"Should I?" Hinihingal kong hamon sa kanya at hindi ako kumurap nang sabihin iyon. Kahapon pa ako nabubwesit sa kanya tapos ngayon, nag-uumpisa na naman siya. Nakakapang-init ng ulo at nakakataas ng dugo. Hindi siya kumibo at hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko. Hindi rin siya humahawak sa akin at nakatitig lang talaga siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung tama ba ako na bakla siya dahil wala man lang talaga akong nakikitang nalilibugan siya. Hindi man lang kasi pumungay ang mga mata niya. Ni pamumula ay hindi rin. Nakakainis isipin na may isang lalake na hindi ko kayang pag-initin. Ang hirap kasing isipin na bakla siya dahil lalaking-lalaki siya noong iligtas niya ako. Hero na hero ang dating niya! Ni takot ay hindi ko man lang nakita sa kanya ng gabing iyon kahit lima pa ang kal