Nang magising si Peach ay naramdaman niya na lang na hawak ni Adriano ang kamay niya ng mahigpit, habang nakadikit iyon sa bibig ng binata at tumutulo ang mga luha nito ng tahimik. "Ad-Adriano…" nanghihinang saad ni Peach. "I'm sorry, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sayo," seryosong saad ni Adriano habang nangingilid ang mga luha na nakatingin kay Peach. Ngunit tila masama pa rin ang loob ni Peach kung kaya't naiyak din ang dalaga na binawi ang kamay niya kay Adriano at saka bumangon at umayos ng pagkakaupo. Naaalala niya ang nakakatraumang gabi kung saan muntik na siyang halayin ng apat na kalalakihan na iyon. "Patawarin mo ako, ipinapangako ko hindi na mauulit, Tart, please," saad ni Adriano at saka hinawakan si Peach sa braso ngunit nagmatigas si Pe