CHAPTER 13 “Ma’am, pasensiya na talaga hindi ko ho kaya kasi ang mga pinagagawa ninyo sa akin.” Pakiusap niya. Baka madaan pa niya ito sa magandang pakiusap. Naisip niya ang mangyayari sa pamilya niya kung makagawa siya ng hindi maganda sa ibang tao. Dalawa lang ang mangyayari, mapatay niya yung matandan kapag magpilit o kaya malaking iskandalo kapag i-reklamo siya ng matanda. Kung may mangyaring masama sa kanya, sino na lang ang magtatrabaho para sa pamilya niyang umaasa sa kanya? Laking kahihiyan din kung sa ganoong lugar siya matatagpuan kung sakaling makapatay o mapatay siya. Bumunot siya ng malalim na hininga. Kailangan niyang maging kalmado na muna. “Kaya nga nag-uusap pa muna tayo, hindi yung bigla ka lang aatras. Kumuha na akong kwarto oh, ta’s aalis ka ng gano’n lang?” “Friends