DUMATING kami sa isang malawak na village kung saan maraming mga sementadong bahay ang nakatayo na halos dikit-dikit; marami palang mga nakatira, hindi lang mga kapatid ko. At lahat pala ay mga kapatid din ng mga trainee tulad ko na wala nang matirahan. Parang ampunan lang, pero iba dahil may kanya-kanyang bahay. Pagdating namin ay wala pa ang mga kapatid ko dahil nasa school pa, kaya hindi kami makapasok dahil dala nila ang susi. Pero pagdating ng hapon ay isang van ang dumating at sakay na nu'n ang mga kapatid ko kasama ng ilan pa suot ang kanilang mga school uniform. Namilog naman ang mata ng mga kapatid ko sa tuwa pagkakita sa akin. “Kuya!” pagtawag ni Jemma. “Kuya ko!” Si Meme. “Kuya kong guwapo!” Si Arya. Agad na silang nagsitakbuhan sa akin Sinalubong ko naman sila ng yakap, n