CHAPTER 15 Tinignan niya ang kanyang orasan. Gabi na din pala. Kailangan na niyang matulog. Napabuntong-hininga pa rin siya. Saudi lang naman ang sinabi ni Leigh na pupuntahan niya. Malay ba niya kung sa Al-khobar iyon, sa Dammam, Jeddah o iba pang malalayong syudad sa Riyadh? Isang taon na din siya sa Saudi Arabia nang na-unblock niya ito. Nagbakasakali siyang magpa-add uli at tinanggap naman nito. Madalas nakikita din naman niyang nagla-like ito sa mga post niya ngunit hindi sila nag-cha-chat. Ayaw na din naman niyang masaling pa ang sugat sa kanyang puso. Sapat na yung nakikita niya ang update sa buhay nito. Nagkatuluyan pa rin palani Culver. Sadyang sila siguro talaga ang itinadhana. Inayos na niya ang kanyang higaan. Binalot niya ang kanyang katawan ng comforter dahil sa lakas at