NERBIYOS

1507 Words
CHAPTER 4 Dahil wala nang lusot pa, kailangan na niyang magpakita kay Leigh . Dalawa ang iniisip at inaasahan niyang mangyari sa kaniya noon, ang magalit si Leigh sa ginawa niyang pagpapanggap o maintindihan siya at maging magkaibigan pa rin sila. Doon siya magsisimulang magpakatoo at manligaw kay Leigh kung ang huli ang mangyari. Kung yung una, masakit man, but that’s the way its is. Kailangan niyang tanggapin ang bunga ng panloloko ginawa niya, intentional or not, reasonable or invalid, the consequences might not be in his odds. Nang nasa Glorietta na siya kung saan sila magkikita ay nakaramdam na siya ng pagkakaba. Gusto na niyang umatras at sabihin na lang ang totoo sa chat o text pero pinipipigilan siya ng kagustuhan niyang makilala si Leigh in person. Nakakahiya man o nakatatakot pero ito naman talaga ang gusto niya. Paano niya tatanggapin ang kaparusan ng kanyang panloloko kung sakali. Ano kaya ang magiging reaction ni Leigh kung makita niyang hindi naman pala yung nasa picture na lalaki ang ka-chat, katext at katagpo niya? Hindi gwapo ang ka-chat niyang kinahuhumalingan na niya? Malayo kay Culver na kaklase niya na astig, gwapo, babaero, mayaman ngunit happy go lucky na binata. Siya ba? Ano lang siya? Ano ba ang kaya niyang ipagmalaki kung sa kulay pa lang ng balat wala na. Sinunog ng araw ang dati niyang kaputian. Tinuyot ng araw ang dati namang kinahuhumalingang kanyang kakaibang karisma. Napaaga pa yata ang dating niya sa tagpuan nila. Isa pa, mukhang hindi naman niya pinaghandaan ang pagkikitang iyon dahil wala naman talaga sa plano. Nakapang-field pa siya. Lumang steal toe shoes, copverall na orange at yellow na construction hardhart. Civil Engineer siya sa DPWH at assigned siya sa field kaya madalas siyang nakasuot ng ganoon. Dahil hindi naman siya regular at permanent employee ng gobyerno kaya kakarampot lang din ang sahod niya. Marami siyang mga reposinibilidad na inuuna. Maraming siyang pinagkakagastusan sa kanyang pamilya dahil siya lang ang nakapag-aral at nakapagtrabaho ngayon. Sa kanya lahat umaasa. Dahil wala pa si Leigh ay naglakad-lakad na muna siya baka lang mawala ang nararamdaman niyang kaba. Paikot-ikot siya. Napapatingin sa mga magagandang mga polo, pantalon ayt sapatos na pwede naman niyang pamalit para gumwapo konti pero wala talaga sa budget kaya mapapabuntong-hininga na lang niyang ibalik iyon. Muli siyang titingin sa labas. Papasok sa kasunod na shop pero lalabas na wala pa rin ang dalaga. Muli siyang titingin sa luma niyang relo saka siya tatambay sa labas. Makikipagkita kaya si Leigh? Kilala niya ang hitsura ni Leigh ngunit si Leigh paniguradong hindi kaya siya ang dapat kumilala. Kahit pa siguro magbungguan sila, hindi malalaman ni Leigh na siya pala si Klein na ka-chat niya. Sa senaryong iyon, siya ang dakilang impostor. Isa siyang ng dakilang poser, isang manloloko. Hanggang sa nakita na niya ang pagdating ni Leigh. Napalunok siya. Nanginginig. Nanlalamig. Alam naman niyang maganda, seksi at class manamit talaga si Leigh kaya nga niya ito nagustuhan e. Kaya siya baliw na baliw na makilala ito. Kahit alam niyang imposible ay gumawa pa rin siya ng paraan para maging posible ang kanyang munting pangarap. Hindi lang kasi tamang ganda lang ang nakikita niya, mahinhin gumalawa, puno ng karisma at artistahin ang dumating na Leigh. Paano siya ngayon lalapit at magpakilala? Paano niya makukuha ang atensiyon ng babae? Paano siya haharap ngayong lalong lumiit ang tingin niya sa kanyang sarili. Kung kailan abot-kamay na niya ang kanyang pangarap ay saka naman niya gustong mag-back-out na lang. Iniisip pa lang niya, nanghihina na siya. Bukod sa hindi siya bagay kay Leigh, siya pa itong nanloko. “Nasa’n ka? Dito na ako.” Text iyon ni Leigh. Noon na siya naalarma. Anong gagawin niya ngayon? Wala rito si Culver. Hindi siya si Culver. Hindi nga alam ni Culver na may gumagamit sa pictures niya eh. Walang kaalam-alam ang kaklase niyang ginagamit niya ngayon ito sa kalokohan. Paano niya haharapin ang kinatatakutan niyang multo? Nakita niyang umupo si Leigh. Palinga-linga. Palinga-linga. Kung totoo siya si Culver mamumukhaan niya agad ito ngunit wala ngang Culver. Walang darating na Culver kaya naman siya ngayon pinagpapawisan kahit napakalamig ng aircon sa loob ng Mall. Akala niya kanina madali lang ito. Lalapitan niya lang ang dalaga, magpakilala. Magtatapat siya. Manghihingi ng paumanhin pero bakit ganito? Bakit ang hirap hirap naman pala? “Reply ka naman oh, please? Nandito na ako e.” “On the way na po,” sagot niya kahit ayaw niya sanang paasahin pa