CHAPTER 16 Sa eroplano pa lang hindi na niya nagugustuhan ang lasa ng pagkaing inihain sa kanila. May kung anong spices na nahalo na nakakaduwal para sa kanya. Alam niyang isa iyon sa kailangang tanggapin ng kanyang sistema. Bago man sa kanyang panlasa at hindi niya man naggustuhan ngayon ang lasa ng mga pagkain ng Arabia, kailangan niyang sumabay. Kailangan niyang sanayin ang sarili. Paglabas niya ng airport, amoy na niya ang katotohanan. Iba nga talaga ang amoy ng mga ibang lahi niyang nakasabay. Hindi man lahat ngunit karamihan. Amoy na hindi tinatanggap ng kanyang ilong. Hindi man lahat ng pinoy ay mabango ngunit bihira lang siya maka-encounter sa Pilipinas ng may ganoong amoy. Yung sa kanila parang pinatapang na amoy-anghit talaga. Ramdam na din niya ang mainit-init na haplos ng han