Halos mapasigaw ako sa sakit dahil sa pagsaksak ko sa binti ko, katunayan ay naluha ako sa sobrang sakit, pero gayunpaman ay tiniis ko pa rin at tinalian na lang bago napagdesisyonan nang pumunta ng clinic para ipagamot. Wala akong choice kundi saksakin ang sarili ko para magkaroon ng sugat, syempre ayoko naman mabuko; hindi lang buhay ko ang nakataya rito kundi buhay ng mga kapatid ko. Oras na mabuko ako, katapusan na ng lahat. At 'yun ang hindi ko papayagang mangyari. Pagdating ko sa clinic ay isang babaeng doctor ang namamahala sa loob. Nasa mid-40s na yata and ede at mabait naman ito dahil agad akong inasikaso pagkapasok ko. “Napakakinis naman ng binti mo para sa isang lalaki, mas makinis ka pa sa mga nagamot kong babae rito sa isla,” puna sa akin ng doktora habang ginagamot ang bin