"Halikan mo 'ko, kung hindi ka nga bakla." Hamon ko ulit sa kanya. Tuluyan na siyang huminto at seryoso nang tumitig sa akin. Hindi rin ako kumurap sa kanya para makita niyang hindi ako nagbibiro. Gusto kong mapatunayan na straight ang pagkatao niya. Wala pang minuto, umigting na naman ang kanyang panga at mabigat na huminga. "Ganyan ka ba talaga sa lahat ng mga lalake?" Nasaktan ako ng kaunti nang marinig iyon dahil halatang iniisip niyang, ganito ako ka-desperada para lang makuha ang gusto ko. Nakakainsulto pero gayunpaman ay wala akong pakialam! Basta mapatunayan ko lang na mali ang iniisip ko tungkol sa kanya. "Oo! Ganito ako sa lahat ng mga lalaki. Hinahamon ko sila kapag nag-alinlangan ako sa katauhan nila." matapang ko rin na sagot at pinantayan ko rin kung gaano ka-seryoso an