhat-buhat na ako ni mister Gerald. Pagkarating namin sa kastilyo ay pinaalis na ni mister Gerald sila mister Valentine upang tumulong sa laban. Ang naiwan naman ay si Pat na alalang alala ang mukha habang nakatingin saakin. Naghanda sila ng mga kakailanganin at ginunting ang aking damit upang mailantad ang aking saksak. Kinuha nila ang isang kulay puting tela atsaka ipinantakip saaking dibdib. Hindi ko na alam kung anong nangyayari dahil parang inaantok na ako. Sa sobrang pagod ng katawan ko'y nawala na ang aking pakiramdam. "Don't close your eyes!" Wika ni Pat kaya ako nagmulat. "Don't let her close her eyes." Sabi ni mister Gerald habang seryoso sa pag tatahi ng aking saksak. Habang nakatitig sakanila ay may napagtanto ako. He's a father figure to me. It seems like he doesn't care at me but I feel that he really cares for me.... a lot. Ang akala ko dati ay ginagawa lang nila ito dahil may kailangan sila saakin — ang sabihin sakanila ang kahinaan ng prinsipe. Ngunit habang lumilipas ang panahon ay nararamdaman kong hindi ito dahil doon. At lahat ng mga bagay na hindi nagawa ng tunay kong ama ay sila ang nakakagawa. Katulad na lamang ng pagbisita nila saakin sa eskwelahan noon, pagkamusta saakin, at pag protekta saakin. "Katharine." Pagtawag nila saakin ng pumipikit na ang aking mga mata kaya ko ito naibuka. Nagumpisa naman na akong maghabol ng aking hininga. Para akong nalulunod. "Sir. What's happening to her?" Nag aalalang tanong ni Pat. "She's been poisoned when the roots are wrapped around her." Kalmado nilang wika ngunit seryoso pa rin sa pagtatahi saaking sugat. Pagkatapos nila ay inutusan nila si Pat na magturok saakin ng antidote kaya niya naman ito ginawa. "It's no use." "Try more. Sige pa." Utos nila kaya nanaman ako tinurukan. Nakailang turok pa sila saakin ngunit walang nangyayari. Hindi ko rin nararamdaman ang mga ginagawa nila saakin. "Her body is rejecting every antidote we give her. Her blood is not allowing outside treatment to enter her system." "Ano pong gagawin natin?" Tanong ni Pat. "Isa lang ang nasa isip ko." Anila. The prince. "The prince." Sabi nila kasabay ng aking isip. But how am I gonna ask him help for what I have done? It seems like he doesn't get benefit from me anymore. At dahil sinasabi na ng katawan kong pumikit ako'y sinunod ko na ito. Sinabi pa ni Pat na huwag akong pipikit ngunit pinigilan din siya ni mister Gerald. Ilang segundo ang lumipas at nakaramdam ako ng pwersa galing saaking saksak. Naramdaman ko ang parang likidong sobrang init na parang sobrang lamig na umaagos sa bawat ugat ko sa aking buong katawan. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ang gulat at takot na itsura ni Pat. Si mister Gerald naman ay seryosong nakatitig saakin. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang sobrang liit na insektong lumilipad, ang maliliit na butil ng tubig na sumasabay sa hangin, ang mga alikabok na kasama rin ng hangin, at ang duming nakadikit sa isang hibla ng balahibo ni Pat sa mukha. Kumurap ako ng ilang beses atsaka bumangon. Tinignan ko ang aking sugat ngunit tuluyan na itong gumaling. "How are you?" Tanong saakin ni mister Gerald samantalang si Pat ay hindi pa rin makapaniwala. "Great." Tugon ko. "Can you move now?" "Opo." Sagot ko ulit pagtayo ko. "Stay here. Kailangan mong magpagaling." Anila. "No. Gusto kong tumulong." Mabilis kong sagot. "No. You need to stay here, Katharine." "Sige na po. I want to protect my friends as well.... please." I pleaded. Hindi naman sila nagsalita at parang nagiisip pa. Nang wala talaga akong balak magpaiwan ay napilitan na lamang silang pumayag. "Let's go. Kailangan natin tulungan yung mga kasama natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD