NATHAN:
MARIIN AKONG napapikit na pilit kinakalma ang sarili ko habang nahihimbing na ang katabi ko. Pero kahit anong kastigo ko sa sarili ay hindi ko mapigilang mapadilat ng mga mata at pagmasdan si Yoona. Napalunok akong mapagmasdan ng maigi ang maamong mukha nito. Parang may sariling isip ang kamay ko na napahaplos sa kanyang mukha at tinanggal ang round glasses nito. Bumilis ang kabog ng puso ko na mapagmasdan itong maigi ngayong wala na siyang suot na reading glasses.
"She really looks familiar to me.... saan ko nga ba siya nakita?" tanong ko sa sarili na napapaisip kung saan ko nakita ang babaeng ito.
"Damn, Nathan. Who cares? Kabit pa rin siya at ama mo pa mismo ang kalantari niya" kastigo ko sa sarili na napabangon ng kama at sa sofa nahiga.
Pabaling-baling ako ng ulo. Kahit anong gawin ko ay hindi ako dalawin ng antok. Napabalikwas ako ng higa na nagtungo ng balcony para magpahangin. Mariin akong napapikit na napahawak sa railings habang ninanamnam ang lamig ng klima at simoy ng hangin dito. Tahimik na ang paligid na nakakatulong para ma-relax ko ang puso at isipan ko.
Naipilig ko ang ulo na sumagi na naman ang maamong mukha ni Yoona na nahihimbing sa loob. Parang may sariling isip ang mga paa ko at humakbang papasok ng silid namin at naupo sa gilid ng kama na pinagmasdan itong nahihimbing.
"Damn, Nathan!" asik ko sa sarili sa akmang paghaplos ko sa mukha nito.
Mariin akong napapikit na nakuyom ang kamao. Hindi. Hindi ako pwedeng magpaakit sa kanya. Iba ang pakay ko. Paghihiganti. Paglalaruan ko lang sila ni Daddy katulad sa ginawa nila kay Mommy at durugin sa sarili kong mga kamay.
Muli akong napatitig dito. Napailing na napapangisi. Napakaamo at ganda nga naman niya. Sinong lalake ang hindi hahangarin makaniig ang babaeng ito. Nakaka-turnoff lang na nakipagrelasyon ito sa matandang may pamilya para lang sa pera.
Sa mga katulad niyang babae ay tiyak akong hindi lang si Daddy ang sugar Daddy nito. Imposibleng makuntento siya sa isa. Nakakatawa lang na professional siyang babae pero pumayag maging kabit ng matandang bilyonaryo tss.
Napatayo akong muling bumalik ng sofa at pabalang nahigang muli. Mariin akong napapikit na naidantay ang braso sa noo. Pilit nagpapatangay sa antok na napakailap sa akin.
SUNOD-SUNOD akong napalunok nang maramdaman itong bumangon at dinig ang mga yabag nitong papalapit dito sa gawi ko. Nanatili akong nagtulog-tulugan at pinapakiramdaman itong lumapit. Naramdaman kong kinumutan ako nito ng maayos. Pinaunan niya rin ako na ingat na ingat ang kilos. Maya pa'y muli ring lumayo ang mga yabag nitong ikinasilip ng isang mata ko at kitang lumabas ito ng silid. Napailing na lamang ako at natagpuan ang sariling napapangiti na kinumutan at pinaunanan pa ako nito bago bumalik ng kanyang silid. Mukha ngang inaasikaso niya ng maigi ang Daddy kaya naman baliw na baliw dito ang ama ko.
Napakuyom ako ng kamao na parang kinukurot sa pusong sumagi sa isipan ko ang mapait na katotohanan. Na babae siya ng ama ko. Hindi ko lang lubos maisip na nasisikmura ni Daddy sipingan ang isang dalagang kasing-edad lang ng anak nito. Nagngingitngit ang mga ngipin kong napabangon muli. Mariin akong napapikit na napahilamos ng mga palad sa mukha.
Napabalik ang ulirat ko nang mag-ring ang cellphone ko at kitang si Sherwin na kaibigan ko. Napahinga ako ng malalim at pagod na sinagot ang tawag nito.
"Yes?"
"What's up, dude! Available ka ba?" masiglang bungad nito na dinig kong nasa bar ito sa ingay ng paligid nito.
