YOONA:
ILANG araw ang nakakalipas magmula nang mapansin kong tila may sumusunod sa akin kahit saan ako magpunta. At hanggang ngayo'y nararamdaman ko pa ring tila may mga matang nakabantay sa bawat kilos ko kaya hindi ko maiwasang mabahala. Kahit na wala pa naman akong natatanggap na mga pagbabanta ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong kabahan at matakot sa kaisipan na may umaaligid sa akin at minamatyagan bawat kilos ko.
Napailing na lamang ako para iwaksi ang gumugulo sa isip ko patungkol sa lalakeng nagmamanman sa akin.
"Doc Yoona?"
Napaangat ako ng mukha nang kumatok si nurse Ice sa labas nitong opisina ko. Si Ice ang nurse na siyang assistant ko dito sa opisina.
"May bisita ka, Doc," nakangiting saad nito pagbukas ng pinto.
Napatayo ako nang luwagan nito ang pagkakabukas ng pinto at niluwal non si Tito Nathan. Napapangiti na lamang ako na may dala itong isang bouquet ng red roses at may kalakip pang chocolates. Agad namang yumukong nagpaalam si Ice na tinanguhan ko lang.
"Tito, what brings you here?" nakangiting tanong ko na sinalubong itong humalik sa kanyang pisngi.
Bahagya pa itong natigilan na hindi ko na pinansin pa.
"Ahm. Visiting the most beautiful doctor I've ever know."
Napahagikhik akong napailing ditong nangingiti na rin.
Sanay naman kasi akong nireregaluhan ni tito, teenager pa lang ako. Magmula nang malaman niyang anak ako ni Mommy Sidney ay maging ako'y para na niyang nililigawan dahil syempre nirereto ko siya kay Mommy.
"Flowers and chocolate for you, my dear," nakangiti kong tinanggap ang inabot nito.
"Thank you ,Tito. Spoiled na lang ako lagi sayo. Have a sit," aniko na iginiya itong naupo sa kaharap ng swivel chair kong silya.
Hindi naman ito nagkomento at iginala ang paningin sa kabuoan ng opisina ko. Para na kasi itong studio kung susumain. May dalawang solo bed size ako dito para sa mga pasyente, kusina, sala at sariling banyo. Iilan lang naman ang pasyente ko dahil probinsya dito at karamihan sa kanila ay mga nagsa-suffer ng depression. Kaya minsanan lang may ma-admit dito.
"Do you have an important schedule today? Baka pwede tayong lumabas?"
Saglit ko itong nilingon na nginitian dahil matiim na pala niya akong tinititigan habang nagtitimpla ako ng kape namin.
"Wala naman po, Tito. Sige po. Saan niyo po ba gusto?" sagot kong hindi na ito nilingon.
"Ahm! Ikaw, saan mo ba gusto?"
Napanguso ako na maingat dinala ang dalawang kapeng ginawa kong inilapag sa mesa bago naupo sa swivel chair kong kaharap ito.
"Hmm. . .free po ba kayo? Baka naman nakakaistorbo na ako, Tito."
Ngumiti lang naman itong dinampot ang kape at sumimsim.
"I always have a lot of free time when it comes to my baby girl," malambing sagot nito na ikinahagikhik kong napailing.
Napatitig ako dito nang matiim na naman ang mga matang nakatitig sa akin na tila kinakabisa ako. Bagay na hindi naman gawain ni Tito. Nakakapanibago kasi ang uri ng kanyang pagtitig. Parang may ibang ibig sabihin.
"Anyway. Nagkita ba kayo ni Mommy bago siya bumalik ng France?" pag-iiba ko na may halong panunukso ang tono.
Bahagya namang nangunot ang noo nito.
"Your Mom?" bakas ang pagkalito sa tono nito kaya napapilig ako ng ulo na alanganing ngumiti dito.
"Hindi niyo po alam na umuwi si Mommy?"
Napahinga ako ng malalim na mabasa sa mga mata nito ang pagtataka.
"Haist. Ang Mommy talaga. Don't worry, Tito. Pupunta ako ng France next month dahil may fashion show si Mommy at gusto niyang pumunta kami ni Nanay Gwen. Sumama ka na lang sa amin para makapag-bonding din tayo do'n," paglalambing ko dahil siguradong nagtatampo ito na hindi manlang nagpakita si Mommy sa kanya.
Akala ko ba pinuntahan siya ni Mommy? Haist. Umurong na naman ang buntot niya.
"Yeah, sure, baby girl. Why not."
