YOONA: NANGUNOTNOO AKO NA pabalik-balik sa silid ni Tito Nathan pero wala pa rin ito. Hindi naman siya nag-checkout pero wala na ang sasakyan nito sa parking lot. Napahinga ako ng malalim na humalukipkip at sinulit na lamang ang pamamasyal dito sa resort na tinutuluyan namin sa Tagaytay. Sayang din naman ang ibinayad niya dito. Marahil may emergency na naman sa negosyo o pamilya niya kaya bigla siyang nawala. Napangiti ako habang ninanamnam ang katahimikan at lamig ng simoy ng hangin na sumasalubong sa mukha ko dito sa balcony ng silid ko kaharap ang bulkang taal at papalubog na ang araw na kay sarap ang init nitong dala sa balat. Kahit paano ay nakakalma ang isip at puso ko sa mga sandaling ito. Maya pa'y nag-vibrate ang cellphone kong nakasilid sa bulsa ng suot kong roba. Nangunotno