PROLOGUE:
"Take off your clothes," maawtoridad nitong saad na ikinaawang ng labi ko.
"A-ano? Nahihibang ka na nga. Sinabi ko na sayo, hindi ako kabit ng ama mo!" bulyaw kong ikinatagis ng panga nito.
"Oh really?" sarkastikong tanong nito.
May ngisi sa mga labing isa-isang hinubad ang saplot na ikinalunok ko.
"Proves yourself, baby, kung birhen ka ngang makukuha ko? Mag-so-sorry ako sa'yo at aaminin ang pagkakamali ko," saad pa nito.
Kuyom ang kamaong isa-isa kong kinalas ang mga butones ng dress ko. Nanlilisik ang mga matang nakatitig dito at walang kakurap-kurap na inihulog padausdos sa paanan ko ang dress kong ikinalantad ng katawan kong tanging kapirasong tela na lang ang natitirang nakatakip sa aking kaselanan.
"Go ahead. Own me, Mr Jonathan Parker Jr. Kung dito ko mapapatunayan sayong malinis ang kunsensya at pagkatao ko? Go. s*x with me," walang emosyong saad kong sinunggaban ang mga labi nitong ikinakapit nito sa baywang ko.
Tumulo ang luha sa aking mga mata na napapikit nang dahan-dahan nitong ibinuka ang bibig at tinugon ang mga labi ko.
*******
NATHAN:
NAPANGITI akong bumaba ng kotse at pumasok ng mansion dala ang isang bouquet ng red tulips na para kay Mommy dahil alam ko namang wedding anniversary nila ngayon ni Daddy.
Pero unti-unting napalis ang ngiti ko pagkatapat sa kanilang silid. Dinig ko ang pagkabasag ng mga gamit kaya may pagmamadali akong sumilip sa nakasiwang na pinto ng silid nila ni Daddy!
"No! Hindi ako makakapayag, Nathan! C'mon, honey. Tatlong dekada na ang relasyon natin. Dahil lang sa lintek na tinderang 'yon sa palengke ipagpapalit mo na ako? Kami ng anak mo? Nathan, naman. Napakalaking eskandalo sa pamilya Parker 'to!"
Nangunotnoo ako sa pagsisisigaw ni Mommy.
Hindi ko man naabutan ang simula ng komprontasyon nila pero malinaw sa isip kong. . . nakikipag hiwalay si Daddy para sa ibang babae! Napakuyom ako ng kamao na nagpapantig ang panga.
"Nathan, maawa ka naman sa akin. Sa amin ng anak mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga ka-amiga ko at mga kaibigan ng anak mo? Fine. Hahayaan kitang bisitahin ang babaeng 'yon pero. . .hindi ako papayag ipawalang bisa mo ang kasal natin para malaya mong makasama ang babaeng 'yon," humihikbing saad ni Mommy sa nangungusap na tono.
Lalong nagngitngit ang loob ko na marinig umiiyak si Mommy at nagmamakaawa. Na handang magpaka-martir 'wag lang iwan ni Daddy.
Malalaki ang hakbang kong nilisan ang silid nila at basta na lang inihagis sa kung saan ang dala kong bouquet para kay Mommy. Sa araw pa talaga ng anniversary nila makikipag hiwalay si Daddy sa kanya!?
Sino ba ang kabit nito at maaatim nitong hiwalayan ang ina ko? Malalagot sa akin kung sino man ang babaeng kabit nitong nangdudurog sa ina ko. Ako mismo ang dudurog sa kanya pabalik sa pananakit nito kay Mommy at pang-aagaw kay Daddy. Pera lang naman ang katapat ng mga ganyang babae. Mahilig makiapid sa mga lalakeng pamilyado na.
Mahigpit akong napakapit sa manibela at pinaharurot palabas ang sportscar ko. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakita ko sa side view mirror kong lumabas ang kotse ni Daddy kaya napakubli ako sa may kanto.
Paniguradong pupuntahan nito ang kabit nito. Iniwanan niya talaga si Mommy. Naniningkit ang mga mata ko na nagtatagis ang panga nang dumaan na ito sa gawi kong hindi napansin ang kotse ko.
Nang makalayo-layo na ito ay saka ko siya sinundan. Kailangan kong malaman kung sino ang babaeng ipinalit nito kay Mommy na handang hiwalayan ang ina ko para lamang sa kabit nito. Fvck!
Sino ba ang babaeng 'to at magagawa niyang sirain ang magandang imahe ng pamilya Parker? Hindi niya manlang iniisip ang maaaring kahihinatnan ng pakikipag hiwalay nito kay Mommy gayong alam ng lahat na maayos, masaya at puno ng pagmamahalan ang relasyon nila dahil ganon naman talaga sila sa public man o private ay napaka-clingy nilang dalawang animo'y mga teenagers na bago ang relasyon.
Napapailing na lamang akong pagak na natawa sa mga nangyayari. Isang kilalang taong may malinis na imahe sa publiko. May lihim palang tinatago sa likod ng matulungin at masayahin niyang pagkatao. What a great news headlines!
Napabalik ang diwa ko sa pag-vibrate ng phone kong nasa bulsa ko. Nangunotnoo ako na makitang numero ito sa mansion kaya agad kong sinagot.
"Hello?"
"Señorito! Umuwi na po kayo, ang Mama niyo po!"
Natigilan ako sa bungad sa akin ng katulong sa kabilang linya at agad napa-u-turn pabalik ng mansion!
"Manang, bakit!?"
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa kaalamang may masamang nangyari kay Mommy at malamang ay dahil ito sa pagtatalo nila kanina ni Daddy!
"Señorito, sa hospital niyo na po kayo tumuloy nasa daan na po sila, Danilo!" natatarantang saad nitong ikinalunok ko.
Napahila ako sa necktie ko dahil para akong sinasakal sa mga oras na 'to!
"Sige, Manang. Salamat."
Binilisan ko pa ang pagmamaneho para makarating agad sa hospital namin.
Shit! Dahil sa dalawang 'yon ay may nangyaring masama sa Mommy ko! Malalagot talaga sa mga kamay ko kung sino man ang kabit ni Daddy. I swear. Hindi ko ito sasantuhin kahit na ba babae ito!
PATAKBO akong pumasok ng hospital namin at tumuloy sa ER! Nagsisiyukuan pa sa akin ang mga staff naming hindi ko na pinansin pa.
"Mom!? Doc! How is she!?" bungad ko pagpasok ng ER na nire-revive si Mommy!
Kaagad akong hinarang ng kaibigan kong si Sherwin na isang doctor.
"Bro, let them do their job," anito na niyakap ako para pigilan sa paglapit kay Mommy.
Napakuyom ako ng kamao at ramdam ang pag-iinit ng mga mata ko.
"This can't be. C'mon, Mom."
Nanginginig ang boses kong pagkausap dito na nangingilid na ang luha ko dahil hindi ito nagre-respond sa pangri-revive nila.
"Fight for me, Mom, nandito pa ako."
Hindi ko na napigilang mapahagulhol sa takot na lumulukob ngayon sa pagkatao ko.
Niyakap naman ako ni Sherwin na makitang hindi na nga nagre-respond si mommy. Napailing-iling akong nakasubsob sa balikat ng kaibigan ko. Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga staff na ang kilalang matigas at straight na lalakeng tulad ko ay marunong din palang umiyak. Umiyak na parang batang inagawan ng laruan.
Nanghihina ang mga tuhod ko kaya nakaalalay lang sa akin si Sherwin na hinahagod ako sa likod at tahimik na umiiyak.
"Sir Parker."
Nagpahid ako ng luha at uhog nang lumapit na ang doctor na siyang umaasikaso kay Mommy.
Tuluyang bumagsak ang balikat ko nang malungkot ang mga mata nitong napailing na muli kong ikinahagulhol at sapo sa noo. Muli din naman akong kinabig ni Sherwin. Tahimik ang lahat na nakikisimpatya sa pagdadalamhati ko ngayon sa biglaang pagkawala ng pinakamamahal kong babae sa tanang buhay ko. Ang aking ina.
DEAD on arrival na idineklara ng doctor si Mommy. Hindi kinaya ng puso nito ang tuluyang pakikipaghiwalay sa kanya ni Daddy na naging sanhi ng pagkaka-heart-attack nito. Hindi ko mapigilang magtanim ng galit sa ama ko at sa kabit nitong dahilan kaya wala na ngayon ang Mommy ko. Hindi ako makakapayag na magiging masaya silang dalawa ng kabit niya matapos mamatay ang Mommy ko dahil sa kagagawan nila.
"Condolence, dude."
Tango lang ang naisasagot ko habang nakaupo dito sa harapan kung saan nakahimlay si Mommy.
Tatlong araw lang namin itong ipinagluksa dahil lalo lang akong nadudurog na nakikita itong nakasilid na sa isang parihabang kahon na magiging tahanan ng kanyang katawang lupa. Hanggang ngayo'y para pa rin akong binabangungot sa pagkawala nito. Hindi matanggap ng utak ko ang mga nangyayari lalo na sa puso ko sa biglaang pagkawala nito.
Tahimik lang din si Daddy pero bakas ang lungkot at guilt sa mukha nitong wala na ang asawa. Nagpapanggap lang ba siyang nagdadalamhati din? Dahil ang totoo ay nagdidiwang na ito sa loob-loob dahil hindi na niya kailangan pang hiwalayan si Mommy para sa babae niya.
