HULOG NG LANGIT

2506 Words

CHAPTER 14 Nang natapos na sila ay walang sabi-sabing pumasok ito sa banyo dala ang kanyang backpack at mga damit. Mabilis niyang hinugasan ang kanyang sarili. Sinabon niya nang sinabon ang lahat ng bahagi ng katawan niyang nilawayan ng umangkin sa kanya. Ngunit alam niyang hindi na kaya pa ng sabon na linisin ang kanyang pagkatao. Hindi na nito mapabango ang bahaging ito ng kanyang buhay na siya niyang magiging nakaraan. Sa halagang limang-libo, ipinagpalit niya ang kanyang puri. Gusto niyang ipasok sa isip at puso na hindi siya babae para mag-inarte. Nangyari na ang nangyari. Nagpunas siya ng katawan. Muli niyang pinagmasdan ang kanyang kabuuan sa salamin. Kahit pa malinis siyang tignan ng ibang tao, kahit pa hindi siya pag-iispan ng mga nakakakilala sa kanya sa makamundo niyang ginawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD