CHAPTER 5
Sino ba naman ang hindi maiinis kapag hindi na darating at hindi pa makontak ang katatagpuin? Mabuti sana kung di siya umasa. Hindi lang siya basta nagsayang ng panahon at pamasahe, nag-expect siya na sa wakas makikita na niya ang gabi-gabi niyang pinagpupuyatan, ang lalaking gusto nitong maging kasintahan, ang lalaking kinahumalingan niya dahil sa sobra nitong kapogian. “Nasaan ka na ba Culver? Sumagot ka naman!” bulong ni Leigh sa sarili.
Tahimik siya nang nakaraan mga taon at buwan. Tamang post lang ng mga magaganda niyang picture sa f*******:. Tamang ignore sa mga hindi niya bet na nagpapalipad-hangin lang sa f*******: at tamang block sa f*******:. Hindi naman talaga siya naniniwala sag anito. Hindi niya inisip na pwedeng ma-develop kahit sa chat o text lang. Paano mo ba mamahalin ang isang lalaki na hindi mo pa nakikita o naamoy man lang? Pero kay Culver, nahulog siya. Para kasing Brazillian actor ang datingan. Parang Daniel Matsunaga ang mga pictures. Ang ganda ng katawan, ang gwapo ng mukha at kaninang narinig niya ang boses, ang laki. Lalaking-lalaki. Kaya siyang nahulog.
Nagpaganda siya, nag-ayos ng husto. Kahit kinakabahan sa meet-up, ginawa niya pero nakakaturn-off na siya pa na babae ang nauna sa meeting place at nakakainis hindi man lang siya sinasagot ni Culver sa tawag o text.
Katatapos lang niya ng kursong Nursing at naghihintay siya ng result ng kanyang exam. Kaluluwas lang niya sa Manila dahil dito siya magre-review. Lahat ng ginastos niya sa pag-aaral galing sa utang kaya hindi siya dapat mabigo. Hindi niya alam kung saan sila kukuha ng pamabayad sa mga bayarin nila kung hindi pa siya makahahanap ng trabaho at eto siya, naglalandi. Naghahanap ng sakit sa ulo. Inisip niya mali yatang nagtiwala siya sa agad. Mali yatang sumubok at sumugal siya. Engineer si Culver kaya baka naman ang lalaki na ang sasagot sa kanyang pangarap. Pangarap na makaahon sa hirap at ang makapag-asawa ng inhinyero.
Nasaan na ba ito? Bakit wala pang Culver na dumating? Nakakainis naman!
*************
Sa nakita ni Klein na kagaspangan ng ugali ni Leigh sa ibang tao ay parang gusto na niyang umalis na lang. Pero naintindihan niya. Namuhunan na siya ng pagmamahal at oras pati load at panahon. Kung walang load si Leigh. Siya ang nagpapadala. Kahit pangmiryenda niya na yung 50 pesos, pinapanload pa niya kay Leigh kasi naiintindihan niya, nasa Manila lang naman si Leigh para mag-review at maghanap ng trabaho. Siya sa kanilang dalawa ang may trabaho pero kung tutuusin, salat naman silang pareho. Muli niyang tinignan ang mangiyak-ngiyak ng dalaga. Nakaramdam siya ng pagkakonsensiya. Tama, nakokonseniya na siya sa ginagawa niyang pagpapaasa kay Leigh.
“Bakit, Miss? May hinihintay ka?” lakas-loob na tanong niya.
Kumunot ang noo ni Leigh. Hindi man ito sumagot, wala mang kahit anong namutawi ng labi nito pero basa niya sa mukha nito na waring sinasabing, “Anong pakialam mo? Kanina ka pa! Huwag kang epal!”
Bumunot siya ng malalim na hininga. Paano ba siya didiskarte kung may kasupladahan naman pala in person at hindi lang sa f*******:. Na-attract siya sa babae sa panlabas nitong anyo at hindi niya naisip ang ugali nito. Ang ugaling dapat aayon sa nakaganda rin dapat nitong panlabas na anyo.
“Wala na Miss. Baka hindi na ‘yon darating.” Muli niyang pagpaparinig. Gusto niyang sa kanya na mapunta ang atensiyon ni Leigh. Na siya na lang ang kausapin nito. Na kahit galit na ito sa panggagatong niya at mga sinasabi, ang mahalaga ay mapansin siya ng dalaga.
“Anong pinagsasabi mo, kuya? Kilala ba kita? Alam mo bang may hinihintay ako? Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas kasi andaming mga epal. Andaming kahit hindi concern, pinakikialaman. Sino ka ba?” mataray na sinabi ni Leigh.
