SHERWIN: 1 year later ABALA AKO sa pamimitas ng mga gulay na uulamin namin ng asawa ko dito sa likod bahay kung saan kami nagtanim ng sarili naming gulayan. Matapos ang kasal namin ni Cathryn noong isang taon ay tuluyan na nga nitong tinalikuran ang showbiz at ang buhay sa syudad. Bumalik kaming dalawa ng Ilocos at dito napiling manirahan. Pumanaw na rin si Tito Leo dala ng edad nito kaya ipinaayos na lang namin ni Cathryn ang bahay nito na siyang tahanan na namin ngayon kasama ang kambal namin. Si Chello at Sheila. Ilang buwan pa lang ang mga ito kaya naman nakatutok ako sa pangangalaga sa mag-iina ko. Ang sarap pakinggan na mag-iina ko sila. Kuhang-kuha nila ang kanilang ina. Nakakatampo man na mas hawig nila si Cathryn kaysa sa akin ay walang makakapantay na sarap at ligaya ang h