PAGDARAHOP

2618 Words
CHAPTER 6 “Ano kuya? Bakit hindi ka makasagot? Ikaw ‘to, hindi ba?” Tumingin siya sa screen ng cellphone ni Leigh. Tumango siya. “Ako nga.” Yung totoong f*******: niya ang nakikita niya sa screen ni Leigh at hindi ang poser account niyang si Culver. “Kilala mo rin pala akoeh?” “Sa kakulitan mo, hinanap ko lang kasi familiar ka e.” “Sabi ko naman sa’yo eh, hindi ka kasi naniniwala sa akin.” “Paanong hindi kita matandaan kuya, makulit ka rin kasi sa messenger, natawag ka pa. Kasingkulit mo lang in person pala.” Huminga si Klein ng malalim. Pagkakataon na niyang pumorma. “Friends in real?” Mabilis niyang inilahad muli ang kamay niya. “Sorry kuya. Marami na akong kaibigan. Sigo po, mauna na ako.” Hindi na naman tinanggap ni Leigh ang kanyang nakalahad na palad. “Uuwi ka na?” kunot ang noon a tanong ni Klein. “Oo. Wala na siguro yung hinihintay kong ka-meet ko. Sayang lang ang panahon kong maghintay sa hindi naman na darating.” “Gano’n ba? Tayo na lang kaya?” “Ano?” “I mean, tayo na lang magmiryenda. My treat.” “Sorry kuya. Hindi ako sumasama sa hindi ko kilala.” “Pero makipagkita ka sa ka-meet mo.” “Wala ka na ro’n.” “Sige. Kung ayaw mo, ingat na lang.” “Salamat, Kuya. Ingat ka rin.” Tumango si Leigh saka mabilis na lumabas sa Mall. Naiwan si Kleine sa Mall. Broken, culpable, alone and feeling undesirable. Tama lang na makaramdam siya no’n. Kun pwede lang sana magpasampal kay Leigh kanina ginawa na niya bilang kabayarang ng ginawa niyang katarantaduhan dahil lang sa kagustuhan niyang mapansin at makilala si Leigh. Hindi kailanman katanggap-tanggap ang ginawa niyang paggamit sa litrato ng iba. Nakasakit siya. Nakaabala sa buhay ng iba. Umuwi siyang dobleng sakit ang kanyang nararamdaman. Nakasakit na siya, hindi pa siya gusto ng kanyang gusto at walang posibilidad o kahit katiting na pag-asa na magugustuhan siya ng kanyang nagugustuhan. Ang hirap naman pala ng hindi gustuhin. Ang sakit nhg hindi ka gwapo kagaya ng gusto ng taong gusto mo. Bagsak ang kanyang mga balikat na pumasok sa kanilang bahay sa isang magulong iskwater. Magulo pa rin ang mga bata kahit gabi na. May mga nag-iinuman na pinapa-shot siya. Mga malalanding kapitbahay niya na hindi niya alam kung bakit gwapong-gwapo sila sa kanya eh hindi naman niya alam kung saang banda. Basta alam niya, pangit siya. Ito pa ang isa sa kanyang pinoproblema. Dalawang taon na siyang graduate at nagta-trabaho pero nasa iskwater pa rin siya. Hindi pa rin niya natutupad ang pangako niya sa kanyang mga magulang at kapatid. Hindi pa rin siya nagiging sa gusto niyang maging. “Ginabi ka ‘yata ‘nak,” pansin ng Mama niya nang pumasok siya. Nagmano muna siya sa may edad at nagme-maintenance nang mama niya dahil sa nagiging masakitin na rin kasi ito. “Overtime po, Mama,” pagsisinungaling niya. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghain na lang kita, anak?” “Huwag na ho, Ma. Magpahinga na lang ho kayo. Hindi naman ho ako gutom, Ma.” “Sige, anak. Ikaw ang bahala.” Huminga siya nang malalim. Napansin iyon ng Mama niya. “May problema ka ba anak?” “Wala ho, Ma.” “Hayaan mo lang anak, dadaan lang din ‘yan. Kung may problema ka, magugulat ka na lang nasolusyunan na pala.” Hindi na niya sinagot ang unsolicited advice ng Mama niya. Papasok na sana siya sa kwarto niya nang nakita niya ang Papa niya na naka-upo sa inutang niyang wheel chair nito. Hindi pa rin ito nakapagsasalita dahil nagte-theraphy pa pero batid niyang nakikita ng Papa niya ang paghihirap niyang itaguyod na ang kanilang pamilya. Ayaw niyang isipin nito na pabigat na ito sa kanya kaya pilit niyang pinasaya ang mukha. Baka kasi iniisip na ng mga magulang niya na nalulungkot siya at wala sa mood kasi nabibigatan na siya sa responsibilidad. Ayaw niyang iparamdam iyon sa kanila. Iyon ang pinahuli niyang gustong gawin. “Oh, andito pala si Papa, Mama eh!” Nilapitan niya ang Papa niya at nagmano. “Kumusta ‘Pa, nakakain ka na ba?” tanong niya sa Papa niya. Sumagot ito ngunit hindi niya maintindihan. Huminga siya ng malalim. “Magpalakas kayo, Pa? inom kayo laging gamot at kumain. Gagaling din kayo ano, Pa?” May isinenyas. Naintindihan niya. Tinatanong ng Papa niya kung okey lang siya. Pinasaya niya ang mukha at boses. “Okey lang ako Pa. Pagod lang sa dami ng trabaho kanina pero okey na okey ho ako.” Tumango ang Papa niya. Kinuha niya ang pumunas ng laway. Pinunasan niya ang tumutulong laway ng Papa niya.” “Sige po, magpapahinga na po ako.” Pinunasan na muna uli ang kabilang gilid ng bibig ng Papa niya. Muli kasing tumulo na naman ang laway saka siya pumasok sa kanyang kwarto. Hindi kasi niya natatagalan pang makita ang dati malakas at masayahin niyang Papa na nasa ganoong kalagayan. Napilitan kasi itong mag-early retirement dahil nga sa tinamaan siya ng heart attack. Dahil doon, nalubog na din siya sa utang. Isama pa ang dalawa niyang kapatid na nag-aaral na kailangan niyang suportahan. Iyon ang isa niyang iniisip na pasanin. Kung kulang pa sa kanila ang kanyang sinasahod, paano pa siya makababayad? Mababaon at mababaon lang sila lalo sa utang. Sayang namang naturingan siyang Engineer pero mahirap pa sila sa mga kapitbahay nilang nagtatambay at hindi niya alam kung anong pinagkakakitaan nila’t may pambili pang alak at sigarilyo. Samantalang siyang kumakayod na parang kalabaw, ni pang-softdrink, hirap pa. Ibinaba niya ang kanyang bag sa maliit na mesa. Nakita niya ang mga bayarin tulad ng kuryente, tubig at tuition ng kanyang dalawang nagsisipag-aral na mga kapatid. Sumisikip ang kanyang dibdib habang inisa-isa niyang tinitignan kung magkano. Hindi niya alam kung saan pa siya kukuha sa mga pambayad niya sa mga iyon. Sumasakit na ang kanyang ulo. Gusto na talaga niyang bumigay. Si Leigh na lamang ang nagbibigay sana sa kanya ng dahilan para ngumiti at lumaban sa buhay pero mukhang nganga. Naglaho na ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon. Ang dahilan ng kanyang ngiti kapag matutulog na at magigising kinabukasan. Kahit sana ang chat at text na lang ang libangan niya sa tuwing ganitong sinusuntok na siya ng kahirapan subalit wala talaga kahit katiting na pag-asa. Masakit man, mahirap man ang malayo ay mukhang kailangan na niyang tanggapin ang inaalok sa kanya ng kaibigan niya sa Saudi na trabaho bilang Civil Engineer. Wala nang mangyayari pa sa sinasahod niya rito sa Pilipinas. Wala na nga siyang mauutangan pa eh. Si Robert na lang ang kailangan niya ngayon. Si Robert ay kaibigan at kaklase niya na bakla. Kagaya niya, mahirap lang din dati ngunit nagsumikap. Hindi na siya magpapakalinis, nanligaw si Robert sa kanya noon ngunit hindi talaga kasi siya nagkakagusto sa kagaya niyang lalaki. Hindi siya pumapatol sa bakla. Kahit pa gaano kagwapo kung malalaman niyang may dugong berde ito, nawawalan kaagad siya ng interes makipagkaibigan. Nagtataka nga siya sa mga kakilala niyang ilang gwapong mahirap na kaklase kung paano nila nasisikmurang pumatol dahil lang sap era? Siya ang sabi nila noon sa kanya noong college siya, noong hindi pa siya nasusunog eh gwapo rin at malakas ang karisma. Ngayon hindi na niya iyon makita dahil sa pumayat na siya at umitim, pa ng husto. Dahil wala siyang naligawan noon, hindi niya alam ang pakiramdam ng may girlfriend. Ayaw kasi niyang masira ang kanyang pag-aaral. Hindi siya nagpadaig sa tukso. Kahit pa walang-wala na siya noon, hindi siya pumatol sa bakla sa ngalan ng pera. Kahit naman may mga gusto siyang ligawan, umiiwas siya. Kahit pa inaalukan siya ng pera noon ni Robert at iba pang bakla, hindi siya pumatol. Nirespeto siya ni Robert nang sinabi niyang hindi sila talo. Naging matalik silang magkaibigan. Naging kasangga niya ito noon sa mga mabibigat nilang Math and major subject. Dahil kay Robert, natutunan nyang irespeto ang mga bakla. Dahil sa pagiging magkaibigan nila ni Robert, natutunan niyang maging open sa lahat ng klase ng tao, tomboy, bakla, bisexual lalaki o babae ay kaya niyang pakisamahan. Wala sa pinag-aralan ang pagiging mabuting tao, nasa pagtanggap at pakikisama sa iba. Naupo muna siya sa gilid ng kanyang kama noon. Tinatanong niya lagi ang sarili kung handa na ba talaga siyang umalis? Kapag mag-reply kasi siya kay Robert, dapat sigurado na siya. Ibinagsak niya ang katawan niya sa kama. Sandaling tinimbang-timbang ang lahat. Kung di siya aalis, bukas makalawa, masasaid na siya at baka pati pangkain nila poproblemahin na niya. Kailangan na talaga niyang kumilos ngayon. Kailangan na niyang magdesisyon para sa kanyang buong pamilyang umaasa na lang sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone. Habang nakahiga, tinignan niya ang mga pictures ni Robert. Mukha naman itong masaya sa Saudi. Mukhang nakakaangat-angat na. Mabuti pa siya, malakas ang loob umalis agad noon. Pinipilit nga siyang sabay na silang umalis noon pero naniniwala siya na nasa sipag at tiyaga ang pag-unlad at hindi ang pagpunta sa ibang bansa. Kaga-graduate palang kasi nila nang nag-abroad na ito. Kaya madami na nga itong naipupundar. Nakakapamasyal na sa iba’t ibang bansa habang siya ni pagsakay sa eroplano, wala pa siyang karanasan. Sandali siyang napatulala sa profile niya. Wala na siyang maipost kasi wala naman bago kundi ang kanyang kahirapan. Dahil wala siyang magawa, binuksan niya ang messenger niya. Mabilis niyang hinanap ang last chat nil ani Robert. “Rob, sige na sunod na ako diyan. Anong kailangan kong ilakad na papers?” agad niyang reply sa sineen lang niyang chat ni Robert noong isang araw. Nakukulitan na kasi siya last time kaya hindi na muna niya sinagot. Pero ngayon siya na yung parang naghahabol. Baka kasi kapag umalis siya at nasa Saudi na, maghihilom ang sugat na likha ni Leigh. Dahil hindi pa agad ito nagreply ay nagpalit na muna siya ng pambahay. Bumaba siya. Nagtoothbrush at naghilamos. Sinilip niya ang mukha niya sa salamin. Hindi na nga talaga yung dating siya ang nakikita niya roon. Kaya siguro hindi siya magustuhan ni Leigh kahit pa ang ibang babae o kahit mga bakla hindi na siya papansinin. Mas mahalaga kasi ang pera kaysa sa panlabas niyang anyo. Aanhin naman ang kaguwapuhan kung kumakalam naman ang sikmura? Bakas pa rin naman ang kanyang gandang lalaki ngunit natabunan na nito ng kanyang impis na mukha, mahabang balbas at bigote, nangingitim na paligid at eyebag sa kanyang mga mata at ang tuyot niyang mga labi. Sa sobrang pagod sa paghahanap-buhay hindi na niya naisip pang magpagupit. Parang tumanda na agad siya ng sampung taon. “Kuya nakita mo yung mga bayarin na inilagay ko sa kwarto mo?” tanong ng kanyang kapatid na si Kyla. Si Kyla ang sumunod sa kanya. “Kakagulat ka naman. Kanina ka pa ba riyan?” Tumango ang kapatid niya.“Sorry kuya ha. Nagulat ba kita?” “Hindi naman sobrang gulat. Nagising lang yung inaantok kong dugo. Saka akala ko, nakakita lang akong pangit na multo. Ang pangit mo kasi.” Tumawa siya. “Kuya naman e.” bumunot ng malalim na hininga ang kapatid niya. “Oh, anong drama yan?” kunot ang noo niya. Gusto niya, magaan lang sana ang lahat kahit bigat na bigat na siya. “Paano kaya kung titigil na lang ako, Kuya?” “Titigil ka? Oh tapos?” “Wala po. Makabawas lang ako sa responsibilidad mo kuya.” “Sira ka ba? Di lalong walang mangyayari sa buhay natin kung hihinto ka. Paano yung nagastos natin sap ag-aaral mo kung bigla kang hihinto na lang.” “Naaawa na kasi ako sa’yo e.” “Bilang panganay responsibilidad ko ‘to.” Kumuha siya ng tubig sa ref. Nagsalin ng malamig na tubig sa baso. “Hindi kuya. Wala kang reponsibilidad na igapang kami kung tutuusin. Masyado ka lang mabait na kinakaya ang lahat. Tutal naman, First year college palang naman ako. Tulungan na muna kaya kita?” “Hindi ka titigil, Kyla” “Paano ang mga bayarin, Kuya?” “Ako nang bahala ro’n.” “Pwede naman akong magtrabaho na lang kuya, eh.” “Eh, di maghanap ka ng trabaho na pwede ka pa ring mag-aral. Kung gusto mo talagang makatulong sa akin, mag-aral kang mabuti. Kung gusto mo namang magtrabaho, kailangan mo pa ring mag-aral. Hindi ako papayag na ang pag-aaral mo ang magsa-suffer.” “Sige kuya. Salamat po.” Uminom siya ng tubig. Tumingin siya sa kapatid. “Tulog na ba si Papa at Mama?” “Kapapasok lang ho sa kuwarto namin.” “Kausapin ko na lang sila bukas.” “Bakit kuya?” “Aabroad na lang ako.” “Aabroad ka? Saan?” takang tanong ni Kyla. “Sa Palawan.” “Kuya naman e, saan nga.” “Sa Saudi.” “Akala ko ba ayaw mong mag-abroad? Sabi mo dati hinding-hindi ka aalis.” “Kailangan na e. Iba na ang buhay natin ngayong may sakit na si Papa. Baka sa susunod na araw susunugin o palalayasin na tayo rito. Hindi naman natin lupa ang kinatitirikan nitong bahay natin. Squatter pa rin tayo rito.” “Sabagay pero kaya mo ba do’n, Kuya?” “Kakayanin.” “Naku Kuya, mahirap do’n. Mag-isa ka lang ta’s anlayo pa.” “May abroad bang nandiyan lang sa labas ng bahay?” “Bwiset. Balita ko, ambabaho daw ng tao do’n e.” “Alam mo? Bakit lahat ba tayong Pilipino, mabango? Galing ka na ba do’n?” “Sabi lang nila.” “Sabi lang pala e. Hayaan mong magsabi sila. Saka ano pakialam ko sa mabahong tao do’n. Trabaho ko bang amuyin sila kapag nandoon na ako?” “Ewan ko sa’yo kuya. Nalulungkot na ako nagpapatawa ka pa.” “Aba, andrama mo ah. Wala pa nga akong passport may nalalaman kapang nalulungkot. If I know, ikaw ang unang magbubukas at maghahanap ng chocolate na ipadadala ko.” “Madami ba? Kuya ah alam mo na. Saka dapat size ng sapatos ko dala mo na agad.” “Tignan mo ‘to, may arte-arte pang nalalaman kanina pero mukhang swelas ng sapatos na nakaapak ng chocolate. Sige na, magbasa ka na.” “Sige kuya. Goodnight po.” “Good night. Patayin mo mga ilaw na di mo kailangan kasi wala tayong pambayad ng kuryente. Yang gagamitin mo lang na ilaw ang buksan mo.” “Okey po.” Pagpasok niya sa kuwarto ay nakita niya ay binuksan niya agad ang cellphone niya. Umaasang mag reply na si Robert pero wala pa rin. Binuksan niya ang Culver account niya para burahin na iyon nang tuluyan. “Poser! Manloloko ka! Magpakamatay ka na kaysa mang-uto ng ibang tao.” Message iyon ni Leigh. “Sorry. Ingat na lang lagi. Sana mapatawad mo ako,” reply niya. Kailangan na niyang i-delete nang tuluyan ang account niyang iyon. Tama na ang kahibangan. May pamilya siyang umaasa sa kanya. Kailangan niyang mag-focus na lang muna sa kanyang pamilya. Isantabi na muna niya ang kalandian dahil hindi naman talaga siya magugustuhan ng kaisa-isa niyang gusto. Tama nang napagbigyan niya ang kanyang sarili nang minsan. Nang nadelete na niya ang account ni Culver ay binuksan na niya agad ang kanyang official social media. Nakita niya sa notification ang reply ni Robert sa kanya. Natuwa siya. Ngunit lalo siyang natuwa nang may isa pang notification. Galing kay Leigh. Kinabahan siya. Bakit ito nagmessage sa kanya? Sa anong dahilan? Nanginginig ang mga kamay niyang binuksan ang message ni Leigh. Pakiramdam niya, naulanan siya ng limang baldeng pag-asa sa message ni Leigh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD