YOONA:
NAPABUNTONG hininga akong bagsak ang balikat na umuwi ng bahay. Ramdam ko ang pagod ko sa maghapon kong pagtitinda ng gulay sa palengke kung saan ang pwesto namin. Si Nanay Gwen talaga ang nagtitinda doon kahit pinapatigil ko na pero hindi naman ako pinapakinggan.
Si Nanay Gwen ang kinagisnan kong ina dahil ang totoong ina ko ay nasa France ito at isang modelo. Kaya nga tago ako sa pagkatao nito dahil sa kanyang trabaho. Paminsan-minsan lang din siyang nagpupunta dito kapag walang masyadong schedule sa kanya. O kaya ay kami ni Nanay Gwen ang dumadalaw sa kanya sa France.
May pagka-masungit si Mommy Sidney. Pero hindi naman ako nito tinitipid sa material na bagay. Pinagbigyan nga niya ako sa kinuha kong kurso na medesina at sa France nag-kolehiyo para mas makasama ko ito.
Tanda ko pa noong bata ako na lagi akong umiiyak sa tuwing maghihiwalay kami pero lagi niya akong pinapagalitan at pinagtatabuyan. Hindi kasi pwedeng may makakita sa amin na mga paparazzi sa paligid at baka paghinalaan pa ito. Matuklasan pa ng mga tao lalo na ng mga fans nitong meron na pala siyang anak sa pagka-dalaga kaya ganon na lamang ang pagtatago nito sa akin. Para maprotektahan ang privacy ko at ang imahe nito. Bagay na naiintindihan ko naman habang lumalaki ako.
NAPALAPAD ang ngiti ko at parang nanumbalik ang lakas at energy ng katawan ko na matanaw sa labas ng bakuran namin ang kotse na laging gamit ni Mommy!
Patakbo akong pumasok ng bakuran. Mag-iisang taon na rin kasing hindi nakakadalaw si mommy dito at naging busy na rin kasi ako sa pampublikong hospital dito sa Batangas kung saan isa akong psychiatric doctor doon. Ayaw sana ni Mommy na dito ako magtrabaho pero mas gusto kong paglingkuran ang mga kapwa ko pilipino.
"Mommy!"
Napalingon itong napangiti na agad ibinaba ang hawak na damit kasama si Nanay na kapwa hinahalungkat ang dala nitong balikbayan box!
"My Yoona!"
Napatakbo akong niyakap ito ng mahigpit. Natatawa naman itong ginantihan ang yakap ko na hinaplos-haplos ako sa ulo.
"Mommy naman, bakit hindi mo sinabing uuwi ka? Sana nasundo kita sa airport," nakangusong pagtatampo ko na ikinangiti lang nitong hinahaplos ako sa buhok at mariing humalik sa noo ko.
"Surprised nga, 'di ba?" anito.
Napanguso akong muli itong niyakap at pinaghahalikan sa kanyang mukhang ikinahalakhak nito.
"Hay. . . ang prinsesa natin, Gwen. Dalaga na," naluluhang saad nito.
Iginiya ko itong maupo ng sofa na nakayakap pa rin sa katawan nito. Kahit nasa 40's na si Mommy Sidney ay maalaga ito sa katawan at mapagkakamalhan mong nasa 20's pa rin. Kaya nga para na kaming magkapatid kung itsura ang pagbabasehan. Kahit sa ibang bansa lumaki si Mommy ay natuto din naman ito sa wikang tagalog dahil kay Nanay Gwen na siyang yaya nito noon. Pero noong nanganak na ito ay pinauwi na niya si Nanay kaya dito ako sa bansa lumaki.
"I'm still your little princess, Mommy," nakangiting sagot kong ikinatawa at iling nito.
"Of course, anak. Kahit tumanda ka at magkaroon ng sariling pamilya? Mananatili ka pa ring prinsesa ni Mommy at Nanay. Right, Gwen?" anito na bumaling kay Nanay Gwen na busy pa rin sa paglalabas ng mga gamit na pinamili ni Mommy.
"Oo naman, anak. Walang magbabago kahit na magkapamilya ka na," pagsang-ayon nitong ikinalapad ng ngiti ko at napayakap muli kay Mommy.
Alam ko din naman kasing hindi ito magtatagal dito kaya sinusulit ko na.
"Mom?"
Napakalas ako dito nang may maalala. Napakunotnoo naman itong tumitig sa akin na bakas ang pagtatanong sa kanyang mga mata.
"Yes, anak?"
Umayos ako ng upo at hinawakan ito sa kamay.
"Si Tito Jonathan po, galing sa pwesto kanina. Alam ba niyang uuwi ka ngayon?"
Napakunotnoo ito lalo na mabanggit ko ang negosyanteng masugid nitong manliligaw.
Ang problema nga lang ay may asawa na ito kaya hindi pinapansin ni Mommy. Si Tito Nathan Parker ay dating kasintahan ni Mommy. Siya lang din ang may alam na anak ako ni Mommy sa pagka-dalaga kaya naging malapit na rin ito sa akin.
Nakakatawa nga na nirereto pa nito ang anak nito sa akin. Bagay na tinatanggihan ko. Pero kamakailan lang ay namatay na ang asawa nito kaya ngayon lang ulit kami nagkita.
Naalala ko pa na nagpunta ako noon sa cemetery nila kung saan inilibing ang asawa nito pero hindi naman ako makalapit para damayan si tito dahil nandoon ang ilang kamag-anak at mga kaibigan nila lalo na ang binata nitong nirereto sa akin.