ito. Nanginginig siya. sa buong buhay niya, ngayon lang siya manloko ng tao. Sa babaeng ayaw pa niya sanang saktan. Sa babaeng pinangarap niyang mapangasawa ngunit ano itong nangyayari? Lalo niyang sinisira ang kanyang chance. Nakita niyang ngumiti si Leigh habang nakatingin sa ccellphone niya. Inilagay pa nito ang cellphone niya. Halatang kinikilig. Banaag ang excitement nito sa mukha sa kanilang pagkikita. Hanggang sa nakikita na niyang nagta-type na ito ng reply at ilang sandali lang nakatanggap nan ga siya ng text. “Take your time po. Sabihin mo lang sa akin kung nasa’n ka na ha?” “Okey.” Maikli niyang reply. Ang okey na iyon ang pinakamatagal na niyang pinag-isipang sagot. Sana pala nagsabi na lang siya ng totoo. One text will change everything. That one peso text will still save their friendship. “Naka-gray akong jacket ako ha, white shirt at and fitted black jeans.” Text uli ni Leigh sa kanya. Hindi na siya nagreply pa. Bahala na, kailangan na niyang lumapit. Kailangan niya itong kausapin. Kung walang darating na Culver, at least, nandoon siya bilang pamalit. Gawan niya na lang ng paraan para mawili ito. Tama. He can be himself na lang. Hindi na niya kailangan pang magpanggap. Burahin na lang niya basta ang Culver pati ang profile nito. Lalapit siya bilang si Klein and that’s it. Ito na lang yung chance na makausap niya ito in person. Kukunin niya ang loob niya. Hindi siya maaring uuwing luhaan ngayon. Baka ito na lang ang natatanging chance para sa kanya at maaring hindi na mauulit pa. Naglalakad pa lang siya palapit nang nakita na niyang tumatawag na si Klein. Narinig pa ni Leigh ang tunog ng cellphone niya kaya ito napatingin sa kanya. Mabilis niyang inignore ang tawag at nang ibinaba ni Leigh ay saka siya lumayo at mabilis na pinatay na ang cellphone niya. Kumunot ang noo ni Leigh nang muli niyang tawagan ang number ni Klein. Umupo na siya. Tumabi siya kay Leigh sa pantatluhang bench. Hindi man lang ito tumingin o sumulyap sa kanya. Nagte-text lang ito. Hanggang sa muling tumingin sa paligid. Naghahanap. Nag-aabang. Nakaramdam siya ng awa. Kung ilulugar niya ang sarili kay Leigh, maiinis din siya at magagalit. Hindi nan ga biro itong kanyang ginawa. Nakakakonsensiya. Tinitigan niya si Leigh nang malapitan. Napakaganda nga nito. Malayuan man o malapitan gano’n pa rin ang dating nito. Ang kaibahan lang sa malapitan, mas amoy na niya ang kabanguhan nito, mas nakikita niya ang maputi at sobra ngang kakinisan ng balat at ang magandang kurba ng katawan nito. Parang ang sarap sarap halikan ang labi nitong mamula-mula na binabagayan ng matangos nitong ilong at malamlam at nangungusap na mga mata. Makapal ang maayos na kilay, ang kanyang hugis-pusong mukha mahahabang leeg at maitim na maalong buhok. Yung katawan nitong kung siguro maghuhubad paniguradong lalaban ng sabayan kay Nadine Lustre o kahit sinong sexy star. Biglang lumingon si Leigh sa kanya nang napansin siguro nito na titig na titig siya dito. Umirap p nga ito sa kanya na halatang naiinis. Pinag-ipunan niya ng lakas, pinagbuhusan ng kapal ng muha ang mabilis niyang pagngiti ngunit poker face lang ang mukha ng dala. Hindi ginantihan ni Leigh ang matamis niyang ngiti. Hindi niya nakuha ang atensiyon nito. Huminga siya nang malalim kasabay din ng dinig niyang pagbuntong-hininga ni Leigh. Bakas na sa mukha ng dalaga ang inis. Hindi na nito maitago sa lahat ang kanyang pagkairita. Muli itong tumawag. “Pucha nakapatay pa ang cellphone. Ano ba ‘to?” dinig niyang bulong ni Leigh. Nakakita na siya ng pagkakataong mangialam. “Ano po ‘yon?” sa basag at ipit na boses. Hindi naman ganoon ang boses niya. Oo hindi nakakaguwapo masyado dahil hindi ganoon kalalim at kabuo pero maayos. Normal na boses ng lalaki kahit hindi pang-Dj. Pero yung boses niya ngayon lang, boses k**i. Nakakahiya. Sablay na lang lahat. Pero sa taong kagaya niyang nag-aabang ng pagkakataon, kahit katiting pang dahilan, susunggaban niya iyon. Kumunot ang noo ni Leigh na tumingin sa kanya. “Wala po.” “Akala ko kasi may itatanong ka.” Ngumiti siya buo nang kumpiyansa sana pero di niya mapigilan ang panginginig ng pang-itaas niyang labi. Ninenerbiyos siya. Iyon siya kapag nakakaramdam ng tensiyon. Hindi na talaga siya ito. Parang walang narinig si Leigh. Patuloy lang ito sa pagtawag at pagtext. Bakas na talaga sa mukha nito ang pagkainis. Ano kayang gagawin ni Klein? Magpapakilala kaya siya? Aaminin niya kaya right there na siya ang poser ni Culver? Matatanggap naman kaya ito ng dalaga? Maayos pa kaya ni Klein ang kanyang pagkakamali?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD