Kahit pagod at inaantok ako kagabi ay hindi rin agad ako nakatulog. Kaya tinanghali ako ng gising at naisip ko muna na bukas na lang papasok. Wala ako sa kondisyon at baka madala ko pa sa office. Naisip ko kasi ang nangyari sa akin kahapon at medyo hindi ako mapalagay. Feeling ko ay nakikita ko pa rin sila at naririnig ko pa rin ang mga boses nila. Kaya naisip kong mag-relax muna dito sa pool. Wala akong ganang mag-ehersisyo kaya naisip kong mag-swimming para kahit papano ay marelax ang utak ko. Wala si Momiela dahil may pinupuntahan, sa baguio kaya wala rin akong makakausap ngayon. At gaya ng madalas kong ginagawa, nilihim ko na naman sa lahat ang nangyari sa akin kagabi. Ayaw kong mag-alala sa akin si Momiela at baka makasama pa sa kanyang kalusugan. At hindi ko mapapatawad ang sarili k