NAGPAIWAN ako dito sa cemetery dahil hindi ko pa kayang iwanang mag-isa dito si Mommy. Tahimik naman ang mga bisita at mga kaibigan kong nagpaalam sa akin. Nanatili lang akong nakaupo sa gilid ng nitchu ni mommy at hawak pa rin ang isang puting tulips.
Paborito kasi nito ang mga tulips kaya 'yon lahi ang binibili kong bulaklak para sa kanya.
Nakahiwalay ako ng tahanan dahil nasa tamang edad naman na ako para bumukod. Isa pa ay ako na ang namamahala sa Parker's Pharmaceutical Company namin dahil si daddy naman ang namamahala sa Parker's General Hospital namin.
Pareho silang doctor ni Mommy, pero si Mommy ay ob gyn doctor habang si daddy ay surgeon. Kaya nga hindi na rin ako umangal nang hilingin sa akin ni Mommy na mag-medisina ako katulad ng kinuha nito. Labag man sa loob kong maging ob gyn doctor ay sinang-ayunan ko na lamang dahil kita ko naman kung gaano siya kasaya na pinagbigyan ko ang hiling niya.
Mag-isa lang din akong anak kaya sobrang hirap sa gantong sitwasyon dahil pakiramdam ko'y mag-isa lang ako sa pagdadalamhati sa pagkawala ni Mommy. Imposible naman kasing nagdadalamhati din si daddy na nawala na ang asawa. Malamang ay nagdidiwang pa ito na widow na ang status at mapapanatili ang malinis niyang imahe sa publiko kahit na lumantad na sila ng kabit niya kung sino man ang babaeng 'yon.
"Son, let's go?" untag ni Daddy na tinapik ako sa balikat.
Nagbabadya na rin kasi ang malakas na ulan at nagdidilim na ang kalangitan.
"Leave me alone" mahinang sagot ko.
Napabuntong hininga naman ito na tumabi sa akin. Hindi ko kasi ito iniimikan magmula sa nang mamatay si mommy. Dumating naman ito noon sa hospital at inabutan ako sa morgue. Pero sa loob ng tatlong araw ay ni hindi ko ito sinusulyapan.
Mabibilang lang din ang salitang lumalabas sa bibig ko kapag kinakausap ako maging ng mga kaibigan kong si Sherwin na isa ring doctor pero surgeon ito at si Nadech na isang lawyer. Magkakaedad lang kaming tatlo sa edad na bentesingko at magkakaibigan na mula pagkabata kaya kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.
"I want to be alone. Please?"
Tinapik naman ako nito sa balikat at tumayo na.
"Don't took too long, son," paalala pa nito na tinanguhan ko lang.
Mapait akong napangiti pagkaalis nito at nahaplos ang pangalan ni Mommy na nakaukit sa kanyang lapida.
"Keep my words, Mom, I'll find out who's that girl. And make her life miserable for having an affair with Dad," pagkausap ko dito na nagngingitngit ang mga ngipin.
Isa-isa nang bumabagsak ang malalaking patak ng ulan pero nanatili akong nakaupo sa bermuda grass na kinasasalampakan ko at hinayaan ang sariling maligo ng ulan. Nanunuot sa katawan ko ang lamig na dala nito pero hindi ko na alintana. Napapikit akong napatingala at ninamnam ang bawat patak sa mukha ko. Pero agad akong napadilat nang maramdamang wala ng pumapatak at bumungad ang isang itim na payong sa paningin ko.
Napatayo ako at hiniklat sa braso ang lapastangan na sumira ng sad moment ko pero agad ko ring nabitawan nang masilayan ko ang mukha nitong napakaamo kahit na nakasuot ito ng round reading glass.
"Who are you?"
Napalunok itong nag-iwas ng tingin sa akin.
Naka-all-black din ito sa suot na black doll shoes at black formal dress. Nangunotnoo ako. Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko nga ba siya nakita.
"I-I'm sorry, nakita kasi kitang mag-isang naliligo sa ulan," natatarantang sagot nito.
"I said, who are you?" may kadiinang ulit ko sa tanong ko kanina.
Muli itong napalunok na hindi pa rin makatingin sa mga mata ko.
"Ahm. . . ma-mauuna na ako sa'yo. C-Condolence, Sir."
Natulala ako sa malambing boses nito. Napaawang na lamang ang bibig ko at napasunod ng tingin dito nang ipasa nito sa kamay ko ang tungkod ng payong nitong itim din at patakbong lumabas ng cemetery. Napapilig ako ng ulo na pilit inaalala kung saan ko nakita ito.
"Hindi kaya. . .isa siya sa mga naka-fling ko na before? Baka ini-stalked niya ako?" piping usal ko.
Napailing na lamang ako sa naiisip habang hinahatid tanaw ang babaeng patakbo at paliit nang paliit ang pigura sa paningin ko. Hindi ko namalayan ang sarili na. . . napapangiti na pala ako habang pinagmamasdan itong palayo sa kinatatayuan ko.