Chapter 2

1189 Words
NATHAN: ILANG araw din akong nagkukulong sa condo ko. Wala akong pinapapasok na kahit sino. Hindi ko rin sinasagot ang salitang tawag sa akin mapasa-opisina man o ang mga kaibigan ko. Nagkalat na nga ang mga bote ng alak na pinag-inuman ko at ubos na rin ang stock kong liquor dito sa unit. Napalingon ako sa pinto nang sunod-sunod na naman ang pagtunog ng doorbell. Nakahilata lang ako dito sa sofa sa sala at walang planong pagbuksan kung sino man ang nasa labas na nangungulit na naman. Pero maya-maya pa'y bumukas iyon at iniluwal ang magaling kong ama na napakadilim ng mukha! Hindi ko ito pinansin at pumikit na lamang. Ramdam ko na nga ang pangingig ng katawan ko sa ilang araw kong walang kain kundi alak lang ang pinapaloob. "What do you think you're doing, Nathan!?" bulyaw nito na pinagsisipa pa ang mga nagkalat na bote sa sahig. Hindi ako nagpatinag. Hindi ko ito pinansin. "C'mon, Nathan! Wake-up, young man! Hindi lang ikaw ang nawalan!" asik pa nito na pwersahan akong pinaupo. "Leave me alone, before I'll forget that you're my father," kalmadong pagtataboy ko pero bigla na lamang ako nitong sinapak na ikinaikot ng paningin ko! "Are you awake now, huh!?" Sinamaan ko ito ng tingin na napahawak sa panga ko. Nalasaan ko pa ang kalawang sa gilid ng bibig ko, tanda na dumugo ang labi ko. Napakadilim pa rin ng aura nito na kitang galit na galit. Siya pa talaga ang may ganang magalit sa aming dalawa? "Leave me alone!!" hindi ko na napigilang sigawan ito sabay duro sa pinto. Nagpantig ang panga nito na hiniklat ako sa kwelyo ng polo kong pabalang itinayo. "Leave you alone?" sarkastikong tanong nito na pinasadaan ang kabuoan ko. Ni hindi ko na nagawang magbihis. Ito pa rin ang suot-suot ko noong libing ni Mommy. Natuyo na nga ito sa katawan ko dala ng pagpapakabasa ko sa ulan. Sabog-sabog ang buhok at tumubo na ang balbas. "Look at yourself, Nathan, halos hindi ko na makita ang anak ko sa itsura mo!" bulyaw pa nito at pabalang itinulak akong napa-upong muli ng sofa. Napasapo ito sa noo na salubong na naman ang kilay. Nanatiling emotionless ang mga mata kong nakatitig lang dito. Napapailing itong napaupo sa tabi kong itinukod ang mga siko sa hita na sapo ang ulo. "I'm sorry, son. Nag-aalala na ako sa pinaggagawa mo sa sarili mo. Naiintindihan kong nagdadalamhati ka pa pero. . . hwag mo namang unti-unting pinapatay ang sarili mo," mahinahong saad nito. Pabagsak akong nahigang muli na idinantay ang braso sa mga mata para pigilin ang pagpatak ng luha ko. "I just wanna be alone, Dad," mahinang sambit ko na basag ang boses. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Sunod-sunod naman itong napapahinga ng malalim. Maya pa'y tinapik ako sa braso. "Kung gano'n hwag mong pabayaan ang sarili mo, Nathan. Maraming tao ang umaasa sa kumpanyang pinapatakbo mo. Hwag mo ring. . . solohin ang sakit, anak. Nandito ako, ang mga kaibigan. Marami kaming nagmamahal at handang damayan ka sa mga oras na 'to, Nathan." Hindi ako umimik at tahimik lang na umiyak. Sobrang bigat ng dibdib kong parang may batong nakadagan dito. At matatanggal lang iyon kapag nakapaghiganti na ako dito sa pamamagitan ng kabit nitong dahilan ng pagkawala ni Mommy. Kahit gustong-gusto ko na siyang kumprontahin ay mahigpit kong pinipigilan ang sarili dahil gusto kong malaman kung sino ang babae nito. Marahil ay wala pa itong ideya na may alam na ako sa pinaggagawa nito kaya naatake si Mommy. ISANG buwan din akong nagmumukmok sa unit ko. Salitan naman akong dinadalaw ni Daddy at ang dalawang kaibigan