Namula si Klein pero sige lang. Kailangan niyang panindigan. “Nagmamalasakit lang ako Miss. Inisip ko kasi na baka yung katatagpuin mo, baka kako hindi na talaga darating.”
“Eh, ano naman ngayon? Saka paano mo alam, Kuya?” sumisingkit na ang mga mat ani Leigh. Kapag ganoon, pikon na siya.
“Sinabi mo kasi kanina, nakapatay na ang cellphone?”
“Wow Kuya! Gano’n ka kapakialamero at napapansin mo ang lahat? Naririnig mo kahit pa ang mga pabulong kong sinasabi?”
“Miss, huwag kang magalit. Narinig ko lang naman. Kung pinatayan ka na ng cellphone, baka nga hindi ka na talaga sisiputin.”
“Kuya sandali ha? Panira ka eh! Hindi ba pwedeng nalowbat lang kaya hindi siya nakakareply? Saka sino ka ba? Nabubuwisit na ako sa pangingialam mo kuya ah!”
“Klein.” Inilahad niya ang kanyang kamay. “Ako si Klein.”
“I mean, Kuya sino ka sa tingin mo at nangingialam ka sa akin. Hindi ko tinatanong ang pangalan mo.”
“Kaibigan? Actually friends tayo sa social media, remember?”
Umiling si Leigh. “Wala akong planong makipagkilala sa’yo, Kuya. Hindi rin ibig sabihin na kung friends na tayo sa socmed e magkaibigan nan ga talaga tayo in person. Please lang, huwag kang epal.”
“Ouch. Sorry.” Sagot ni Klein. Namula siya. Napahiya.
Tumayo si Leigh at naglakad palayo sa kanya. Patuloy pa rin ito sa pagtawag. Kitang-kita niya kung paano lalo itong naging desperado sa pagtawag at pagtetext. Paikot-ikot. Pabalik balik. Hindi na mapakali. Kung sana kaya lang niyang gayahin si Culver. Kung sana ay may kapangyarihan lang siyang maging Culver kaya lang eto lang siya. Si Klein. Simple ang hitsurang lalaki. Hindi maskulado. Hindi ganoon kaguwapo kagaya ni Culver. Malabong mapapansin ng maganda at seksing kagaya ni Leigh.
Sa ginawa ni Leigh na pagpapahiya at paglayo sa kanya, isa lang ang talagang sigurado. Hindi ito interesado sa kanya. Hindi siya nito magugustuhan at masakit din sa kanya na ang taong matagal na niyang gusto ay walang kahit katiting na pag-asang magustuhan o kahit man lang sana mapansin siya. Walang-wala yung pagpapahiya ni Leigh sa nararamdaman niya ngayong sakit ng pagkabigo. Ganito pala ang pakiramdam ng unwanted, broken at rejected. Hindi ba sila pwede kahit sana kaibigan lang?
Halos isang oras na si Leigh doon. Bumili na din siya ng tubig at nakakain na ng shomai ngunit wala pa rin kahit text lang galing kay Culver.
Napansin din ni Klein na nakailang ikot na si Leigh sa loob ng Mall at sigurado si Klein na kahit pa tumira doon si Leigh, walang Culver na darating. Siya ang nandoon na willing kakausap dito ngunit hindi naman nito siya gusto. Madalas ngang magsalubong ang kanilang mga tingin at hindi maganda ang mga titig sa kanya ni Leigh. Titig na naiinis, titig ng taong naaalibadbaran. Mas lalong nagiging masama ang tingin sa kanya ni Leigh nang sinundan niya ito sa isang shop. Pumasok si Leigh para magsuot ng damit. Pinag-ipunan ni Klein iyon ng lakas ng loob. Desperado na kasi siya. Kung hindi niya makuha ang atensiyon nito sa paraang bait-baitan, baka pwede niyang daanin sa bastusan at inisan. Tinangka talaga niyag gustong pasukin si Leigh, sa cubicle na pinasukan nito. Sana hindi siya nag-lock. Sana sira ang lock. Gusto niya yung pasimple, yung hindi halata kaso badtrip, Naka-lock ang urinal. Masyadong safe. Tanging masamang tingin ang nakita niya sa mukha ni Leigh nang lumabas ito sa fitting room.
“Ba’t ka ba sunud ng sunod?” inis na tanong ni Leigh sa kanya.
“Ako, sinusundan ka? Hindi ah.”
“Hindi ah.” Ginaya nito ang tono niya. “Anong hindi ah e, pansin na pansin kita.”
“Bawal ba mag-fit ng damit?”
“Asan kuya ang ifi-fit mo? Yang blouse?”
Tinignan niya ang hawak niyang pink na off shoulder. Tang-ina! Mali nga pala siya ng dampot.
“Tingin ka pa ng tingin. Ano bang problema mo?”
“Wala. Friend nga kasi tayo sa facebook.” Pagpapalusot niya.
“Ano naman ngayon kung friend nga kita sa f*******:? Hindi ba sinabi ko? Wala akong pakialam.”
“Syempre may connection tayo.”
Inirapan lang siya ni Leigh saka ito mabilis na tumalikod.
“Suplada.” Pagpaparinig ni Klein.
“Anong sabi mo, Kuya?” mataas ang boses ni Leigh. Halatang inis na inis na.
“Wala po, Ma’am!”
“Wala ka diyan. Dinig kita, kuya! Wala kang pakialam kuya kung suplada ako. Hindi lang talaga ako interesado sa’yo kaya kung may balak kang magpapansin, huwag sa akin. Sa iba na lang!”
“Tingin mo ginagawa ko ito Miss kasi gusto kita?”
“Hindi ba? Obvious na obvious ka na po kuya pero ito lang sasabihin ko sa’yo! Manigas ka.” Malakas pa sa bulong na sagot niya.
“Nagpaparinig ka pa e, naririnig naman, Miss.”
“Hindi kita kilala kuya kaya hindi ko kailangan maging friendly sa akin kung friendly ka lang talaga. Kung suplada ako sa tingin mo, e di suplada na. Wala rin akong pakialam kung ano o sino ka.” Saka ito lumabas na parang wala lang.
Bumunot ng malalim na hininga si Klein. Bakit ba kasi gano’n. Lantaran na siyang hindi gusto ni Leigh pero bakit gano’n pa din katindi ang kanyang pagkakagusto. Bakit hindi man niya magawang maturn-off. Bakit hindi na lang din siya aalis at kalimutan na may future silang dalawa.
Habang nasa CR siya ay binuksan niya ang kanyang cellphone. Napakarami nang pumasok na text at lahat iyon galing kay Leigh.
“Nasa’n ka na? Bakit ba naka-off na ang cellphone mo?” Iyon ang unang text na pumasok.
Napailing siya. Huminga nang malalim. Kawawa naman.
“Culver, darating ka pa ba?”
“Sinong Culver ang darating e poser nga ang kausap mo, baliw.” Sagot ni Klein sa nabasang iyon na text ni Leigh.
“Nagugutom na ako, kain lang muna ako shomai at inom lang ako tubig ah habang inaantay kita. Kain na lang tayo uli pagdating mo.”
Napabuntong-hininga si Culver. Nagsasabi nga talaga ng totoo si Leigh. Text siguro nito kanina nang kumakain siya ng shomai na may pantulak na tubig.
“Traffic ba? Antagal mo e.”
“Anong traffic, nandito na ako, di mo lang ako gustong kausapin, tanga.”
“Ikot-ikot lang ako kasi may lalaki ditong tingin ng tingin. Text mo ako kapag nandito ka na please.”
“Ahh, talagang napansin mo nga talaga ako. Chinichismis mo pa.”
“Isang oras na ako dito, wala ka pa din. Sa’n ka na ba talaga?”
Anong karapatan niyang mainis sa ugali ni Leigh. Natural na mainit ang ulo nito dahil walang dumadating na Culver. Kung siya ang nasa kalagayan ni Leigh, paniguradong gano’n din ang mararamdaman niya. Gano’n din kainit ang ulo niya kaya pilit niyang inunawa ang kagaspangan ng ugali nito sa kanya lalo pa’t he is intruding his privacy sa pampublikong lugar.
“Magdadalawang oras na oh, wala ka pa rin. Hindi ba’t OA nang paghiintay iyon sa ibang babae pero ako, nandito pa rin. Dito lang ako ah. Wait kita.”
Naisip niya, sobrang tiyaga talaga ni Leigh. Kung iba ‘yan mahaba na yung tatlumpong minuto na gugulin sa paghihintay ngunit itong si Leigh, andon lang kahit wala nang kasiguraduhan na may darating pa.
“CR lang ako ha. Please, sabihan mo naman ako kung may mahihintay ba ako o wala na talaga.”
Bumunot siya ng malalim na hininga. Awang-awa na siya kay Leigh. Hindi niya na deserve pa itong ginagawa niya. Kailangan na niyang tapusin ang kahibangang ito. May nasasaktan na nga talaga siya. May pinapahirapan. Lalo pa’t hindi lokohan ang hinahanap ni Leigh, hindi pampalipas oras at libog. Halatang mahal at gustung-gusto nito si Culver at kung patatagalin niya ito, lalo lang niya ito masasaktan. Patuloy lang din niyang sasaktan ang sarili dahil sa guilt.
“Umuwi ka na, di na ako darating. Pasensiya ka na.” reply niya habang naglalakad siya palabas ng CR.
Hinanap niya si Leigh. Nakatayo lang ito. Binabasa nito ang reply niya.
“Bakit may nangyari ba?” reply ni Leigh.
Tumingin muna siya sa hitsura ni Leigh na parang nababahala bago siya muling nagreply. “Wala pero ayaw ko na.”
“Ayaw mo na? Anong ayaw mo na?” Umupo na ito na parang hapong-hapo.
“Tama na ‘to. Ayaw ko nang makipaglokohan pa.”
“Makipaglokohan. Sinong nakikipaglokohan? Seryoso ako sa’yo.”
“Hindi nga kita gusto.”Masakit para sa kanyang i-reply iyon ngunit sa pagkakataong iyon, alam niyang iyon ang nararapat niyang gawin. Naglakad siya palapit kay Leigh. Nakita niya ang pamumula ng mga mata nito. Nagbabadya ng pagluha. Lalo na tuloy siyang nakaramdam ng awa.
“Paanong hindi mo na ako gusto. Hindi pa nga tayo nagkikita o nagkakaharap in person e. Please naman huwag naman ganito.”
“Nakita na kita. Hindi kita gusto. Hindi mo din naman ako magugustuhan. Umuwi ka na lang.” Parang nadudurog ang puso niyang i-reply iyon.
“Ah so nakita mo na ako? Sana man lang lumapit ka at sinabi sa mukha ko na di mo talaga ako gusto.”
“Oo at hindi din ako totoo.”
“Paanong hindi ka totoo?
“Poser lang ako. Kaya tama na. Sorry.”
“Sabi ko na nga ba e. Tama ka nga lokohan na ‘to. Kakarmahin ka din kung sino ka man!”
“Pasensiya na. Ingat na lang.” napaluha siya. Iyon ang pinakaayaw ngunit pinakatama niyang dapat gawin. Ang tapusin na ang kahibangan niyang iyon.
“Okey. Bye. Salamat ha.” Iyon ang reply ni Leigh.
Tinignan niya si Leigh. Yumuko ito. Tumabi siya. Dinig niya ang sunud-sunod na pagbunot nito ng malalalim na hininga. Alam niyang lumuluha ito. Damn! Nasaktan niya si Leigh. Nasasaktan din naman siya ngunit ang pagkakaiba, batid niya at napaghandaan na niyang wala naman talaga itong patutunguhan at darating sa panahong matatapos sa ganito ang lahat ngunit si Leigh, hindi gano’n iyon. Umasa ito. Namuhunan ng mas matinding emosyon. Bumuo nang pangarap. Pinaghahawakan niya ang masasaya at matatamis nilang mga palitan ng messages.
Inilabas niya ang panyo niyang puti. “Heto oh.” Inabot niya ang panyo niya sa noon ay nakayuko pa ding si Leigh.
Tumingin ito sa kanya. Tigib ang luha sa mga mata nito. “Para saan ‘yan?”
“Para sa luha mo, malinis ‘yan?”
Hindi nito kinuha ang panyong ibinibigay niya.Pinunasan ni Leigh ang luha niya gamit ang sarili nitong panyo.
“Salamat na lang Kuya ha! Meron ako.” Ngumiti ito. Isang pilit na ngiti. “Sige, una na ako.” Tumayo na ito.
“Baka kailangan mo ng kausap. Dito lang ako, Miss.” pagpapahabol niya.
“Hindi kita kailangan. Pwede ba, tigilan mo ako. Hindi ako masama at bastos na tao pero yung ginagawa mong pangingilam hindi ko gusto.”
“Kilala nga kita.”
Binunot ni Leigh ang cellphone niya. Sandali itong tumingin doon. Halatang napapaisip.
Sumingkit ang mga mata.
Bakit ng aba hindi naisip ni Leigh iyon?
“Ikaw ‘to, hindi ba?"
Kinabahan si Klein. Ngayon siya natakot sa sarili niyang multo. Patay na. Nalaman na nito na siya ang poser. Siya ang nanloko sa kanya.