Ngumiti akong napahawak sa kamay nitong nakapatong sa lamesa bahagya pa itong natigilan at napatingin doon..Marahan kong pinisil-pisil ito na nakangiti sa kanya.
"I really like you, Tito. Sana maligawan mo na si Mommy at mapapayag para malaya na tayong manirahan sa iisang bubong."
Napatingin ako sa kamay namin dahil napahawak ito sa kamay ko at napapisil. Naningkit din ang dati ng chinitong mga mata nitong kulay lime na nakamata sa sa akin. Kita ang galit sa mga 'yon habang matiim na nakatitig sa akin na ikinaalanganin ng ngiti ko.
"Yeah. Sana nga," simpleng sagot nito sa matagal-tagal niyang pananahimik.
Mukhang pagod na rin itong sinusuyo si Mommy at hindi ko naman siya masisisi. Ilang taon niya na ring nililigawan si Mommy. Nakahanda pa nga siya na hiwalayan ang asawa at ipawalangbisa ang kasal nila.
Pero ngayon tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para maging madali ang mga bagay-bagay sa kanila. Sana nga ay mapapayag na nito si Mommy. Sabik na rin naman kasi ako na magkaroon ng matatawag na Daddy.
Mula pagkabata ay inaasam-asam ko talaga na magkaroon ng Daddy pero dahil walang planong mag-asawa ang kahit sino kina nanay at Mommy ay wala akong magagawa. Ayoko namang pilitin silang maghanap ng mapapangasawa para lang may matawag akong Daddy.
Si Tito Nathan pa nga lang ang nakakapag paramdam sa akin ng pagmamahal ng isang ama. Dahil sa kanya ay pakiramdam ko may Daddy akong matatawag kahit paano lalo na't tunay na anak na rin ang turing niya sa akin.
MATAPOS kong mag-out sa trabaho ay magkasama kaming lumabas ni Tito Nathan. Malapit lang naman ang Tagaytay na napili naming pasyalan lalo na't weekend na bukas kaya tamang-tama lang ang pag-aaya nitong lumabas kami. Para na rin makapagliwaliw at maalis sa isip ko ang lalakeng sumusunod-sunod sa aking ilang araw ko nang inaalala.
Napansin ko rin na iba ang gamit nitong kotse sa nakasanayan kong gamit nito pero hindi ko na lamang tinanong. Nakaalalay pa ito na pinagbuksan ako ng pinto.
"Careful, baby girl."
Napangiti ako bagong tawag nito sa akin ngayon. Dati-rati kasi ay sweetheart ang endearment nito. Nabanggit din niyang pangarap niya talagang magkaroon ng anak na babae. Kaya gano'n na lamang kagaan ang loob niya sa akin dahil tunay na anak na ang turing niya sa akin kahit daw hindi sila magkatuluyan ni Mommy sa bandang dulo.
Pagkaupo ko ay hindi na ako umangal nang ito na ang nagkabit ng seatbelt ko bago marahang sinara ang pinto at umikot sa driver side. Maging pabango nito ay napansin kong iba. Mas malakas ang dating nito na ang sarap lang singhot-singhutin.
"Ahm, dadaanan pa ba tayo sa bahay, Tito?"
Umiling lang ito na in-start ang kotse. Napakunotnoo ako.
"Pero two days din tayo--"
"I'll buy everything you need, baby girl. Just relax," malambing sagot nito.
Napapilig ako ng ulo at isinandal na lamang ang katawan. Pakiramdam ko kasi ay ibang tao ang kasama ko ngayon. Maging sa pananalita nito ay parang. . . parang mas bumata ang boses niya. Ilang taon ko nang kasa-kasama si Tito Nathan kaya halos kabisado ko na rin ang lahat sa kanya.
Pero bakit parang ang dami naman yatang bago sa kanya ngayon? O baka masyado ko lang pinapansin maging maliliit na bagay. Alam ko naman kasing walang kapatid si Tito kaya imposibleng hindi siya itong kasa-kasama ko.
Napailing akong pilit inalis ang mga gumugulong bagay-bagay sa isip ko. Gusto ko ring ipahinga kahit saglit ang isip at kalooban ko sa ilang araw kong pagka-stressed dahil sa lalaking umaaligid sa akin. Naramdaman ko naman na hinawakan nito ang kamay ko na pinag-intertwined. Napalunok ako dahil para akong nakuryente sa pagkakahawak ng kamay namin. Hindi ko na lamang pinansin at tuluyang nagpatangay sa antok.