ko. Kailangan ko na ring harapin ang katotohanan. Hindi pwedeng habang buhay akong magkukulong sa lungga ko dahil nakakatiyak akong nagdidiwang na ang kabit ni Daddy na naso-solo nito ang ama ko. Kung inaakala ng babaeng 'yon na magiging buhay reyna na siya ngayong wala na ang Mommy ko ay nagkakamali siya. Gan'tong laro pala ang gusto niya. Pwes, ibibigay ko. Hindi ako makakapayag na may mapunta sa kanya kahit kusing sa perang pinaghirapan ng mga magulang ko lalo na ni Mommy. Matapos kong ayusin ang sarili ko at makapagbihis ng pang-opisina ay lumabas na ako ng unit. Kailangan ko na ring kumustahin ang kumpanya. Kahit naman mapagkakatiwalaan ang mga tao namin sa Pharmaceutical ay mainam pa rin na nakatutok ako dito kaysa pinapadala lang ng secretary ko ang mga ganap doon. Paglabas ko ng building ay natanawan ko pa ang pamilyar na kotseng dumaan sa harapan kong ikinakunotnoo ko. "Dad?" Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Namalayan ko na lamang ang sarili na sinusundan na pala ito. Lalong nagsalubong ang kilay ko na ibang daan ang tinatahak nito at palabas na ng syudad! Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at nagtagis ang panga! Kung ganon ay nakikipagkita pa rin siya sa babae niya kahit kalilibing pa lang kay Mommy. Hindi ko namalayang nakarating na kami ng Batangas? "So, dito nakatira ang babae mo," pagkausap ko sa kotseng nasa harapan ko. Pagak akong natawa nang tumigil ito sa isang pampublikong pamilihan. "What the fvck, old man, ipagpapalit mo talaga ang high class na babae sa isang tindera sa palengke!" Napapailing kong bulalas na hindi alam kung matatawa ba ako sa nalaman o maaawa dito na pinapaikot lang ng isang tindera. Pagkababa nito ay bumaba na rin akong pasimpleng nakasunod dito. Siksikan pa ang mga tao at masikip dito sa pinasukan nito kaya 'di ko maiwasang mapatakip ng palad sa bibig at ilong sa mga samo't-saring amoy na nalalanghap sa paligid! Nagtungo ito sa section ng mga gulayan kaya sinundan ko pa rin at tutok na tutok sa likuran nito. Mahirap nang malingat ako at mawala ito sa paningin ko. Natigilan ako na makita itong pumasok sa isang stall at may dalaga doon na nagbabantay. Humalik din ito sa pisngi ni daddy na bahagyang yumakap. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko masyadong makita ang itsura ng babae dahil medyo malayo ako sa pwesto nila. Pero kita ko namang bata pa ito at baka nga mas matanda pa ako dito fvck! Hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkamuhi sa amang iniidolo at lubos kong iginagalang na naaatim nitong sipingan ang isang dalaga na parang anak na niya kung tutuusin. Marami naman d'yang iba. Mga kaedaran niya. Pero bakit sa isang simpleng dalaga ito nakiapid? Naniningkit ang mga mata kong matalim silang tinititigan. Napakama-asikaso nito na ginawan pa ng juice si Daddy na napakalapad ng ngiti dito. Nagngingitngit ang loob ko at gustong-gusto ko na silang sugurin pero mahigpit kong pinipigilan ang sariling makagawa ng eskandalo lalo na't marami-raming tao dito sa palengke. Palihim ko silang kinunan ng picture na kuha maging ang pangalan ng stall nila bago tumalikod. Hindi ko masikmura ang nakikita ko. Nandidiri ako sa ama ko at unti-unti na ring nabubura ang paghanga at respeto ko sa kanya bilang tao at bilang. . .ama ko. "Get ready yourself, young lady. Ito na ang simula ng buhay mong magkakaroon ng iyong dalawang. . . sugar Daddy. Tignan natin, Dad. Kung mas magaling ba sa babae ang isang Jonathan Sr. Sa kanyang Jonathan Jr."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD