THIRD PERSON POV: NAPAPANGITI ANG binatang si Nadech Williams. Palakad-lakad sa loob ng nirentahan nitong restaurant para sa anniversary nila ng long time girlfriend nito at planong pag-propose ng kasal sa nobya. Kabado ito na hindi niya malaman ang gagawin. Maya't-maya siyang napapaupo. Napapapilantik ng mga daliri na panay ang sulyap sa relo at sa gawi ng pinto. Kanina pa siya kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Panay ang buga nito ng hangin na panakanakang sumisimsim sa wine nito. Muli niyang dinampot ang cellphone nito sa bulsa at tinawagan ang kasintahan na hinihintay nitong nagmula pa sa trabaho nito bilang isang nurse. Napapalapat ito ng labi habang nakalapat ang aparato sa tainga at hinihintay sumagot ang dalaga. "Babe?" "Babe! Nasaan ka na ba? Mapapanis na ang dinne