Lakas loob ako noong nilapitan ang anak nitong nagpaiwan sa puntod ng ina. Bagsak ang balikat at mag-isang nakayukong umiiyak kausap ang lapida ng mommy nito. Kahit awang-awa ako noon sa kanya ay hindi ko magawang lumapit dahil natatakot at nag-aalangan din ako. Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na itong pinayungan.
Pero imbes na matuwa ito ay iba ang nakita ko sa mga mata nitong namumula at namumugto sa kanyang pag-iyak.
Dala ng takot ay napatakbo ako palayo dito matapos kong ibigay ang payong ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko noong mga oras na 'yon.
Gustong-gusto ko siyang damayan pero nang magkaharap na kami ay umurong bigla ang buntot ko dahil napakatalim ng mga mata nitong parang mabangis na hayop at nakahandang manakmal ng kaharap.
Siguro dahil kahit paano ay may alam na ako sa kanya.
Palagi kasi siyang kinukwento ni Tito Nathan sa akin sa tuwing bumibisita ito. At laging inirereto dahil bagay daw kami ng unico hijo nito kung sakaling hindi pa rin niya masuyo si Mommy. Hindi na raw masama na kami ng anak nito ang magtuloy sa naudlot nilang relasyon ni Mommy dahil gusto naman daw niya akong maging manugang. Minsan ay magkasama din kaming nagtutungo ng France para bisitahin si Mommy.
NAPABALIK ang ulirat ko sa pagtapik ni Mommy sa pisngi kong ikinakurap-kurap ko. Natatawa naman itong pinisil ang ilong ko.
"Ang layo na nang narating mo, Yoona."
Napangiwi akong napakamot sa pisngi.
"Sorry, Mom. May naalala lang."
"Hmm? Is that a boy?"
Naniningkit ang mga matang pag-uusisa nitong ikinatawa at iling ko.
"Nope," simpleng sagot ko.
Ayaw pa kasi ni Mommy na makipag relasyon ako dahil mas gusto niyang enjoy-in ko muna ang pagiging single bago pumasok sa relasyon. Kaya nga hanggang ngayon sa edad na bentesingko ay hindi ko pa naranasang makipag-date lalo na ang makipagrelasyon.
DALAWANG araw lang ang itinagal ni Mommy dito sa bansa. Nalaman din niyang namatay na ang asawa ni Tito Nathan kaya siya napauwi. Hindi para sagutin si Tito kundi para damayan ito dahil kahit naman naging mag-ex sila ay nanatili pa rin namang maayos ang friendship nila. Kailangan na rin kasi niyang bumalik ng France dahil may panibagong proyekto ito.
Patawid na ako sa pedestrian lane kung saan ang St. Joseph Sacred Heart Hospital na pinapasukan ko nang matigilan ako. Pakiramdam ko'y may mga mata ang nakatutok sa akin na ikinakabog ng dibdib ko! Napapalunok akong mabilis na tumawid at walang kalingon-lingon sa paligid.
"Good morning, Doc Yoona, ang ganda talaga ng doktora namin," magiliw na bati sa akin ni Manong Fabio.
Isa sa mga guard namin dito sa hospital. Sanay naman na ako sa mga naririnig na pambobola sa akin. Hindi ko lang masyadong feel dahil simple lang naman akong manamit at hindi rin nagpapahid ng kahit anong kolorete sa mukha. Hindi naman kasi ako sanay at sabi naman nila ay hindi ko na kailangan ang mga 'yon sa natural kong ganda.
"Good morning, Kuya pogi, nambola ka pa," natatawang sagot ko na tinapik ito sa balikat bago pumasok sa hospital.
Panay ang bati sa akin ng mga nandiditong staff dahil kilala naman na nila ako dito lalo na't mag-isa lang akong physiatrist doctor dito sa hospital kaya matunog talaga ang pangalan ko sa lahat.
Natigilan ako sa akmang pagliko ko sa pasilyo nitong hospital na makita sa salaming kaharap ko ang isang lalaking naka-all-black at may suot na itim ding cap. Napalunok ako dahil nasa likuran ko lang ito sa 'di kalayuan at tumigil din na nakamata sa likuran ko. Muling bumilis ang kabog ng puso ko. Ramdam ko pa ang mga mata nitong nanunuot sa kalamnan ko sa wagas niyang pagtitig sa akin.
Nangangatog ang mga tuhod kong dahan-dahang lumiko. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa kaisipang. . . may nagmamasid sa akin! Nagkataon lang ba? Pero bakit iba ang sinasabi ng kutob ko. Ramdam kong sinusundan ako nito.
Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at dama ko pa ang lakas ng kabog nito. Imposible namang may nakaalam na anak ako ng isang Sidney Madrid. Hindi naman kasi masyadong pamilyar si Mommy dito sa bansa kaya malaya ko siyang nakakasama at nailalabas dito. Mga bagay na hindi namin magawa sa France dahil doon ay tanyag itong modelo at kilala sa publiko.
"Relax, Yoona. Inhaled. . . exhaled," pagkausap ko sa sarili.
Napapikit ako at makailang beses humugot ng malalim na hininga bago nagmulat nang maramdamang mas kalmado na ang kabog ng dibdib ko.
Akmang pipihitin ko na ang seradula ng opisina ko nang mahagip ng paningin ko sa peripheral vision ko ang lalakeng naka-itim na nasa 'di kalayuan nitong hallway na. . . nakatitig na naman sa akin!
Nangatal ang kamay ko at biglaang nilingon itong kaagad nagkubling ikinanigas ko at mabilis pumasok ng opisina ko! Napasandal ako sa pinto at muli na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko na hanggang dito sa gawi ng opisina ko sa 5th floor nitong hospital ay. . . sinusundan niya pa rin ako!
"Who is he? Bakit niya ako. . . sinusundan?"