SUSPETSA

1283 Words
CHAPTER 9 Tumungga lang si Klein ng alak. Ano nga bang sasabihin niya? Nakokonsensiya siya. Tinatamaan. Sa mga oras na iyon nga parang ginigisa na siya sa sarili niyang mantika. “Ilang gabi ring napuyat ako dahil sa walang patid na pagcha-chat namin. Hanggang sa naramdaman ko na lang na parang mahal ko na siya.” “Mahal mo na agad eh hindi pa nga kayo nagkikita.” “Bakit, hindi pa ba nangyari sa’yo yung gano’n?” “Posible naman,” maikli niyang sagot. Gusto niyang patotohanan ang bagay na iyon. Nangyari din naman sa kanya iyon sa babaeng kahjarap niya. Sa kanilang dalawa, siya ang unang nakaramdam iyon. Saka legit. Sa totoong tao at hind isa poser. Kay Leigh niya lang iyon naramdaman. Hindi lang naman simpleng pagkagusto na lang ang nararamdaman niya kay Leigh e, mahal na din niya ito hindi lang niya tuwirang masabi. “Di rin ako naniniwala dati na posible palang magmahal sa taong di mo pa nakikita at nahahawakan. Kaya bago lalalim pa ng husto ang pagmamahal ko sa kanya, tinawagan ko siya para magkita kami. Hindi ko man lang naisip na mag-cam to cam sana kami. Siguro kasi tiwala ako na siya nga iyon. Unang tawag ko di niya sinasagot, pangalawa hayon, sinagot din.” “Narinig mo naman ang boses?” bahala na pero kailangan niyang isalba ang sarili. Mahirap na baka iniisip pa ni Leigh na siya ang tumarantado sa kanya. “Nakausap ko, lalaki naman ang sumagot. Bruskong boses. Buo.” “Nakausap mo naman pala eh at alam mo na rin ang boses.” “Oo nakausap ko nga, maganda ang boses, buo na parang DJ sa FM radio, kaya nag-expect ako na gwapo rin talaga siya, hindi lang sa picture kundi pati sa personal.” “Wala ka naman napansing kakaiba?” “Parang meron na. Weird kasi. Pakiramam ko hindi siya ang sumasagot ng kusa? Parang may hinihintay siyang sasagot para sa kanya. Saka kung siya talaga, di ba dapat siya ang mag-insist na mag-cam to cam kami. Pero naiwas siya. Andami niyang dahilan.” Napalunok si Klein. “Paano mo naman nasabi na nagdadahilan lang siya.” “Nang una, di ko naman talaga napansin iyon. Ngayon, ngayon na lang nang nalaman kong poser pala siya. Bigla pang napatay ang cellphone niya na parang may umagaw nang nag-usap kami? Tapos nang magkita kami bigla na lang niyang pinatay.” “Hindi kaya siya naman talaga ‘yan pero may girlfriend na talagang iba?” Kailangan na niyang galingan ang pagpapanggap lalo na alam niyang nagdadalawang isip na ito. “Pwede,” tumungga si Leigh ng alak. “O pwede pinagtitripan lang din ako. Baka gusto lang talaga manloko ng tao. Baka obsess at iyon lang ang paraan niya para mapansin?” “Hindi naman siguro.” “Pwede rin talagang tama ako, hindi ba? Nakalimutan kong marami na nga palang poser ngayon. Mga taong hindi sila kuntento sa pagiging sila. Mga taong pangit na kailangan gumamit ng mukha ng mmga gwapong kakilala.” Matalino nga talaga si Leigh. Napalunok siya. “Kapag ka malaman ko na may nanti-trip lang sa akin, babangasin ko ang mukha no’n.” Kinabahan siya. Nakita niya sa mukha ni Leigh na hindi ito nanakot lang. Palabang babae si Leigh. Maganda at babaeng-babae pero mukhang palaban. Hindi siya dapat aamin. Ngayong wala na ang account ni Culver, wala na siyang magiging trace pa kung siya nga yun o hindi. “Hindi naman siguro, baka naman totoong siya talaga iyon pero may nangyari lang. Palagay ko may girlfriend lang ‘yan kaya di na nakapunta para siputin ka.” Tumungga ito ng tequila. Tumitig sa si Leigh kay Klein. Matagal. Tinging nagtatanong. Tinging nang-uusig. Bumunot ng malalim na hininga. “Alam mo bang ngayon lang ako natarantado? Ngayon lang ako nasaktan sa lalaki ta’s hindi ko alam kung sino talaga yung lalaking ‘yon. Paano ko siya kakausapin at sabhin sa kanya na huwag naman sanang ganito. Huwag niya akong gawing tanga. Huwag naman akong paasahin. Hindi naman ako tipo ng babaeng pinaglalaruan lang. Hindi porke nagmahal ako online ay pwede lang akong utuin saka hahayaan sa ere na parang wala lang.” Nahalata ni Klein na tinamaan na si Leigh sa iniinom nilang tequila. Yung pagbigkas niya ng kanyang mga salita, may ibang bigkas na. “Ang nakakainis pa, wala akong mga kaibigan dito sa Manila. Wala akong mapagsabihan. Yung mga kasama ko sa review, hindi ko ma-open kasi ipinagyabang ko na siya e. Alam na lahat nila na si Culver ang boyfriend ko. Ipinakita ko ang picture niya. Na dadalhin ko sa kanila at ipakikilala ko siya.” Sinaid ni Leigh ang laman ng kanyang shot glass. Kinuha niya ang malapit nang maubos na bote ng tequila. Mabilis siyang nagsalin. Naglagay ng ice at agad niya itong itinungga. Tahimik lang si Klein na nagmamasid. Nasasaktan siya. Sobrang nagi-guilty. “ Ewan ko ba kung bakit pinabayaan ko ang sarili kong mahulog sa kanya ng husto? Sinagot ko agad ang gago. Kasi siguro nagkaroon kami ng kakaibang koneksiyon? Hindi na lang yung kagwapuhan niya ang gusto kong makita e. Gusto ko rin masaksihan at maramdaman yung ganda ng ugali niya. Yung naramdaman kong pagkamalambing niya, yung ganda ng kalooban niya. Bihira na sa lalaki ngayon ang gano’n e.” Napalunok si Klein. Kung yung ugali niya ang nagustuhan ni Leigh at hindi yung kaguwapuhan lang ang nakikita niya, ibig sabihin may posibilidad na mamahalin siya nito. May pag-asa na maging sila. Ngunit paano? Paano niya ipararamdaman iyon kung halatang hindi naman siya type. “Mahal mo siya dahil sa kanyang magandang ugali na naramdaman mo sa pag-uusap ninyo?” “Tama. Iyon kasi yung lalong kinahulugan ng loob ko. Hindi siya makulit, hindi siya palatanong. Hindi seloso, hindi mapanghusga. Naiintindihan niya kung ano lang ang oras na kaya kong ibigay sa kanya. Pero kahit ganoon siya, may sarili siyang paraan para iparamdam yung pagke-care niya sa akin. May kakaiba siyang paraan para paalahanan niya ako. Iba yung sayang ibinibigay niya sa akin sa tuwing nag-uusap kami. May sense, may dating hindi yung puro pa-cute at payabang lang kagaya ng mga naging ex ko.” “Paano kung poser ang picture na ginamit pero totoo pala siya? Totoo lahat ang ugaling ipinakita. Totoo ang naramdaman sa’yo. Paano kung…” “Paano kung ikaw? Paano kung ikaw siya?” “Ano?” Tumawa si Leigh. “Huwag na tayong maglokohan dito. Nasa’n ang cellphone mo?” “Bakit?” “Nasaan nga ang cellphone mo?” tumaas na ang boses ni Leigh. “Personal ko ‘to.” “Kung hindi mo ilalabas, ikaw ang lalabas ditong basag ang mukha. Babae ako pero blackbelter ang kaharap mo. Mukha lang akong babae pero kaya kong mambasag ng mukha ng mga manloloko.” “Anong bang sinasabi mo?” umakyat na sa ulo niya ang lahat ng kanyang dugo. Napakalakas na ng kabog sa kanyang dibdib. “Kung di mo ako pinagluluko at kung wala kang kinalaman dito, nasaan ang cellphone mo?” “Iniisip mong ako ang nagpanggap na si Culver?” “Bakit hindi?” “Hindi talaga.” “Maniniwala ako sa’yo kung ilabas mo ang cellphone mo.” “Sandali.” Pinagpapawisan siya kahit malamig naman ang buga ng aircon at malakas pa ang ceiling fan. “Bilis.” Inilabas niya ngunit ayaw niyang ibigay agad. Marami pa sana siya gustong idelete muna na mga text. Biglang tumunog ang cellphone niya. Si Leigh ang tumatawag. Nakatingin sa kanya si Leigh. Tinging puno ng galit. Tinging parang handang pumatay. Napako siya sa kanyang upuan. Hindi na niya alam kung paano niya itatago ang nilikha niyang multo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD