CATHRYN: NANGINGILID ANG luha ko habang dahan-dahang naglalakad dito sa red carpet na nakalatag dito sa buhanginan papunta sa harapan kung saan ang pampang at may nakatayong arko na napupuno ng roses na palamuti nito. May mini stage doon at matamang nakatayo ang isang binatang naka-all white tuxedo! Napakagwapo niyang tignan sa tindig nito. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo. Nakapamulsa ng kamay na parang modelong kinukunan. Nakamata sa akin na napapalapat ng labi. Nasa tabi naman nito ang dalawang matalik na kaibigan na kapwa may ngiti sa labi at tinatapik-tapik sa balikat si Sherwin na pinagigitnaan nila. Tanging mga kaibigan at pamilya lang namin ang bisita namin ni Sherwin sa araw na ito. Mas gusto ko ang pribado ang araw ng kasal namin. Simple, but memorable. Dahil nandidito lahat ang