"Ha?" tanging reaksyon niya at para bang kawindang-windang ang sinabi ko. Kahit gusto ko ng ngumiti ay matinding pagpipigil ang ginawa ko para isipin niyang seryoso ako. Hindi ko naman kasi talaga iniisip na pupuntahan pa niya ako dito. Talagang mataas ang pride niya at ayaw niyang tanggapin ang perang tulong ko para sa kapatid niya. Well, nakakahanga nga naman kapag gano'n. Pero para sa akin, kulang na kulang pa 'yon bilang kabayaran sa pagligtas niya sa buhay ko. Kaya dapat lang talaga na ibalik ko ang kabutihang ginawa niya sa akin. Wala naman problema sa akin ang pera kahit ilang million pa ang abutin niyon ay babayaran ko pa rin ng bukal sa kalooban ko. Buhay rin ng kapatid niya ang nakasalalay kaya dapat lang na gano'n rin ang gawin ko dahil alam ko na ako lang ang tanging makakaga