CHAPTER 7
Lalo pa siyang natuwa nang may isa pang notification.
Galing kay Leigh. Ngunit kaakibat ng tuwa ay ang kaba at pag-aalala. Bakit ito nagmessage sa kanya? Sa anong dahilan?
Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang message ni Leigh.
“Kuya, pasensiya ka na kanina ha? Di ba, inaya mo ako kanina? Wala kasi akong makausap. Can we have a coffee instead?”
Nagulat si Klein sa message na iyon ni Leigh. Hindi niya alam ang isasagot niya. Patulog na din kasi siya at may pasok pa kinabukasan. Isa pa hindi naman din talaga siya mahilig magkape. Sa tingin niya ang kape sa labas ay para lang sa mga sosyal. Namamahalan siya sa presyo. Hindi naman sa kuripot lang talaga siya. Pinalaki siyang practical. Ngunit kung iyon lang ang paraan para mapalapit siya kay Leigh, hindi na siya dapat magpapatumpik-tumpik pa.
Mabilis niyang in-accept ang friend request nito saka siya sumagot.
“Okey lang ‘yon. Kape? Kailan at saan?”
“Ngayon na.” Mabilis ang dating ng reply. Mukhang online pa.
“Ngayon na agad?”
“Oo sana. Broken ako e. Pakiramdam ko naloko ako. Nauto.”
Tumingin siya sa kanyang orasan. “Gabi na kasi, hindi ba pwedeng bukas na lang?”
“Sige lang kuya. Kung ayaw mo, ayos lang naman. Gusto ko lang kasi magkape ngayon. Pwede ring mag-inom if ayaw mo ng kape.”
“Saan ba?” mabilis niyang reply. Gusto niya yung inom kaysa sa kape. Kapag inom baka may pag-asa pa siyang maka-score o kahit first base.
Ngunit wala na si Leigh. Mukhang hindi na online. Hindi na kasi green ang bilog sa tabi ng pangalan niya. Napakabilis namang sumuko sa pag-imbita?
“Leigh, nasaan ka na?”
Wala din kahit seen lang.
Nakaramdam siya ng panghihinayang. Nainis siya sa kaartehan niya. Sana kasi pumayag na siya agad-agad kanina pa. Iyon na ang matagal na niyang hinihintay na pagkakataon, pinakawalan pa niya.
“Saan ka ba? Papunta na ako.” Pagbabasakali niya.
Ngunit limang minuto na ang nakaraan ay wala pa rin itong reply.
Nabuntong-hininga na lang siya. Kanina lang ipinangako niya sa sariling pamilya na muna niya ang dapat ay priority niya. Ngunit nang minsan lang na nagmessage si Leigh, nawala na kaagad siya sa focus niya. Ganoon siya karupok pagdating sa taong matagal na niyang gusto. Ganoon siya nawawala sa sarili kapag ang pag-uusapan ay si Leigh na.
Nanlumo siya. Umasa kasi siya na iyon na ang simula ng pagiging close na nila ng babaeng nagpatibok sa kanyang puso. Pero nawala aagad. Pinaasa lang siya.
Binuksan na lang niya ang message ni Robert sa kanya. Natambakan na siya ng mga message nito.
“Salamat naman Klein at nagpapilit ka rin sa wakas.”
“Hoy, andiyan ka pa ba o tinulungan mo na ako.”
“Kaloka ka, bigla ka na lang nawawala.”
“Sige na nga, bye.”
Nang nabasa niya lahat iyon ay saka siya nagreply.
“Naghugas lang ako, ang ingay mo naman.”
“Alin ang hinugasan? Naku dapat kasi pinapatikim mo na ‘yan sa iba. Kung walang babae, pwede naman sa akin pagdating mo rito. May pinasukan na ba ‘yan o wala pa rin?”
“Kadiri ka talaga. Ano nga? Sabihin mo kung anong mga requirements. Susunod na talaga ako diyan.”
“Yes! Naku! You really made my day. Sa wakas, makakalipat na rin ako sa ibang bansa ne’to kapag nandito ka na.”
“Anong ibig mong sabihin na makakalipat ka na sa ibang bansa?”
“Kleine, I’ll be honest best, ikaw ang papalit sa akin sa trabaho ko rito, hindi ko ba nasabi ‘yon dati pa?”
“Magtataka ba ako kung nasabi mo na?”
“Hayan na nga, nasabi ko na.”
“Bakit naman hindi mo nasabi agad? Kung hindi ka pa nadulas, hindi ko pa malalaman? Haysss…”,
“Ah, so mega-suko ka agad gano’n? may pahaysss-haysss ka pang nalalaman.”
Hindi ako nag-reply. Napaisip. Hindi ko yata kayang mag-isang maiwan sa isang bansang hindi ko alam kung anong aking aasahan.
“Best, galit ka?”
Hanggang sa nakita na lang ni Kleine na tumatawag na si Robert. Akala yata nagalit si Kleine sa sinabi nitong aalis na kapag makuha na nito si Klein doon.
Sinagot ni Kleine.
“Besty ano? Galit agad?”
“Hindi naman. Nagulat lang ako.”
“Naku, keribels na ‘to no. Datung naman ang habol natin kaya super flylalu tayo.”
“Anong nangyari sa’yo diyan? Bakit mas naging bakla ka pa sa bakla ngayon? Anong meron ang Saudi at binago ka na yata?”
“E, kasi nga ako ang nililigawan dito ng arabo, akong binabayaran ate. Hindi ako ang nagbabayad sa lalaki.”
“Ate? Baliw ka ba? Bakla ba ako para tawagin mo akong ate, baliw.”
“Sorry! Nadala lang. Heto naman. Lahat kasi ng friends ko rito, bakla kaya hayon, damay damay na.”
“Hindi ba bawal diyan ang bakla?”
“Bawal kung mahuhuli ka.”
“Sa lagay na ‘yan hindi ka pa nahuhuli?”
“Eh, hindi naman ako nahuli nakikipag-s*x sa kapwa ko lalaki. Hindi naman ako nagbibihis babae. Hindi naman ako nagpapahaba ng buhok. Ang importante, marunong kang sumunod sa batas nila rito, ayos lang ‘yon. Napakaraming bakla rito at lahat ng bakla rito masasaya. Nadidiligan.”
“Ang sagwa mong kausap.”
“Kumana ka na kasing babae nag di ka pa-virgin. Kaloka ka. Wala ka pa rin pagbabago. Ang linis mo pa rin. Ano na? Tungkol ba sa pagiging bakla ko ang pag-uusapan natin? Gusto mo bang maging kagaya ko? Interesado?”
“Hindi ah! Hindi ba pwedeng curious lang?”
“Naku, palusot ka pa eh!”
“Anong palusot ka riyan. Alam mong hindi ako bakla ‘no. Huwag mo nga sinasanay ang sarili mo na kausapin akong ganyan. Na-miss ko yung dating kaibigan ko na Robert. Yung alam kong bakla pero mas matigas pa sa poste ng kuryente.”
“Lahat nagbabago, ikaw na lang ang hindi.”
“Okey, sabi mo eh!” Hindi na nakipagtalo si Klein. “Ano nga, iiwan mo talaga ako riyan?”
“Sorry, kailangan e.”
“Eto naman, huwag na nga lang akong tutuloy.”
“Utang na loob, huwag kang ganyan. Sige na best, please?”
“Pag-isipan ko. Bakit ka kasi lilipat at saan?”
“May offer ako sa Dubai, mas malaking sahod. Sandali ka lang naman dito sa Saudi eh, kahit tapusin mo lang dalawang taong kontrata mo. Then, flylalu ka na sa Dubai with me.”
“Ahh gagamitin mo akong pantapal muna riyan.”
“Pantapal? Gaga, yung sahod ko ngayon na iiwan ko at lahat ng benefits ko, ibibigay din sa’yo.”
“Gago hindi gaga.”
“Hayaan mo na nga ako. Bakla na ako okey. Malaki ang offer kaya huwag ka na kasing papilit.”
“Sus, magkano lang naman siguro ‘yan.”
“Aba nagsalita ang barya-barya ang sahod kahit pa Engineer ka sa Pinas.”
“Sige try to convince me.”
“Hindi ka na magsisimula sa pinakamaliit na sahod. Pinagtrabahuan kong pataasin ang sahod ko at ikaw ang makikinabang. Aarte pa?”
“Bakit magkano ba ang sahod?”
“8,700 Riyals, free accommodation, free transportation at 500 Riyals food allowance.”
“Magkano naman ang palitan?”
“Naglalaro sa 12 pesos to 13 pesos in 1 riyal”
Mabilis siyang nagcompute.
“Nasa 119,000 pesos? Talaga?”
“Yes. Aarte ka pa?”
“Monthly ‘yan?”
“Natural, ano ka sinuswerte na kinsenas ‘yan”
“I mean, iyan ang sasahurin ko buwan-buwan, malinis na ‘yan?”
“Kung idinagdag mo yung 500 na food allowance mo sa computation, iyon lang ang bawas. Kakain ka rin siyempre, bibili ng mga toiletries, pero bayad ng bahay, kuryente, tubig at kahit pamasahe dahil may sarili namang bus o company car ang kumpanya, lahat yun libre na.”
“Seryoso? Gano’n kalaki?”
“Ay hindi, naglolokohan lang tayo rito.”
“Talaga, alam ko naman lokohan lang ‘to e.”
“Patola ka gaga. So, ano aayusin mo na ang passport mo?”
“Meron na ako.”
“Picturan mo, send mo sa akin at ang diploma mo nang maayos na natin agad-agad.”
“Diploma sa College?”
“Diploma ng kinder, tanga.”
“Ay naku nawawala na ‘yon. Picture nong kinder, pwede?”
“Pinatulan? Ha ha ha! Basta email mo sa akin agad-agad para makuhaan ka ng visa, okey?”
“Sige na. Baka naririnig nina Mama at Papa. Hindi pa ako nagpaalam sa kanila. Alam mo naman ang bahay namin, kahit kaluskol lang dinig. Chat na lang tayo.”
“Okey. Sige, magchat ka.”
Ibiniba ni Robert ang tawag niya.
Nakangiting tinignan ni Klein ang messenger niya. Natatawa siya sa kaibigan. Nakatutuwa naman talaga ang mga bakla at hindi siya nakakaramdam ng pagkaalangan sa kanila.
Biglang nagpop up ang message ni Leigh. “Dito ako sa may BGC now, may kapehan rito at may malapit ring bar. I am alone. Kung gusto mo, pumunta, ayos lang. Kung hindi naman, ayos din lang, kuya. Sige kuya. Ingat.”
Mabilis siyang tumayo. Kumuha siyang jeans at t-shirt.
“Ano, send mo na agad ha?” si Robert. Panay pa rin ang message niyang nagpa-pop up din.
“Scan mo na lang pala para malinaw. Mga next month makakaalis ka na.”
Binasa niya lang ang mga iyon at sinagot lang ng, “OK!”
Message ni Leigh ang gusto niyang sagutin agad-agad.
“Papunta na ako. Hintayin mo na lang ako bro.” sagot niya kay Leigh.
Binuksan niya ang kanyang pitaka, may laman iyong tatlong libo. Sobra iyon ng sahod niya, ibinawas na kasi ang mga loans niya. Natigilan siya. May panggagamitan na siya sa perang iyon dahil mapuputulan na sila ng kuryente at wala na rin silang groceries pa. Umupo siya sa kama niya. Sandaling nag-isip.
“Paano ba ‘to?” tanong niya sa sarili. Ang hirap pala talaga kapag mahirap.