Chapter 4

1373 Words
Gwen: ****25 years ago at Europe**** KASALUKUYAN akong nagdidilig ng mga halaman na tanim ng amo kong babae dito sa mansion nila sa Europe. Sinama lang ako dito ng alaga kong si Ma'am Sidney Madrid. Isang sikat na model sa France kung sana ito nakatira. Halos magkaedaran lang kami ni Ma'am Sidney sa edad na labingdalawa. Pero dahil kailangan kong kumayod para sa mga magulang kong naiwan sa probinsya namin sa Batangas ay nagdesisyon akong mangibang-bansa dahil malaki-laki rin ang sweldo ko kahit isang serbadora lang. Ang swerte ko lang na nagkataong kay Ma'am Sidney ako napunta dahil mabait naman ito kahit may pagkamaldita. Hindi rin siya istrikta dahil ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko sa kanya higit sa lahat ay hindi ito nangde-delay ng sweldo. Sinasama rin ako nito kapag nagbabakasyon sa iba't-ibang bansa na hindi binabawasan ang sweldo ko sa mga expenses ko. Kaya nakakapagliwaliw din ako dahil dito. Ngunit isang araw ay nagulat ako na may karga-karga itong. . . sanggol! Gulat man ay hindi ko na ito tinanong kung saan galing ang bata lalo na nang sinabihan ako nitong umuwi ng bansa kasama ang paslit. Dahil sa pera at impluwensya nito ay nakalabas kami ng Europe na dala ko ang bata at pinalabas ko kina nanay at tatay na anak ng amo kong modelo dahil 'yon ang nakalagay sa birth certificate ng baby na pinangalanan naming. . . Catriona Madrid. 'Yon din kasi ang nakalagay sa name tag ni baby dahil bagong silang pa lang ito sa hospital na pinagkunan ni ma'am Sidney. Gusto sana nitong palitan pero ako na ang nakiusap kaya pumayag din ito sa huli na hindi na namin papalitan ang pangalan ni baby. Hindi naman nagkukulang ng sustentong pinapadala sa akin si Ma'am Sidney para sa pang-araw-araw namin ni baby. Na kalauna'y itinuring ko na ring sarili kong anak. Bata pa lang si Yoona ay kitang may lahi itong bata at kahit sino ay mapapansin 'yon. Napakaganda niyang bata habang lumalaki ito. Napakabait din at napakagalang higit sa lahat ay napakalambing nito. Kahit malayo ito kay Ma'am Sidney ay hindi iyon naging rason para lumayo ang loob nito kay Ma'am na buong akala niya ay ito ang totoo niyang ina. Noong una ay talagang malayo ang loob ni Ma'am Sidney dito pero dahil likas na malambing si Yoona ay napalambot at napaamo din niya ang puso ni ma'am kaya kita kong unti-unting nagbago ang pakikitungo niya sa bata na natutunan ding mahalin bilang. . .totoong anak nito. Hanggang isang araw sa ikasampung kaarawan ni Yoona ay tinawagan ako nitong lumuwas kami ng France at doon i-celebrate ang kaarawan ng anak. Dito siya nagtapat sa akin ng totoong pagkatao ng batang alaga namin at tinuring na ring totoong anak namin. Kahit inaasahan ko na ang bagay na 'yon na hindi niya talaga kadugo si Yoona ay laking gimbal ko kung gaano kamakapangyarihan ang dalawang side na pinanggalingan ng angkan nito! Para akong matatakasan ng bait nang malaman kong pinagsamang dugong Madrigal at Montereal heirs ang batang alaga ko! Lalo akong nalula nang i-search ko sa internet ang mga magulang nito na mga sikat na negosyante ang angkang pinanggalingan at kilalang mga tao dito sa bansa! Inamin din naman nito ang kanyang rason kung bakit niya kinuha ang isa sa triplets ng mag-asawang Madrigal. Dahil naging kalapit na kaibigan niya ang binatang si Ethan Matthew Madrigal na kapitbahay ng mansion nila sa Europe. Doon niya nakilala ang binata na napakamahiyain. Pero 'di nagtagal ay napaamo din niya ito at natutunang mahalin. Ang problema ay hindi ito minahal ng binata nang higit sa pagiging magkaibigan nila dahil may mahal na ito. Ang naiwanang kasintahan sa Pilipinas na isa ring tanyag na actress at modelo. Si Cathleen Montereal na isa ring heredera! Nang mabalitaan nito na bumalik ng Europe si Ethan kasama ang asawa na nitong si Cathleen Montereal ay tandang-tanda ko pa kung paano ito nagwawawala sa unit namin. Lahat ng gamit na nadadampot nito ay walang kawalang pinagsisira niya at walang pakialam kahit na ginto ang presyo ng mga sinisira nito! Hindi niya matanggap na nag-asawa na ang lalakeng bukod tanging iniibig nito kaya dala ng galit ay nagawa nitong dukutin ang isa sa triplets na panganay ng mag-asawang Madrigal. At 'yon nga si Catriona na mas sanay sa alyas nitong. . . Yoona. Kaya naman kahit walang problema sa mga mata ni Yoona ay pinapasuotan ko ito ng malaking round glasses para maikubli ang totoong ganda nito dahil may mga kakambal pa itong kamukhang-kamukha niya! Mabuti na lang at masunurin itong bata at hindi sinusuway ang mga utos ko dito. Pero habang nagdadalaga ito ay lalong lumalabas ang angking ganda at kuhang-kuha niya talaga ang dalawang kakambal nitong hawig na hawig din sa kanilang inang dating modelo at actress. *****present time**** WALANG gabi na hindi ko naiisip ang magtapat kay Yoona pero ayaw ko namang pangunahan si Ma'am Sidney na magtapat dito. Natatakot na rin kasi ako lalo na't isa na ngayon sa mga rising star ang isa sa kakambal nitong si Cathryn Montereal. Paliit na nang paliit ang mundong ginagalawan nito at mga kapatid. Imposible naman kasing hindi siya magduda kapag nakita o napanood niya sa internet o TV si Cathryn na kamukhang-kamukha niya. Pero kahit gusto kong magtapat dito ay natatakot din ako sa magiging reaks'yon nito. Paano kung magalit ito? Paano kung isumpa niya kami? Paano kung. . . iwanan na niya kami? Sa kanya na umikot ang buong buhay ko at ganun din si Ma'am Sidney kaya nga hindi na nito nakuha pang mag-asawa o magkaroon ng sariling anak dahil si Yoona. . . si Yoona na ang anak namin. Ang buhay namin. NAPAHINGA ako ng malalim at nilapitan si Ma'am Sidney na mag-isang umiinom ng beer dito sa likod ng bahay. Tanaw kasi dito ang bulkang taal at ngayon nga ay papalubog ang araw na lalong ikinaganda ng tanawin. Ngumiti itong inabutan ako ng beer pagkaupo ko kaharap ito. "What should I do , Gwen? Dalaga na si Yoona," anito sa mababang tono na sa sunset nakamata. Napahinga ako ng malalim bago tinungga ang beer ko at tinanaw din ang papalubog na araw. "Magtapat na kaya tayo sa kanya, Ma'am?" lakas loob kong suhestyon dito. Napahinga lang ito ng malalim na napailing. "I can't. I love her so much. More than anyone, more than anything, more than myself, Gwen. Yoona is my life, my everything. And I can't afford to lose her. She's mine. She's my daughter. Our daughter, Gwen. Ours," mahina at may kadiinang saad nito. Dama ko ang takot at lungkot sa boses nito at ang makulimlim niyang mga mata na nakatanaw pa rin sa papalubog na araw. "Alam ko, ako din naman, Ma'am. Hindi ko siya kayang mawala sa atin. Pero hindi ba't mas maigi kung sa atin niya malaman ang katotohanan? Kilala natin si Yoona, nakakatiyak akong mauunawaan niya tayo. Kung ipapaunawa lang natin sa kanya ang lahat mula umpisa," mahinang pangungumbinsi ko dito. Muli nitong nilaklak ang beer bago humarap sa akin. Nangingilid ang luha nito at puno ng takot at pag-aalala ang mga mata. "What if she won't accept the fact, Gwen? Paano kung iwanan niya tayo? Damn, I can't just let her go just like that. Hindi man siya galing sa matres ko pero. . . anak ko siya, buong-buo ang pagmamahal ko sa kanya bilang ina niya, Gwen." Ngumiti akong hinawakan ito sa dalawang kamay at marahang pinipisil-pisil iyon. Tuluyang tumulo ang luha nito na matamang nakatitig sa aking naluluha na rin. Bakas ang takot sa kanyang mga mata na nadarama ko rin. "Nasa kanya na 'yon, Ma'am. Kung iiwanan niya tayo. Alam naman niya kung gaano natin siya kamahal," basag ang boses na pagkausap ko dito at 'di na rin mapigilang tumulo ang luha. Napayuko ito sa lamesa na humagulhol kaya tumayo na akong niyakap ito mula sa kanyang likod. Dama ko ang takot at guilt na nararamdaman nito ngayon. Dahil katulad nito. Hindi ko rin kayang pakawalan si Yoona kahit na wala naman kaming karapatan sa kanya. Sa laki ng pamilyang pinanggalingan nito ay baka sa kulungan pa ang bagsak namin ni ma'am kapag nalaman na ang totoo sa pagkatao ni Yoona. Na isa pala siyang. . . nawawalang heredera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD