Bakasyon

1330 Words
NATHAN: NAPAPANGISI NA LAMANG ako sa isip-isip ko na madali ko lang natangay ang babae ni Daddy. Tignan ko lang kung hindi siya masiraan ng bait kapag maipadala ko sa kanya ang makukuha kong hubot-hubad na larawan ng iniingatang kabît nito. Ngayon pa lang ay hindi na ako makapaghintay paikutin silang dalawa ng babae nito sa palad ko. Hindi naman kabawasan sa pagkalâlake ko kung maikama ko ang babae niya. Sunod-sunod kong tinungga ang wine na hawak ko habang nakatanaw dito sa balcony ng tinuluyan naming resort sa Tagaytay. Napapailing na lamang ako sa isip-isip na dalawang kwarto ang kinuha nito. Ang linis din magtrabaho. Hindi halata sa kanyang itsura na isa lang siyang kâbit ng matandang bilyonaryo. Tsk. At alam pa ng Mommy niya ang tungkol sa kanila ni Daddy? Anong klaseng ina siya? Maaatim niya talagang mapunta sa isang matanda ang dalaga niya? Dahil lang sa pera pikitmata nilang tatanggapin si Daddy ganon ba? Napailing ako sa mga bagay na tumatakbo sa isip. Kung titignan ko si Yoona ay para siyang mahinhin at disenteng babae. Napakaamo ng maganda niyang mukha. Napapilig ako ng ulo. Pamilyar talaga ang mukha niya sa akin. Parang nakita ko na ang larawan niya kung saan. Hindi ko lang matukoy kung saan banda. Basta nakakasiguro akong....nakita ko na siya. Ang singkit niyang mga mata na kulay abo. Maliit ang matangos niyang ilong at manipis lang ang mga labing natural na mapula. Pansin ko ang kakinisan at natural nitong ganda kahit may suot-suot itong malaking round glasses na tumatabing sa totoo niyang itsura. Pero kung malapitan ay mapapansin mo kaagad na napakaganda niya lalo na't hindi siya naglalagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Bagay na lalo niyang ikinaganda at amo ng mukha niya. "Can I come in, baby girl?" malambing tanong ko na hindi namalayan ang sariling nagtungo sa silid nitong kinatok sa pinto. Bakas ang gulat dito pero niluwagan pa rin naman ang pagkakasiwang ng pinto na pilit ngumiti. Napangisi akong nagpamulsa na napalinga-linga dito sa silid nito. Nakasunod lang naman ito. "Tito, may kailangan po ba kayo?" napatikhim akong naupo sa sofa na nagdekwatrong napangiti dito. "Can you dance?" "Po?" mariin akong napapikit at kinakastiguhan ang sarili sa naisatinig ko ang bagay na tumatakbo sa utak kong ipagawa dito. Nangunotnoo itong matiim na napatitig sa akin. Napatikhim akong umayos ng pagkakaupo at hinila itong naupo sa tabi ko. Ramdam ko ang paggapang ng init sa mukha kong natatakpan ng artificial facemask ni Daddy. "What I meant is....do you know how to dance? Sing? What's your talent, baby girl?" lihim akong napangiti na nakaapuhap agad ako ng maisasagot dito sa pagkakadulas ng dila ko. Napapilig ito ng ulo na kumamot sa pisngi. Napangiwi pa itong pinamumulaan. "W-Wala po akong hilig sa mga 'yan, Tito" napatango-tango akong nginitian itong naupo sa paanan ng kama. Napanguso akong pinapasadaan ng tingin ito habang abala sa kanyang cellphone. "She really looks familiar?" piping usal kong matiim na nakatitig dito. Mukhang naramdaman nito ang pagtitig ko ditong ikinalingon nitong nagtatanong ang mga mata. Napatikhim akong tumayo at nagpamulsang nagtungo ng balcony. Ramdam ko naman ang mga mata nitong nakasunod sa aking ikinabibilis ng t***k ng puso ko. Bagay na hindi ko maintindihan sa sarili. Apektado ba ako sa kanya? O nagu-guilty lang dahil inaagawan ko ng babae si Daddy. Napakuyom ako ng kamao na dumungaw sa paligid kung saan tanaw ang maaliwalas na view ng taal volcano. Napakapit ako sa railings nang maramdaman ang prehensya nitong nakitabi sa aking nakamasid din sa paligid. Nasisilip ko pa sa peripheral vision kong nakangiti itong napapikit at tingala na tila ninanamnam ang init ng araw at lamig ng ihip ng hangin dito sa gawi namin. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko at parang nahihipnotismong napalingon ditong sunod-sunod kong ikinalunok! Lalo lang tuloy nagkarambola ang t***k ng puso kong tila may mga kabayong nagkakarerahan sa loob ng dibdib ko! "Ano bang meron ka, Yoona?" piping usal ko na nakamata ditong nakangiting nakatingala at mariing nakapikit. Hindi ko tuloy maiwasang muling pasadaan ang maamo niyang mukha! F*ck! Kaya naman pala baliw na baliw si Daddy ditong naatim hiwalayan si Mommy at agad nakalimot sa pagkawala ng ina ko dala ng kagagawan din nitong ikinakuyom ng kamao kong nagpantig ang panga at nag-iwas ng tingin dito. Sinong mag-aakala na ang isang mahinhin kung kumilos at magsalita, maamo ang magandang mukha at isang kagalang-galang na doktora ay isa palang kābit ng matandang bilyonaryo? Napailing ako sa naiisip na pagak na natawa sa isip-isip ko. Ang galing niyang magpanggap. Kaya naman madali lang sa kanyang nabilog ang ulo ni Daddy. MULI AKONG lumabas ng silid nito at nawalan ng ganang subukin kung gaano ito kagaling trumabaho pagdating sa kama na maalala ang mommy. Nawalan ako ng ina nang dahil sa babaeng 'to. Kung sana hindi siya pumatol kay Daddy? Buo pa sana ang masayang pamilyang nakagisnan ko. Lalong-lalo nang buhay na buhay pa sana....ang pinakamamahal kong ina. Kuyom ang kamaong bumaba ako ng lobby at nagtungo sa bar nitong resort. Parang apoy na unti-unting nabubuhay ang matinding galit ko kay Yoona at daddy na maalala ang pagmamakaawa ni Mommy noong araw mismo ng kanilang anniversary ni Daddy na hwag siyang iwan at hiwalayan ng magaling kong ama. Ang araw kung kailan nawala siyang hindi kinaya ng puso ang tuluyang pakikipaghiwalay ni Daddy sa kanya at pinili ang kābit niya. Tumuloy ako sa counter nitong bar. Mabuti na lang at hindi pa matao dito. Napangiti namang bahagyang yumuko sa akin ang mga bartender dito sa counter na kasalukuyang nagmi-mix ng mga alak. "Ten shots of mojito, please" aniko na naupo sa highchair. "Right away, Sir" masiglang saad ng bartender na nihanda ang order ko. Napapanguso akong napapapilantik ng mga daliri sa countertop. Pagkalapag nito sa sampung shooting glass ay magkakasunod kong tinungga ang mga itong ikinangiwi kong humagod ang kakaibang init at pait sa aking lalamunan! "Urrgghh...fūck" madiing mura kong muling sumenyas ng isa pang round. Nangingiti lang naman ang bar tender na umaasikaso sa aking muling naglagay ng alak sa mga baso ko. Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino sa tabi kong hindi ko na nilingon pa. Sa pamilyar niyang prehensya at pabango ay hindi ko na kailangang lingunin para makilala ito. Napailing na lamang ako nang umampot din ito sa bagong serve na alak sa akin at direktang tinungga. Kita ko sa peripheral vision kong napapangiwi itong nalukot ang maganda niyang mukha na malasaan ang init at pait ng alak. Ilang oras din kaming tahimik na uminom. Tila nagpapakiramdaman kung sinong unang babasag ng katahimikan sa pagitan namin. Ramdam kong umiikot na ang paningin ko at tinatablan na ng nainom na alak. Kahit din naman si Yoona ay napapayuko na ng kanyang ulo. Pansin kong dumarami na rin ang tao at may mga napapalingon na sa kanyang ikinangingitngit ng loob ko. Marahas akong bumaba ng high chair at niyugyog itong namumungay ang mga matang napatitig sa akin. Napalunok akong muling bumilis ang t***k ng puso na mapatitig sa mga mata nito. "Let's go" aniko na ikinangiti nitong napayapos sa batok kong inalalayan kong makababa ng upuan. Napapairap na lamang ako sa mga kalalakihan na napapasunod ng tingin sa amin ni Yoona na lumabas ng bar. Nakayapos kasi ako sa baywang nitong halos hindi na makatayo dala ng kalasingan. "Where's your key?" tanong ko nang makatapat kami sa silid nito. "Uhm... what key, Tito?" lasing nitong sagot na pagak kong ikinatawa at iling. "Your room's key. Where did you put it?" "Oh, shīt! I didn't bring it" napanganga akong napakurap-kurap sa sinaad nitong napaka-sexy ng dating nang malutong pagmura nito sabay hagikhik na nakayukyok na ang ulo. "Damn" anas kong mas hinapit itong dinala na lamang sa katabing silid kung saan ako tumutuloy! Hindi naman ito nagreklamong sa silid ko itinuloy. Napailing ako. Bakit nga naman siya tututol? Kung dati naman na silang nagtatabing matulog ni Daddy sa kama. Hindi naman ako tānga para maniwalang....hindi pa ito kinakama ni Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD