Halos liparin ko na ang banyo ng mga guard nila para lang makapasok agad ako sa loob at mailabas ang namumuong init sa puson ko. "Boss, pagamit ulit ng banyo, ha." Mabilis kong paalam sa isa nilang guard na nakatalaga dito sa gate habang takip ko ang backpack sa aking harapan. Hindi pa siya sumagot ay pumasok na ako sa loob at nilabas ko agad ang alaga ko saka pumwesto sa inidoro. Napahilamos akong tumingala habang patuloy ako sa pagbabawas. Ilang segundo pa ay nakahinga rin ako nang maluwag nang makatapos ako't mailabas ko na ang lahat na nagpapasakit sa puson ko kanina pa. Bwesit! Muntik na ako doon, ah! Hoo! Tangina. Mali yata itong desisyon kong magtrabaho sa kanya, ah. Paano na bukas? Sa susunod? Makakatagal kaya ako nito? Marla Alonzo, kakaiba ka talaga! Ang tindi mo! Hindi ko