"Pass, dude. Nasa Tagaytay ako ngayon eh" pagod kong sagot na napapahilot sa sentido.
"Tagaytay? What are you doing there?" nagtatakang tanong nitong ikinabuga ko ng hangin.
"Nothing. Something important" aniko. Natahimik naman ito sa kabilang linya.
"I'm sorry, dude next time na lang. Kayo muna ni Nadech, mahalaga lang kasi ito" muling saad ko na natahimik ito sa kabilang linya.
Napahinga ito ng malalim na tila biguan.
"Is there something wrong, dude?" aniko.
"Uhm, It's about Nadech, dude" mababang saad nitong bakas ang lungkot.
Nangunotnoo akong tumuwid ng upo. Napatikhim ako na kinabahan sa maaaring nangyari sa kaibigan ko.
"What about him?"
"It's not him to be exact, dude. It's about his girlfriend. Annika" anitong lalong ikinasalubong ng mga kilay ko.
"Oh? What happened to Annika?" curious kong tanong.
"She's in coma right now. Nasa hospital niyo nga eh. Hit and run, dude" namilog ang mga mata ko sa sinaad nito na napatayo dala ng kabiglaan sa nangyari!
Si Annika ay college friends din naming tatlo nila Sherwin at Nadech kaya naman para na namin itong nakababatang kapatid ni Sherwin. Malambing at makulit din ito kaya hindi namin masisisi si Nadech na mahal na mahal ito.
"Nahuli ba ang salarin?"
"That's the problem, dude. Walang bakas na naiwan ang salarin kaya hirap ma-trace kung sino ito" dismayadong saad nitong ikinasapo ko sa noo.
Para akong kinukurot sa puso sa nangyari sa kaibigan ko. Mariin akong napapikit na tumulo ang luha.
"I'm coming" aniko na ibinaba na ang linya.
Nagtungo ako ng banyo na naghubad ng surgical mask at napahilamos. Nagpalit din ng damit na mas komportable akong gumalaw. Isang black jogger at white t-shirt. Napalinga ako pagkalabas ko ng silid. Nag-aalangan kung kakatukin ko ba si Yoona sa kabilang silid o hwag na lang. Pero nang maisip ang mga kaibigan kong kailangan ako ngayon ay malalaki ang hakbang kong tinungo ang elevator.
Panay ang buga ko ng hangin habang pababa ng lobby. Kinakabahan ako na hindi ko mawari kung para sa kaibigan ko o ano? Napapalapat ako ng labing nakapamulsa na lumabas ng elevator. Tuloy-tuloy akong lumabas ng hotel at nagtungo sa sasakyan ko. Habang palabas ng parking lot ay nahagip ng paningin ko si Yoona na nasa kaharap na coffeeshop. May kausap na lalake at tila tuwang-tuwa silang nagkukwentuhan. Nangunotnoo akong pinakatitigan silang dalawa. Pagak akong natawa na napailing na lamang.
"Ibang klase. Kasama niya ang sugar daddy niya pero heto at nagagawa pang makipaglandian sa ibang lalake" iiling-iling kong bulalas na pinaharurot ang kotse palayo.
Magtataka pa ba ako kung malalaman kong hindi lang isa ang kinakalantari niya? Marahil pera lang talaga ang gusto niya kay Daddy. Hindi ang mismong ama ko dahil para nga naman na niyang ama ito sa tanda. Mahigpit akong napakapit sa manibela na nagtatagis ang panga.
"Damn, Jonathan! Bakit ka ba apektado sa kabit na 'yon?" kastigo ko sa sarili na i
naiisip si Yoona.
Hindi ko maiwasang makadama ng disappoinment dito at awa na rin sa ama kong pineperahan at niloloko lang nito.
"Poor, Jonathan Sr. Handa kang iwanan ang asawa at anak mo para sa kabit mo pero, heto at nakaidlip ka lang may iba ng kalandian" bulalas ko na napapailing na lamang habang binabagtas ang kahabaan ng byahe pabalik ng syudad.
PATAKBO AKONG pumasok ng hospital namin at nagtungo sa ICU kung saan naka-admit si Annika. Magliliwanag na at wala pa akong tulog pero heto at gising na gising pa rin ang diwa ko sa mga nangyayari.
"Nadech!" pagtawag ko sa kaibigan kong nandidito sa labas ng ICU nakatayo sa window glass at nakamata sa kasintahan na nasa loob.
"Nathan" basag ang boses na sambit nito.
Namumugto ang mga mata at bagsak amg balikat. Napahinga ako ng malalim na tinapik ito sa balikat at sinilip si Annika sa loob. May benda sa ulo, puno ng aparatus sa katawan, may tubo sa bibig at oxygen mask sa ilong. Napakuyom ako ng kamao na nangilid ang luha sa nakikita.
"Pagbabayarin ko ang salarin. Hindi ako makakapayag walang maparusahan sa nangyari kay Annika" madiing saad nito na basag ang boses.
Tumulo ang luha kong napapalunok na tila may bumukil na bato sa lalamunan ko.
"What happened, dude? Paanong nangyaring walang bakas?" aniko sa matagal-tagal naming katahimikan habang nakamata kay Annika.
"Babae"
"Huh?" napalingon ako dito na kunot ang noo.
"Babae ang salarin, dude. Her voice sounds familiar to me. Parang narinig ko na somewhere. I don't know. Pero nakakatiyak akong mabo-boses-an ko siya kapag narinig ko ulit ang boses niya" anito na nagngingitngit ang mga ngipin habang kuyom na kuyom ang kamao.
Nanlilisik ang mga matang punong-puno ng galit. Para siyang isang mabangis na leon sa mga sandaling ito. Napalunok ako sa nakikitang galit dito. Sa aming tatlo nila Sherwin ay si Nadech ang pinakakalmado at sweet. Kaya naman nakakapanibago na makitaan ito ng galit.
"What do you mean, dude?"
"We're talking on the phone on that time, dude. Naglalambing pa nga eh. Nag-aabang siya ng taxi na masakyan dahil hindi ko masundo. Then biglang napatili ito at dinig kong may nag-crash sa paligid. I heard her. Tinatanong si Annika kung okay lang ba siya? Kung anong gagawin niya. The nerve of her. Mapapatay ko ang babaing 'yon oras na mahuli ko siya" madiing saad nito na nagngingitngit ang mga ngipin.
"Familiar talaga ang boses niya, dude. Kaya nakakatiyak akong, mahahanap ko ang salarin. Ako mismo ang magpaparusa sa kanya" matatag nitong saad na bakas ang kaseryosohan sa itsura at tono.
Napatango-tango akong tinapik ito sa balikat.
"Count me in, dude. Tayo ang maniningil sa panghi-hit and run niya kay Annika. Hindi rin ako makakapayag na walang maparusahan sa nangyari dito" saad kong napasulyap kay Annika sa loob na wala pa ring kamalay-malay.
ILANG ARAW ANG lumipas at hindi nakayanan ni Annika ang nangyari. Binawi siya sa amin ng kapalaran kaya naman nalihis ang attention ko at buong araw na sinasamaan namin si Nadech na lugmok na lugmok sa nangyari sa kasintahan. Kaka-propose pa nga lang niya kay Annika last month pero heto at namatay na ang kasintahan nito na parang isang hayop lang na sinagasaan at iniwanang naghihingalo sa gitna ng daan. Ang masaklap pa dito ay hindi pa namin mahanap ang salarin lalo na't tanging si Nadech lang naman ang nakaka-recognize sa boses nito. Wala ring mga cctv na kalapit sa nakangyarian ng aksidente, walang witness na lumalabas kaya naman maging mga otoridad ay hirap matukoy ang salarin.
Habang nasa coffeeshop ako at hinihintay ang order ay aksidenteng nahagip ng paningin ko ang commercial sa tv na naka-hang sa wall nitong shop kung saan napakapamilyar ng mukha ng bagong endorser ng commercial. Napatayo akong mas tinitigan ang mukha ng babae sa screen!
"Catrina Montereal?" kunotnoong sambit ko na mabasa ang pangalan nito.
Napakuyom ako ng kamao. Paanong siya si Catrina Montereal kung Yoona naman ang totoong pangalan niya? Imposibleng.....kakambal niya ang babaeng ito! Napatampal ako sa noo na nanghihinang napaupo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig na hindi maalis ang paningin sa tv. Hindi ako pwedeng magkamali. Magkamukhang-magkamukha sila. Kahit nagsusuot si Yoona ng round reading glasses at hindi nagmi-make-up ay hindi maipagkakailang magkamukha sila ni Catrina at magka-boses din! Imposibleng magkapatid sila.